Dedicated po kay BlackHeart_Irene
thank you!
Part 1
Maan's POV
Nakapikit parin ako. Ang tagal naman! Bakit hindi pa ako bumabagsak?! At hindi pa ako nasasaktan?! Pero ito lang ang nararamdaman ko parang bang may sumalo sa akin? Pero hindi naman ako naabutan ni Drew eh!
Minulat ko ang aking mga mata. O_____O
Wow! As In! WOW!
May isang gwapong lalaki ang nakasalo sa akin. Nakatitig lang siya sa akin. Napatitig tuloy ako sa kanya. Ang ganda ng mga mata niya. Tapos ang tangos ng ilong niya at ang puti niya. Tapos perfect pa nung lips nya! Tapos para na siyang perfect ta-------- Wait! Anu ba itong iniisip ko?
Binaba nya ako, pero hindi parin nya inaalis ang pagkakatitig nya sa akin.
Nanginginig pa ako tumayo. Ang lakas kasi nung impact nang pagbagsak ko. Pero inalayan niya ako na tumayo. Aba Gentleman.
Magsasalita na sana ako nang biglang may nagsalita. Napatingin naman kami sa kanya.
" I told you An Angel Will Fall In The Sky will help you." sabi nung lalaki na nakangiti sa amin. Tumingin ako sa paligid. Ang daming nakatingin. Center Of Attraction lang ang peg!? Halos lima silang lalaki na malapit sa akin. Kasama na itong nagligtas sa akin.
"Hi! Miss Beautiful!" sabi nung isa pang lalaki sabay smirk, parang playboy ito ah.
"Itigil mo nga yan Elliot!" sabi nitong nagligtas sa akin dun sa playboy. Ah Elliot pala ang pangalan.
"Ito naman si Kevin cool ka lang!" sabi nung isa pang lalaki,so siya pala si Kevin.
"Miss okey ka lang?" sabi nitong si Kevin.
"Ayus lang ako. Thank you nga pala ha! buti nasalo mo ako. Akala ko maaaksidente ako. At saka sorry baka nabigatan kasa akin." Sabi ko at sabay ngumiti.
"Hindi ayus lang yun. Ako nga pala si Kevin Gonzales, ito naman si Elliot Cabrera *ito yung playboy*, ito si Jake Abadilla *ito yung unang nagsalita eh, weird nga lang sinabi*, ito si Nate De Luna *ito yung Huling nagsalita eh* at last ito si Nick De Luna *ito yung tahimik eh* kapatid siya ni Nate. Mga kabarkada ko. Anung pangalan mo Miss?" sabi ni kevin.
"Ako nga pala si---" sasabihin ko na sana pangalan ko nang bigla sumulpot si Andrew.
Lumapit siya agad sa akin. At kinausap agad ako. "Maan ayus ka lang? Nasaktan ka ba? May masakit ba? Nasu------" naputol yung sasabihin niya nang biglang nagsalita si Kevin.
"Pare kinakausap namin huwag ka naman bastos! At chill ka lang, masyado kang maraming tanong!" sabi niya na parang naiinis. Bakit kaya?
Bigla humarap si Andrew kay Kevin.
"Pare huwag kang pakilamero. Hindi kita kinakausap! At sino ka ba?" sabi niya, galit na ata ito. Pakiramdam ko may mangyayari masama kaya naman kinausap ko si Andrew.
"Andrew si Kevin nagligtas sa akin. Atsaka ito yung mga kaibigan niya si Elliot,Jake,Nate at Nick. Guys si Andrew best friend ko." sabi ko. Magaling ako mag saulo kaya nasa ulo ko din yung mga pangalan nila.
*SILENCE*
Nakita ko yung mga tao hindi na nakatingin sa amin.
"Bessy!" may sumigaw at alam ko na kung sino yun. Isang tao lang ang tumatawag sa akin nun, si Shirley!
Yinakap niya ako,muntik na ako ma out of balance. Tapos humarap na siya sa akin. Paiyak na siya. Natotouch ako.
"Buti na lang safe ka! Huwag mo nang uulitin yun ha! Pinakaba mo kami. Ito nga pala yung regalo at yung pizza at donut." sabi niya at inabot sakin,syempre kinuha ko. Nilagay ko sa bag yung regalo, kasya naman siya sa bag ko. Tapos bigla siyang tumingin kay Andrew pati na din kay Kevin pati sa mga kasama niya.
"Ah nga pala bessy si Kevin yung nagligtas sa akin ito yung mga kaibigan niya si Elliot, Jake, Nate at si Nick. Guys ito nga pala si Shirley bessy ko!" sabi ko sa kanila. Hahaha! Nakakapagod din pala mag pakilala sa kanila.
Ngumiti na lang si bessy at kumapit sa braso ko.
"Salamat nga pala sa pag ligtas mo sa akin Kevin! Ako nga pala si Maria Andrea Samantha M. Delos Reyes for short Maan." sabi ko sa kanila.
"Nice meeing you maan!" sabi ni Kevin nakangiti. Pati yung mga kasama niya tumango na lang.
"Baka maiwan na tayo nang bus,tara na!" pagmamadali ni Andrew.
"Oo nga Bessy." sabi ni Bessy.
"Sige. Mauna na kayo." sabi ko sa kanila.
Biglang tumigil si Andrew. Magsasalit na sana siya nang bigla siyan hinila ni Bessy! Nauna na sila. Salamat Bessy!
Humarap ako sa kanila.
"Ah nga pala thank you ulit!" sabi ko sa kanila.
"Wait bago ka umalis anong number mo?" sabi ni Kevin.
"Bakit mo naman tinatanong?" sabi ko na may pagtataka.
"Eh kasi *inakbayan niya ako* tutulungan mo ako kaya hinihingi ko number mo yun na lang yung kapalit sa pag ligtas ko sa iyo!" sabi niya na nakangiti.
Tinanggal ko yung pakaka-akbay niya sakin. Wala na ako magagawa,niligtas niya ako. Pero ba't ganun biglang nag iba ata siya.
"Ito number ko 09*********, okey na ba?" sabi ko.
"Wait!*biglang may dinial siya sa phone niya, nagring yung phone ko* number ko yan. Sinusure ko lang na sa iyo yung number na yun." sabi niya na nakangiti sa akin.
"Anu akala mo sa akin sinungaling?!" sabi ko sa kanya. Nakakainis ha!
"Cool ka lang Maan ganyan talaga si Kevin." sabi ni Nate.
"Maan baka maiwan ka na nang bus, pumunta ka na dun." sabi ni Nick. Nagsalita din siya.
"Sige una na ako! Bye! Thanks ulit!" sabi ko sa kanila at nginitian ko sila.
"Bye din! Ingat ka! Baka madapa ka------" sabi ni Kevin.
Hindi ko na narinig marami kasi tao. Kumaway na lang ako sa kanila.
Pag punta ko sa bus naghihintay si Andrew. Dala niya yung sundae at yung burger ko.
"Ba't ang tagal mo?" sabi niya. WOW! Nakakatakot naman siya!
"Nagpasalamat lang ako sa kanila!" sabi ko nang nakalapit na ako sa kanya.
*SILENCE*
"Sorry ha,hindi agad kitang nasalo. Yan tuoy iba yung sumalo sa iyo." sabi niya at pumanik na.