Introduction

8 1 0
                                    

"Hanggang saan aabot ang bente pesos mo?"

sa Cornetto na ang totoo 25 pesos na ngayon? pamasahe paalis at pauwi, na minsan gugulangan ka pa ng drayber? Tubig at biscuit na bitin? Angel's burger na sa unang kagat tinapay lahat? Pang load unlitext daw pero isang araw lang? Saan na nga ba aabot ang bente pesos natin sa henerasyon ngayon ay mataas na ang bilihin?

Paano sa paghihiganti? Sapat ba na mapatay lang ang taong pumatay sa mahal mo sa buhay? Sapat ba na maipakulong mo siya?

"Hanggang saan aabot ang paghihiganti mo?" 

Sa pag aaral ng pakikipag laban, nakalimutan mo na ang ibang responsibilidad sa buhay? Sa pang t-traydor sa kaibigan? Pag gamit ng ibang tao? Mapupunan nga  ba ng kasiyahan ang puso mo sa paghihiganti? Mababalik ba nito ang taong namatay?Nakakasiguro ka bang magsisisi ang taong paghihigantihan mo? 

Saan nga ba aabot ang paghiling mo sa hustisya ngunit kasabay nito ay paglaban sa batas? Saan nga ba aabot ang batas nating kailanma'y hindi naging patas? Saan nga ba aabot ang galit sa puso mo?

Ang pinaka nakakaawang tao sa buhay na Ito ay ang hindi marunong magpatawad, dahil ang katumbas nito ay mamamatay tao.


The  Darkest ShadesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon