ANG HULING PAHINA
Ni: Ronalyn AgustinSinimulan kong isulat ang istorya nating dalawa sa masasayang alaala.
Mga masasayang alaala na kahit kailan ay di natin inisip na magwawakas pa.
Mga ngiti sa aking labi sa tuwing naaalala ka bago matulog sa gabi. Tila ba hindi na ito mapapawi.
Sa tuwing ako'y yakap mo, pakiramdam ko nasa alapaap ako.
Sa tuwing hawak mo ang kamay ko tila ba ayaw ko ng bitawan ito. Dahil pakiramdam ko, ligtas ako sa tabi mo.
Mga pangarap natin na unti-unti nating tinutupad ay sinimulan ko na ring isulat sa susunod na pahina.
Sa pahina kung saan mas lalong nagiging panatag ang mga loob natin na aabot tayo sa puntong magsasama sa habang buhay.
Dahil gusto ko, ikaw ang makasama ko hanggang sa pagtanda.
Ang tore ng ating mga pangarap na kahit kailan ay di natibag.
Matapos dumaan ng mga problema na atin ng hinarap.Mga pangako natin na hindi napako. at eto na, malapit na nating maabot ang dulo.
Lumilipas ang panahon. tumitindi ang mga hamon.
Talagang sinusubukan tayo ng tadhana kung hanggang saan ang ating pagsasama.
Kaya ginulat tayo parehas ng masakit na pangyayari ... At eto na nga ....
Sumuko ka dahil sabi mo di mo na kaya. </3
Umiyak ka sa harapan ko at sinabing "Mahal, pasensya na."
Tumalikod ako dahil ayokong makita kang lumalayo sa piling ko.Ibinuhos ko ang lahat ng sakit sa Librong ito.
Napansin ko, ito na pala ang huling pahina ng aklat na ito.
Kaya pala nagwakas na din ang istorya nating dalawa.
Ang mga ngiti sa aking labi noon
ay naging mapait na alaala na lang saakin ngayon.Ang mga yakap mo saakin noon, tila ba ayaw ko ng isipin ngayon.
Ang paghawak mo sa kamay ko noon, Gustong gusto ko ng bitawan ngayon
Akala ko hindi na magwawakas pa ang ating istorya dahil pinaramdam mo saakin ang pagmamahal na kahit kailan ay di ko mararanasan sa iba.
Pero yun pala ay mananatiling isang malaking "Akala"
Sa pagtatapos nitong huling pahina nais ko sanang wakasan na din ang meron sa ating dalawa.
Dahil Binuhay tayo sa magkaparehong pahina ngunit sa maling akda.
WALA NA.
WALA NA ANG LAHAT NG ITO DAHIL WALA KANA.
Kumbaga sa isang libro, Nag-iisa ka nalang na pahina. Pahinang kinalimutan na.
BINABASA MO ANG
Nagmahal. Nasaktan. Tumula.
PoetryPinagsama-samang mga tula ng iba't ibang makata sa fb page na "Nagmahal. Nasaktan. Tumula."