Uwian na!!!!!
Nakita ko si Benj na naglalakad sa may pathway. Lalapitan ko na sana nang biglang....
Janlieh!!!!
Jansen?!
"Tara hatid na kita."
Kikiligin na ba ako? Ganun na ba kami ka close para ihatid pa niya ako sa bahay namin? Hahaha
"Ah e. May pupuntahan pa kasi ako e." Pagsisinungaling ko sakanya.
"Samahan nalang kita sa pupuntahan mo." Tsk why so mapilit song joong ki? Hahaha
"Ahm pupuntahan ko pa kasi si mama kakain kasi kami sa labas." Pagsisinungaling ko ulit sa kanya hahaha.
"Ah ganun ba? Sige ha! Paalam na alis na ako."
Aww sayang naman. Pero kailangan ko pang magsorry kay Benj e. Nasungitan ko kasi siya kanina.
"Pasensya na ha. Sige alis na ako." Tugon ko at tumalikod na.
Hays! Asan na si Benj? Ano ba yan san ko naman hahanapin yung lalaking yun?
Hanap!
Hanap!
Hanap!
Ayun! Nasa harap siya ng court. Pero patuloy pa rin siyang naglakad. Tumakbo na ako para mahabol siya.
"Benj!!!" Sigaw ko. Kaya napatigil siya.
"Oh bakit ka tumakbo?" Tanong niya
"Uuwi kana ba? Pwedeng makisabay?" Hingal na tanong ko
Kapal ko nu? Hahaha"Niyaya ka na ni Jansen diba? So option mo lang ako." Nag walk out siya mga bes!! So hinabol ko ulit siya.
"Hoy! Grabe to. Ganito kasi yun...."
"No need to explain. Pero bakit kayo magkasama kanina? Nag walk ka kanina yun pala pupuntahan mo yung Jansen na yun!." Inirapan niya ako. Boset bakla yata to e. Sayang kamukha pa naman niya si Park Seo Joon lalo na ngayon pumuti na siya.
"Teka nga., pwedeng mag explain?" Pag singit ko. Ayaw kasing makinig sakin e.
"Okay." Bigla niyang sagot.
"Ahmm ano kasi e. Ahmm."
"Ano?"
"Natagusan kasi ako kanina, kaya hinatid niya ako sa bahay." Mahinang sagot ko sakanya.
"Tsk! Lieh naman! Bat di mo ako tinawagan? Di ako nalang sana yung naghatid sayo. Tsaka kakakilala mo lang dun a. Bakit ka sumama?" Pagsermon ni tatay hahaha
"No choice ako. Siya lang yung andun. Tsaka nahihiya akong tawagan ka kasi akala ko galit ka sakin nung nag walk out ako."
"Kahit na lieh." Nag walk out ulit si Benj so hinabol ko siya nag lalakad na kami ngayon pero mas nauuna siya
"KAya sorry na Benj. Nagmalasakit lang yung tao e tska....." Napatigil nalang ako nung tumigil sa paglalakad si Benj at humarap sa akin.
"Okay fine! Basa next time ako ang tatawagan mo kapag may emergency hindi ibang tao."
"Okay Dad."
"Tsk! Oh sakay na!"
Sumakay ako agad sa kotse niya. Hahaha why so mabait? After 123456789 nakarating na rin kami sa wakas sa bahay.
"Thank you pangit! Ano? Pasok ka muna?"
"Ahm..."
"Oh Benj! Andito ka pala!tara pasok ka muna!" Pag yaya ni mama kayBenj. Hindi naman nakatanggi si Benj kaya pumayag na siya.
"Sige po tita. Ipapark ko lang po yung kotse ko."
"Sige Benj"
Pumasok na kami ni mama sa loob. Bago kami pumasok sa bahay dinala muna ako ni mama sa garden."
"Anak," hinawakan niya yung dalawang kamay ko.
"Ano yun Ma?"
"Anak kasi kelangan na naming bumalik sa Amerika, for 5 years. Sorry Nak kung hindi namin agad nasabi sayo ng Daddy mo." Naluluhang tugon ni mama.
"Pero 5 years is too long for me to leave alone."
"Pero nak. Papasyal naman kami dito tuwing may especial occasion e. Tulad ng Christmas ganun. Tsaka ibinilin na kita sa mga kasama natin dito sa bahay. Hindi ka nila pababayaan."
Niyakap ko siya nang napakahigpit. Parang last hug ko na yun. Sobrang mamimis ko sila ni Papa.
"Pero ma mag ingat kayo dun ha."
"Ikaw ang mag iingat anak." At tuluyan nang umiyak si mama sa harapan ko kaya niyakap ko siya ulit.
Pumasok na kami sa loob ng bahay andun na si Benj kausap si papa.
May handaan pala dito. Andito yung friends nila papa and mama kaya pala madaming nakapark na sasakyan sa labas."Benj, pwede ko bang hiramin yung papa ko.?" Paalam ko sakanya mukha kasing inaagaw na niya papa ko e haha
"Sure, doon nalang muna ako."
"Sige thank you."
Niyakap ko agad si papa. At niyakap din niya ako at kumawala sa pagkakayakap ko,
"I'll miss you papa."
"So sinabi na pala ng mama mo?"
"Opo. Papa bakit sobrang tagal? Bakit 5 years?"
"Kontrata kasi yun anak. Between our family and Santiago family (family nila Benj)"
"So pati yung parents ni Benj mawawala din ng 5years?" Gulat na tanong ko
"Yes anak."
"Hay! Ganun talaga siguro! Lagi nalang akong iniiwan." Hugot ko
"Basta anak ha! Promise to papa not to do something na ikakapahak mo at ikakagalit namin ng mama mo."
"Of course pa!."
"Mr. Buenaventura!" Pag bati ng matandang business man kay papa.
"Mr. Hwares! Mabuti naman at nakadalo kayo.! Excuse lang anak ha."
"Sige po Pa."
Iniwan ko na sila at nag punta nalang ako sa may garden namin. Umupo ako sa may damo.
"Oh bakit parang malungkot ka?" Tanong ni Benj na parang sinundan yata ako.
"E bakit ikaw hindi ka ba nalulungkot?"
"Kasi matagal ko nang alam."
"Tsk buti kapa!."
"Alam mo pangit sanayin mo na ang sarili mo . Kasi hindi habang buhay andito ang mga magulang mo."
"I know pero sobrang tagal ng 5 years."
"5 years is just a number."