02 : EGGCITING FIRST DAY

104 2 4
                                    

[Choi Rima]

Lumipas ang isang linggo at nasanay na din ako sa dorm. Naging close na rin kami ni Daehyun kahit papaano. Taliwas sa akala ko nung first impression na intimidating siya, hindi naman pala. Mabait naman siya at parang sabog... Ganun din kay Jihoon. Naging close ko na rin siya. Oo, close naman kami dati nung mga bata pa kami, pero siyempre sa tagal ng panahon na di kami magkasama, medyo nawala. Pero ngayong nagkita na ulit kami, unti-unti nang bumabalik ang closeness namin. 

Ngayon na ang araw ng Freshman Day aka orientation naming mga freshies. Kaya lang, umaga pa lang di na fresh utak ko. Potek gusto ko pa matulog. Sa totoo lang gising na ako, pero kaluluwa ko tulog pa. Yung tipong physically awake but spiritually sleeping. Ganun. Kaso, biglang may nagtapon sa mukha ko ng tubig na nagpagising sa aking spiritual self. Napatayo ako bigla sa kama at napadilat ang aking mga mata. "Good morning little girl~! Kanina pa kita ginigising. Faster!! Baka dumating na si Jihoon." Sabi ni Daehyun sakin na di naman excited kasi nakabihis na ng uniform namin tas may makeup pa.

"Pupunta si Jihoon dito?" Tanong ko habang nilalabas ang mga kailangan ko sa buhay.

"Yup. He texted me earlier na he will go to school with us daw." Itong dalawa talaga. Sila talaga eh. Sure ako. Sorry curious ako sa love life ng people. Kailan kaya ako mag kakaroon?

"Lagi ba kayong sabay pumasok? Like nung highschool pa kayo?"

"Nah. Although sometimes, sumasabay siya kasi kasama ko minsan papunta sa school si Daewhi before."

"Ohh."

Pagkatapos ko maligo at magbihis at mag makeup, aka baby powder at lipstick, bigla namang dumating si Jihoon. Eh ang aga pa at di pa ako tapos mag ayos ng hair ko. 🙁 Ala ui.

Pinapasok na siya ni Daehyun at nag hi lang sila sa isa't isa. Dumiretso naman siya sa kama ko at umupo sa tabi ko. "Hello! Ready ka na?" Tanong niya.

"Uhm...Di pa... aayusin ko pa buhok ko pati bag ko." Sabi ko. Naiyak ako kasi I'm stating the obvious here.

"Okay lang yan. Take your time, liit. Matagal pa mag time. Akin na suklay mo. Ako na magsusuklay ng buhok mo."

"Oka---" Bago ko ibigay suklay ko tinanong ko siya. "Bakit marunong ka ba?"

"Oo naman." Kaya binigay ko na. Baka natuto kay Daehyun? Or baka sa kapatid ni Daehyun na si Daewhi?

Tapos na ako mag-ayos at sinusuklay parin ni Jihoon ang straight na medyo kulot sa dulo kong buhok. "Omg. You guys are so cute!!!" Bigla naman sinabi ni Daehyun na mukhang nagfafangirl na ewan na di ko alam. Medyo naawkward ako bigla kaya kinuha ko na kay Jihoon yung suklay ko. "Okay na thank you, Ji."

"Ji?" Ang pagtataka ni Jihoon. Nagnod naman ako. "Uhm.. Sorry mas madali kasing sabihin ang Ji kesa sa Jihoon. Or... Ayaw mo ba? Sorry... Sige Jihoon na la---"

"Ah. No, no. Haha I don't mind."

"Oh... Sige... Tara na?"

"Okay let's go!!! Guys!!!" Sabi ni Daehyun sabay akbay sa'kin at lumabas na kami ni Daehyun. Nahuli si Jihoon na may mukhang iniisip. Little did I know, yung simpleng nickname na yun ay biglang nagpabago ng buhay niya (char lang para kunwari angsty din).

Nasa school na kami at pinapunta kaming lahat na freshies sa multi purpose building at umupo sa fifth row seats para kunwari di nakakahiya kahit gusto talaga namin sa harap. Actually si Daehyun gusto niya dun sa pinakaharap pero pinigilan namin siya. Wala eh excited si Daehyun. Katabi ko si Jihoon at katabi naman niya si Daehyun. Kuha mo? Anyway, siguro para pag busy ako tumingin sa stage mag hoholding hands sila ganon? Lol. Shiz. Ang chismosa ko. Bahala na nga sila. Support ko na lang sila sa buhay nila.

ONE SUNNY SIDE UP | WANNA ONETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon