Chapter 2

11 0 0
                                    

Mapupulang rosas,mabangong rosal at makukulay na bulaklak ang nasa harapan ko pero hindi ko alam kung ganun din ang awra ko ngayon. Wala akong tulog kagabi at halos nagamit ko ang kalahating utak ko sa pag-iisip. Hindi ako pwedeng mawalan ng trabaho ngayon. Bakit ang wrong timing naman.

"May order ba para sa funeral ngayon?" Nakakagulat naman itong si Kelly. Pumasok siya sa shop.Ibinaba niya ang suot na aviator at inilapag ang shoulder bag sa table na malapit sa akin. Nasa lapag ako habang nakapaligid saken ang iba't ibang uri ng bulaklak na iaarange ko sana.

"Good morning mam. Wala po. Para po sa wedding lahat ng order natin ngayon." Si Lea ang sumagot malapit siya sa tabi ko,nagsasalansan siya ng mga naarrange ng bulaklak.

"Akala ko may patay eh,bakit naman beshie ganyan ang face natin. May sakit kaba." Yumuko siya ng bahagya at sinalat ang aking noo.

Haist. Pinalis ko ang kamay niya. "Wala pero parang magkakasakit talaga ako." Sinabunutan ko ang aking buhok. Grabe ang frustration ko dahil sa naglaho kong career.😭😭

"Wala ka bang pasok ngayon?" Kinuha niya ang list of orders na nakapatong sa cashier's  table. Pinasadahan niya ito ng tingin at may binilugan sa pinaka ibaba.

Lumabi ako sa tanong niya. " Wala na!" Matamlay kong sagot. Napalingon siya sa sinabi ko. "Anung wala na? Bruha umayos ka." Pinanlakihan niya ako ng mata.

Nagsad face ako at nangalumbaba. Hindi na ako pumasok ngayon dahil ang sabi ng magaling na boss ko kapag pumasok ako ibig sabihin may desisyon na ako. Nakakainis. Nakakagalit. Gusto kung tusukin ng ballpen yung mata niyang blue. Hayst.

"Nakakainis yung boss kong pangit,sinesante niya ako!!" Napalakas yung boses ko. Mabuti na lang wala pang customer. Woo. Kung hindi lang matinik yung rose kanina ko pa ito nilapirot.

"Ano sinesante ka? Bakit?" Gulat na tanong ni Kelly. May iniabot siya kay Lea. Siguro orders yun. "Lea paki una naman nito. Dadaanan yan ng customer mamayang 10am." Hinila ako ni Kelly patayo at dinala sa aming mini office. Char nakikihati lang ako.

"Anong nangyari. Anong grounds mo?" Kumuha ito ng dalawang mug  para magtimpla ng kape. Umupo ako sa sofa. Dala ko ang isang piraso ng rosal,inamoy amoy ko ito, ang bango kase nakakaalis ng inis.

"Insubordination." Wala sa sariling tugon ko. May gumugulo sa isip ko kagabi pa. At hindi ko mapagtagni kung anong dahilan ng lahat. Am I that incompetent being accounting-in-charge para ibaba ng ganun?

"Bakit,anung ginawa mo,hindi ba kagabi lang gumagawa ka ng report. Anyare?" Inilapag niya ang kape sa mini table na kaharap ko. Inabot ko ito para sumimsim,hmm bango ng kape.

I told her the story but not the part na binigyan ni boss ako ng option. Dahil hanggang ngayon pinag-iisipan ko pa.

"Talaga,grabe naman yang boss mo,terminate agad? Hindi man lang suspension,sisante agad?" Umupo siya sa katapat kong sofa.

Homey ang dating ng mini office namin. More on yari sa kahoy ang mga kagamitan. Dalawa ang table,para sa aming dalawa incase sabay kaming nandito. Very classic ang design hindi siya boring tingnan,maliwanag ang buong lugar dahil sa pintang apple green. May mosaic ng ibat ibang bulaklak na nakasabit sa ding ding hindi siya kalakihan pero hindi crowding tingnan. May mini shelves din,pantry at nap place. May little miniature sa malapit sa pinto. Bigay pa ito ni Paulo galing Singapore, ako daw ang naalala niya nung makita niya ito. Sa labas ng office ay ang flower place, maayos at nakaorganize ang bawat uri ng bulaklak. Neat and clean ang lugar kahit pa nga dito ginagawa ang pagaarange, hindi maiirita ang papasok kung man magtitingin sila ng mga bulaklak na gusto nila in any occasion. Ito din siguro ang dahilan kung bakit hindi kami nawawalan ng customer. Friendly din naman si Lea at Greg. Si Lea ang katulong namin sa pagaayos ng bulaklak, si Greg naman ang madalas nasa labas para magdeliver ng mga orders o kumuha ng supply.

You'll also like

          

Feeling ko ganito yung place

Deze afbeelding leeft onze inhoudsrichtlijnen niet na. Verwijder de afbeelding of upload een andere om verder te gaan met publiceren.

Feeling ko ganito yung place.

Sumimsim ako ng kape bago sagutin si Kelly

Deze afbeelding leeft onze inhoudsrichtlijnen niet na. Verwijder de afbeelding of upload een andere om verder te gaan met publiceren.

Sumimsim ako ng kape bago sagutin si Kelly. "Yah,His like dragon bumubuga ng apoy,ngayon ko nga lang siya nakita pero parang ang laki ng galit sakin."

"Ay talaga,pogi ba?" Napangisi siya sa tanong saken. Inismiran ko siya. "Masama ang ugali niya."

"Pero gwapo?" Pag-uulit nito.

"Boring ang mata niya. Blue." Naaasar na wika ko.

"So pogi nga?" Malaki ang ngisi nito na parang kinikilig.

"Ay ewan ko sayo. Hindi siya pogi. Period." Irap ko sa kanya. Nakakainis hindi naman talaga siya pogi. Diba.

"Eh hindi naman pala pogi.edi hindi." Nakakaloko parin ang tingin niya na parang hindi kumbinsido sa sinabi ko.

"Hindi nga!! pangit yung ngipin niya,sungki sungki, yung mata nyang blue pero ang kabila ay brown,marami siyang balbas,malaki din ang eyebags,pwede ng hindi magdala ng luggage. Tapos kalbo na yung buhok nya." Nanlaki ang mata ni Kelly sa sinabi ko.

"Eww, ang pangit nga bes,hanap ka na lang bagong work, matandang gurang na pala yang boss mo." Napatawa naman ako sa reaction niya,Nakangiwi pa ito dahil sa description ko.

Napahalukipkip ako at inilagay ang hintuturo sa baba. I need to decide wether I will accept the offer or not.

Bandang 9:30 may mga dumating ng customer,ang iba nagpareserve para sa birthday, anniversary at wedding. Napakamapagmahal  talaga nila. Flower is a sign of love,appreciation at minsan ginagamit ding panloko. Napasimangot ako habang nagpapay pay. Marami narin akong nagawang bulaklak. Ipinahinga ko ang aking sarili sa upuang malapit saken na nasa pinaka dulo ng shop. Si Kelly ang nag-eentertain ng mga dumadating na customer. Inilabas ko ang headset at nakinig ng favorite kong song, Korean song pang bagets bes hindi nakakasawang pakinggan kahit hindi ko maintindihan.

'Beautiful Life' ost of Goblin. Kdrama addict​ po ako pero kung tatanungin nyo po ang pangalan ng artista sa mga napapanood ko ay wag na kase si Lee Min Ho lang po ang kilala ko.

COLD HEARTWhere stories live. Discover now