Maliit na Paalala

31 1 0
                                    

Poreber solid tayo!
Sigaw niyo sa may kanto
Walang iwanan
Walang plastikan.

Ang nararamdaman ng isa ay nararamdaman ng lahat
Magkakasama hanggang sa pagpapapayat
Paggawa ng kalokohan
Maging sa kabutihan.

Mga pangako na mas matatag pa sa bato
At nagmumula sa kaibuturan ng puso
Panunumpang hindi man nakasulat
Ngunit nakatatak sa puso't isip ng lahat.

Okey lang na walang boypren
Basta kumpleto kayong magbebespren
Ang humiwalay maitim ang singit
Pati narin kili-kili hanggang anit.

Nakakatuwa lang na ganyan kayo
Sa murang edad may pinaninindigang pangako
Tama,ganiyan kayo noong nangako
Noon na ngayon ay napako.

Asan na yung asaran?
Iyong walang tigil na hambalusan
Naglalakasang iyakan
At walang katapusang kasiyahan.

Dati,hindi ako papasok kapag hindi kayo pumasok
Ngayon,absent daw si mahal bahala na kayo mga bugok
Bahala
Bahala na nga.

Habang tumatagal ang hanap mo na'y ibang pagmamahal
Pagmamahal na sa mga kaibigan mo'y malaking sampal
Sabagay,ano nga namang laban nila sa sinisinta mong kupal?

Si Darling masayang kasama
Kay tropa boring na nga,nakakasawa pa
Pinapalibutan ka ng puso kapag malapit si Babe
Nakaririnding boses naman ang kay Bessy na feeling nasa stage.

Maganda ka,ang sabi ni BF
Mukha kang ulikba,asik naman ni BFF
Kay GF may matatanggap kang matatamis na halik.
Si utol naman panis na laway ang sayo'y pinapatalsik.

Obvious naman na kay BF o GF ka masaya
Pero isang maliit na paalala
Si Sweety madaling palitan
Ngunit ang totoong kaibigan?mahirap 'yan.

Sulat ng isang EstrangheroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon