Thirty-seven
Marco...
Its been three days simula ng huli niyang nakita si Kyla. Kapag nagpupunta siya sa condo nito wala na doon ang dalaga may pinuntahan daw sabi ng mga magulang nito.
Kapag tinatanong niya kung saan nagpunta hindi naman daw alam ng mga ito kung saan nagpunta.
Hindi niya din matawagan ang cellphone nito nakapatay lang palagi.
Nag-aalala na siya sa dalaga, lalo pa ngayon na buntis ito.
Nasa kalsada siya ngayin at nagmamaneho siya pero hindi niya alam kung saan sya pupunta. Basta nagda-drive lang siya.
Maggagabi na naman, pero hindi pa din niya nakakausap si Kyla.
Nasa isang park siya nahinto, hindi nga niya alam na nagawi na siya doon. Bumaba siya at naglakad lakad lang doon.
"Kuya"tawag sa kanya ng isang bata.
Nang lingunin niya ito nakita niya ang isang batang lalaki na nakatingala sa kanya.
"Anong kailangan mo?"naupo siya ng pasquat para mapantayan niya ang bata.
"Ang lungkot niyo po kasi"sabi nito.
Natigilan naman siya sa sinabi ng bata, ganoon na ba siya ka-obvious na malungkot siya.
"Hindi naman ahh"tanggi niya sa sinabi ng bata.
"Malungkot po kayo, hindi ka kasi ngumingiti. Iniwan ka siguro ng gelpen mo"sabi pa nito.
Napataas naman ang kilay niya sa sinabi ng bata. Atribidang bata pa lang kung anu-ano na ang alam.
"Hindi naman ako iniwanan ng girlfriend ko, hindi lang kami nagkikita na dalawa"sagot niya sa bata.
"Edi iniwanan ka nga po ng gelpen niyo"pamimilit pa nito.
Napipikon na siya sa batang kausap niya pero hindi nalang niya pinahalata pa kasi naman bata lang naman ito.
"Wag mo po masyado isipin ang gelpen niyo mahal ka non. Babalik din po iyon sa inyo. Saka wag mo siyang bibitawan kasi pinaglalaban ka non"sabi ng bata ng hindi siya sumagot.
"Ang bata mo pa para magbigay ng payo sa matatanda"natatawa niyang ginulo ang buhok ng bata.
"Hmm...bata man po ako may alam din naman ako sa sinasabi ko"sagot nito.
Napansin niyang hindi marunong mangupo ang batang kausap niya.
"Asan ba ang mga magulang mo maggagabi na dapat kasama mo sila."pag-iiba niya ng usapan.
"Magkahiwalay sila ngayon eh, hinahanap ng papa ko ang mama ko"sagot ng bata.
Nakakunot ang noo niya sa naging sagot ng bata. Ang bata pa nito para sa mga ganitong problema.
"Halika ihahatid kita sa mama mo"tumayo na siya para akayin ang bata.
"Wag na, basta iyong bilin ko sayo wag mo kakalimutan. Kapag binitiwan mo iyong gelpen mo kawawa ako..mahal ka non promise"sabi ng bata sabay takbo palayo sa kanya.
"Sandali bata anong pangalan?"habol niya sa bata.
"Markie Ivan De Larra po Papa"sigaw ng bata.
Papa?...
Hinihingal na nagising siya ng mauntog siya sa manibela niya, hindi niya alam na nakatulog na pala sya sa loob ng sasakyan niya. nang lingunin niya ang paligid niya gabi na at nakaparada siya sa tabi ng park kung saan ang panaginip niya.
Shit naman...
Ano bang nangyayari sa kanya, hindi naman siya nakakatulog basta-basta.
Siguro dahil na din sa pagud, tatlong araw na kasi siyang walang maayos na tulog o pahinga man lang.
Nilingon niya ang Park kung nasaan siya, parang iyon nasa panaginip niya na madaming bata. Hinahanap niya ang batang nakausap niya sa pananginip niya baka kasi totoo naman na nakausap niya ang bata.
Pero kahit anong lingon niya hindi niya makita ang batang nakausap niya.
Ang natatandaan nalang kasi niya sa panaginip niya tinawag siya nito papa.
Damn kung ano-ano na kasi ang iniisip mo Marco. Sermon niya sa sarili niya.
Nagsimula na siyang magmaneho pauwi sa condo niya, pero hindi pa siya nakakalayo ng maisipan niyang dumaan muna sa condo nila Kyla baka nandoon na ang dalaga.
Kailangan niyang makausap ito ngayon, mababaliw na siya kakaisip kung sino ang lalaking kasama nito noong nakaraang araw na makita nito.
Pero hindi pa man siya nakakarating nakareceive siya ng text mula kay Kyla. Sinasabi nitong magkita sila bukas ng hapon sa isang restaurant malapit sa bahay ng mga parents niya. may pag-uusapan daw silang importante.
Sinabi din ng dalaga na wag na siya nitong puntahan dahil wala ito sa bahay nito ngayon kaya masasayang lang daw ang oras niya.
Wala naman siyang nagawa kundi ang sundin niya ang dalaga.
Kaysa sa condo niya siya dumeretso sa bahay ng parents niya siya nagtungo. Ngayon nalang siya nagpunta doon mula noong araw na nakilala niya ang sinasabing pakakasalan niya. iniiwasan niya ang mga ito sa totoo lang, pero kailangan pa din niyang makausap ang mga magulang niya regarding sa kasal na niluluto ng mga ito.
"Kuya?"gulat na tawag sa kanya ni Madison.
Nakakunot noo siya na nakatingin sa kapatid niya.
Nasa sala pa kasi ito at kausap nito ngayon iyong Via na mapapangasawa DAW niya.
Mukhang nagkakalapit na ang mga ito.
"Nakakagulat bang makita mo ako dito Madison?"aniya sa kapatid.
"Well suit yourself"nakairap na sagot lang sa kanya ng kapatid sabay baling muli sa kausap nito.
Nilagpasan nalang niya ang mga ito, naiinis siya kasi bakit parang nagugustuhan nan g kapatid niya ang Via na ito, samantalang botong boto ito noon kay Kyla na maging sister-in-law.
"Saan na nga tayo? Ahh sa wedding gown"narinig niyang sabi ng kapatid niya.
Hindi na niya pa hinintay kung ano pa ang pag-uusapan ng mga ito wala siyang pakialam sa pag-uusapan ng mga ito dahil wala namang kasal na magaganap. Kung meron man siya at si Kyla lang ang ikakasal wala ng iba pang bride na ipapareha sa kanya.
"You're here?"puna ng mommy niya.
Sawakas nakadaupang palad din niya ang kanyang ever dearest mommy.
"Anong kalokohan ang mga pinaggagawa niyo Mommy?"bungad niya agad sa magulang.
Tumawa lang ng malutong ang mommy niya, maging ang daddy niya nandoon din pala hindi niya napansin na magkasama ang dalawa sa kitchen.
"Ano, hindi ba dapat ang tanong mo kamusta kami ng daddy mo?"pag-iiba ng usapan ni mommy niya.
"Stop that Mommy, alam niyo ang dahilan kung bakit ako nandito ngayon"gigil na sagot niya.
"Oh, anak"nakangising tugon naman sa kanya ng mommy niya.
Balewala sa mga ito ang galit niya, alam kasi ng mga ito na hindi niya kayang tiisin ang mga ito. Pero iba ang sitwasyon ngayon, kaligayahan na niya ang nakasalalay dito.