1: Azalea and the dancing daffodils

1.3K 28 0
                                    

"Welcome to Edelweiss Flower Farm"

Nanlaki ang mga mata ni Azalea sa kanyang mga namasdan. W-in-elcome siya ng isang karatula bago siya makapasok sa isang nakabibighaning flower farm. Mula sa paanan ng kabundukan ng Cordillera ay inihatid siya ng isang motorsiklo sa isang flower farm sa itaas ng bundok na halos yakapin na ng makakapal na ulap.

"My God..." walang pagsidlan ang kanyang pagkamangha. Animo'y makukulay na ruffles ang mga matitingkad na bulaklak sa paligid. Maayos ang pagkakahanay nito na animo'y parang isang telang may iba't ibang matitingkad na kulay na mabusising inilatag ng mga diwata sa bahaging iyon ng bundok. Mas lalo pa siyang nabighani nang lapitan niya ang mga bulaklak na may nakahahalinang hugis at korte. Animo'y kinakausap siya ng mga nagsasayawang Birds of Paradise, Daisies at Daffodils. Ang matingkad namang dilaw na kulay ngFreesia at Sunflowers ay awtomatikong nagpangiti sa kanya. Animo'y kumumpas ang hangin at dinala siya sa mundo na puno ng mahika.

"Ma'am?"

Nais pa sana niyang magpatangay sa hiwaga na dulot ng Daisies at Lilies mula sa di kalayuan ngunit binasag ng isang mamâ ang kanyang paglalakbay sa paraisong kinalalagakan ng naggagandahang mga bulaklak. "Ito na po ang inyong mainit na tsokolate," magiliw na alok ni Mang Sergio. Ito ang care-taker ng farm na sumundo sa kanya sa baba at naghatid sa kanya sa lugar na iyon. "Umupo muna kayo dito ma'am..."

"'Wag niyo na po akong tawaging ma'am, Mang Sergio. Naiilang po ako, eh" malambing niyang pakiusap. Lumapit siya sa mesang gawa sa salamin kung saan inilagay ni Mang Sergio ang tsokolate at suman. Saglit lang ay umupo rin siya sa katabing upuan habang patuloy pa ring pinagmamasdan ang kapaligiran. "Hindi pa rin ako makapaniwalang ako ang nagmamay-ari ng flower farm na ito. Akala ko ay isang maliit na flower shop lang ang ipinamana sa akin ni papa..." humigop siya ng mainit na tsokolate kaya't namula ang kanyang mga pisngi. Puno ng pasasalamat ang kanyang puso kaya't hindi niya mapigilan ang walang humpay na pagngiti.

Anak sa labas si Azalea ng isang mayamang ginoo na si Engineer Federico Felices. Sekretarya noon ng bantog na engineer ang kanyang inang si Luisa Alagao. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay napasailalim ang dalawa sa mapusok na tawag ng laman. Thirty six years old noon si Engr. Felices samantalang nineteen years old lamang ang dalagang si Luisa. Nagbunga ang kanilang pagsisiping sa loob ng bakanteng 13th floor ng itinatayong building sa ilalim ng directorship ni Engr. Felices noon. Itinago ng familia Felices ang pagsilang kay Azalea ngunit hindi naman naputol ang relasyon ng mag-ama. Lumaki siyang palaging dinadalaw ng kanyang papa. Bata pa lang siya ay ipinaliwanag na sa kanya ni Aleng Luisa ang kanyang sitwasyon. Si Engr. Felices ay may labing-apat na anak sa legal nitong asawa. Si Aleng Luisa naman ay may anim na anak sa tatay-tatayan niyang si Mang Cardo. Masaya naman siyang lumaki sa poder nina Aleng Luisa at Mang Cardo kahit na may bahagyang kahirapan ang buhay. Nakakatanggap naman siya ng monthly allowance mula sa kanyang ama ngunit pinalaki siya ng kanyang inang responsable at may paninindigan kaya't hindi siya umaasa sa mga biyaya mula sa mayamang pamilya. Hindi siya dumepende sa ama upang makapagtapos ng pag-aaral sa kursong Banking and Finance at makapagpatayo ng isang maliit na grocery store. Kaya na niyang tumayo sa kanyang sariling mga paa kaya't nagkibit-balikat siya nang mabalitaang nag-aaway-away ang kanyang mga kapatid sa ama tungkol sa yaman nito. Wala daw dapat itong ipamana sa kanya. Hindi siya naapektuhan sa mga nasagap niyang balita sa halip ay nagpatuloy siya sa pagkayod upang mabuhay ng marangal at masagana. Laking gulat na lang niya nang malaman niyang ipinamana sa kanya ni Engr. Felices ang Edelweiss Flower Farm sa Benguet. Walang nabanggit ang kanyang ama tungkol dito noong huli nilang pag-uusap habang nag-aagaw buhay ito. Nagluksa siya dahil nawalan siya ng mabait na ama ngunit kailanman ay hindi siya nagluksa dahil sa pag-aakalang wala siyang makukuha mula sa milyon-milyong kayamanan ng kanyang ama. Isang araw ay nakatanggap siya ng imbitasyon mula sa abogado nito sa pagbabasa ng last will and testament. Wala namang nagawa ang mga kapatid niya sa ama nang marinig na ipinapamana sa kanya ang flower farm sa Benguet. Akala niya ay isang maliit na flower shop lang iyon kaya't hindi rin iyon naging big deal sa kanya. Ilang buwan na rin siyang pinagsabihan ng abogado na asikasuhin na ang flower farm pero tinamad siya noong una dahil ang layo ng Benguet sa bahay nila sa Sampaloc, Manila. Ngunit nang matanggap niya ang liham galing sa isang lalakeng nagngangalang Kenji Valdez ay bigla niyang naisipang bisitahin ang farm. Sinabi ni Kenji sa liham na kapag hindi niya binisita ang farm ay magfa-file na raw ito ng abandonment of property at pagiging irresponsible heir niya. Natamaan siya ng kaunting insulto. Sino naman itong Kenji Valdez na 'to? Iyon ang tanong na nais niyang masagot kaya't pinuntahan niya ang farm not knowing na isang paraiso pala ang kanyang madadatnan.And who wouldn't want to stay in paradise?

"Para po talaga akong nasa paraiso, Mang Sergio," hindi pa rin naubos ang kanyang pagkakangiti kahit dalawang suman na ang kanyang nilantakan.

"Naku, Ma'am Azalea, ganyan na ganyan talaga ang mga reaksyon ng mga taong pumupunta dito..."

"Nagmumukha po akong matanda sa Ma'am Azalea niyo po, Mang Sergio," nakakunot ang noo at nakasimangot niyang sambit.

"Ah, sorry, Azalea," napansin nito ang bahagyang pangangatog ng kanyang mga kamay kaya't inalok siya nitong pumasok na sa loob. "Tara, pumasok na tayo sa villa.Mukhang nilalamig na po kayo, ma'am," napatigil ito at napatitig sa kanyang mga matang nagtatampo. "Ah, sorry na, anak," pareho silang natawa habang binabaktas ang kalapit na villa. Isang bungalow lamang ito at hindi gaanong malawak pero maganda ang disenyong oriental. Gawa ang exterior designs nito sa primera klaseng kahoy kaya't classic itong tingnan lalo pa't classic ang mga lampshades na naka-accentuate sa lugar.

"Tara, pasok ka anak." Malugod na sambit ni Mang Sergio. Bitbit nito ang kanyang mga bagahe. Tinungo nito ang isang kwarto upang doon ilapag ang kanyang mga gamit. "Ipinasok ko na ang mga gamit mo sa magiging kwarto mo..." napatigil ito sa pagsasalita nang mapansin ang lalo niyang pangangatog. "Hablutin mo 'yang robe na 'yan at malamig talaga dito sa lugar na 'to." Isinuot niya ang makapal na robe na nakasabit kanina sa likod ng pinto. Naramdaman na rin niya sa wakas ang matinding lamig sa lugar. Pansamantala siyang nilinlang ng mga bulaklak kanina. Nagbigay init kasi ang ganda ng mga bulaklak sa kanyang puso kaya't hindi niya natanto ang sixteen degree Celsius na temperatura sa kapaligiran.

"Kanino po ang robe na ito, Mang Sergio?" Nalanghap niya ang seksing amoy ng panlalaking pabango. Awtomatiko niyag niyakap ang kanyang sarili habang pinagmamasdan ang interior ng villa.

"Kay sir Kenji ang robe na 'yan kaya't malinis 'yan kahit ilang beses na niyang nagamit," bahagyang natawa si Mang Sergio sa sarili nitong biro pero hindi siya natuwa. Hinubad niya ang robe ng mayabang na lalaking 'yun at ibinalik sa dati nitong kinalalagyan. Ibinalik niya ang kanyang atensyon sa loob ng villa. Maging ang villa na iyon ay pag-aari na rin niya at hindi na naman siya makapaniwala sa biyayang iniwan sa kanya ng kanyang ama. Minimalistang disenyo ng interior ng villa para mapansin ang isang glass wall na overlooking sa isang bahagi ng flower farm. Kulay brown at orange ang motif nito, fierce but calm. May isang mahabang sofa at tatlong maliliit na couch. May isang maliit na wine bar sa sulok bago marating ang dining room. Mayroong dalawang kwarto at may isang nag-aapoy na tsimineya. Manghang-mangha siya sa mga nakikita niya sa loob ng villa hanggang sa sumagi sa kanyang paningin ang isang portrait ng isang lalaking may nakapungos na mahaba at tuwid na buhok. Animo'y Japanese ang features ng mukha nito ngunit nakasuot ng katutubong kasuotan ng mga Igorot. May tattoo ito sa pumuputok nitong kaliwang braso. May hawak itong sibat at walang saplot kundi isang makulay na bahag. Napalunok siya ng bara sa lalamunan nang dumako ang kanyang tingin sa malaki nitong dibdib at sa bato-bato nitong abs.

"Sino po itong nasa larawan, Mang Sergio?"

"Ah, 'yan ba? 'Yansi sir Kenji. Ang nag-aasikaso ng farm na 'to na nagpadala sayo ng liham. Kararating lang ng kanyang text. Parating na raw siya." Pinagsiklop niya ang kanyang mga kamay at awtomatikong napangiti.Lumapit siya sa kinalalagayan ng robe, hinablot niya ito at marahan niyang isinuot.

"Sadyang malamig nga sa lugar na ito, noh?" Niyakap niya ang kanyang sarili at linanghap ang amoy ng suot niyang robe. Kung ano man ang dahilan ng pananabik na kanyang nararamdaman ay hindi niya rin maintindihan.

Drowning in LustWhere stories live. Discover now