CHAPTER 24

146 7 4
                                    

Chapter 24

Boyfriend ko 'yan!

Sophie's P.O.V

Pagtapos nung game nila dabog ay nagka-mabitihan na kami ni dabog. Oo na malandi na ako!

Eh sa accidental lang naman kasi yun eh.

Tsaka hoy wag nga kayong ano diyan, niligawan niya naman ako ah. Mga 3 days lang ata hehez. Pero niligawan pa rin niya ako huwag nga kayong ano!



"Huy Em! Gala naman tayo oh sige na please? Kasi mamimili rin ako ng supplies ko eh."sabi ni Alodia malamang



Gumawa kasi kami ng project namin sa bahay nila, pasahan na kasi nun agad. Hanep nga si sir nagbigay tapos pasa agad kinabukasan.


Mas malala pa yata yung mga teacher dito kesa sa St. Veronica huhu.




"Ay hala! Sorry Alo huhu. Kasi naman inaya akong mag Starcity ngayon ni dabog eh. Paano na 'yan?"

"Sus inaya ka lang ng boyfriend mo pumayag ka na. Sige na Em dun ka na sa boyfriend mo hmp!"sabi ng gaga

"Hala parang baliw naman 'to sige na nga ca-cancel ko na yung lakad namin."

"Hala! Siraulo ka talaga. Huwag na! Dun ka na sumama ka na moment niyo na yun! Hayaan mo na nga ako. Ikaw Emerald subukan mong i-cancel yun hinding hindi na kita kakausapin! Tsaka kasama ko naman si Jake kaya gora na."



Bigla naman akong napanga-nga dahil sa sinabi ni Alodia. Walang hiya 'to parang pinagtutulakan pa ako kay dabog!



"Sige na nga malandi ka! Dun ka na sa Jake mo."



Tapos ay nagulat naman ako nung itulak niya ako, pagharap ko nandiyan na si dabog kaya naman pala.


Hihi sshh lang kayo ah, napaka-gentlemen na niyan ni dabog ngayon hehez. Kaya nga sabi sainyo eh nagkakamabutihan na kami.



"Tara na!"



Okay binabawi ko na yung sinabi ko, gago talaga 'tong dabog na 'to kahit kailan.


"Oo na!"sabi ko at nauna nang maglakad


--

Nasa bus na kami pero di pa rin kami nagpapansinan nakakainis kasi eh. Paepal kasi masyado 'tong dabog na 'to.


"Mani, mani, casoyyy!"


Casoy?! O my god! Nag-heart shape bigla yung mata ko hehez. Paborito ko yun, kukuha na sana ako ng pera kaso nung kinaka ko yung bag ko hindi ko mahanap yung wallet ko.



Hala siya! Nasaan na yun?


Ay punyemas naiwan ko yata kila Alodia nakakainis naman!



"Kuya limang casoy."sabi ni dabog



Hala nakakahiya kainis naman kasing wallet yun eh.



"Ayan na, tapos dalawang mineral water kuya."sabi niya


Tapos binigay niya saakin yun casoy hehez. Tapos ayun nagsimula na akong kumain, h8ndi ko na naantay si dabog hehez.


--

Nang nasa Roxas Boulevard na kami ay mabilis siyang naglakad huhu. Ano ba 'yan nagtatampo pa kasi yung pinakamamahal kong si dabog eh.


"Uy dabog kasi naman eh!"sabi ko at nagpapapadyak ng paa

"Stay right there!"


The Nerdy Pambara Girl Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon