Chinito XIII

2.8K 27 7
                                    

---

Biglang natigilan si Hayi nang mapansin niyang hawak ko ang phone ko. Kibit balikat naman na sinagot ko ang tawag ni Marky.

"H-Hello?" Lumabas ng kwarto si Hayi pero binigyan niya ako ng tinging may babala. Nilakihan ko siya ng mata tanda ng pagtatanong pero isang irap at iling niya ang naging sagot niya bago niya tuluyang isinara ang pinto.

"Yenalisha Umandap! Where the hell are you!? Ano'ng oras na wala ka pa sa bahay niyo?!"

"Marky, ano kasi--"

"Nasaan ka?! Susunduin kita."

"Marky.."

"Ano!? Mamarky ka na lang ba ng Mamarky diyan?! Yen naman! Alam ko na ang nangyari. We need to talk. Tell me kung nasan ka at susunduin kita."

"Pero.."

"No more buts, please. Di ko na kaya." Naroon ang frustration at bigat sa bawat salita niya.

Anong di ko na kaya ang sinasabi niya? Heto na ba 'yun? Aamin na siya ng tungkol sa kanila ni Mira? Iiwan na ba niya ako?

"A-Ano'ng hindi mo na kaya?"

"I can't tell you over the phone kaya tell me where you are so I can fetch you."

"Taga--" biglang may humablot ng phone ko. Gulat na napalingon ako kay Madison. Tinanggal niya ang battery nito. Nang makabawi ay lumapit ako sa kanya pero mabilis niyang nilagay sa kanyang bulsa ito at saka umatras ng ilang hakbang.

"Damn it Yen! Delikado 'yang ginagawa mo!"

"Ano'ng delikado dun?! I was talking to Marky! Akina." Lahad ang kamay na lumapit ako sa kanya. Lalo naman siyang umatras.

"Madison.. Hindi ako nakikipaglaro. It's not funny!"

"Who told you that I'm playing games here? I'm serious. Delikado ang makipag-usap kahit kanino lalong lalo na sa pamilya at boyfriend mo." walang kangiti ngiti na saad niya. Naaasar na napasabunot ako.

"May pamilya ako. Nag-aalala na sigurado sila. Baka tumawag pa ang mga iyon ng mga pulis para pahanap ako. Akina ang phone ko."

"Hindi ka naman mawawala ng 24 hours eh. Kaya hindi ka pa madedeclare na missing. Saka nakausap mo naman ang jowa mo ah kaya sapat na yun."

"Hindi sapat 'yun! Give me my phone at magpapasundo na ako!"

"No!"

"Bakit ba? Ikakamatay ko ba to?! Ano ba talagang nangyari?! Explain everything para maintindihan ko naman at baka sakaling tumigil ako sa pakikipagtalo sa'yo!"

Huminga siya ng malalim bago ginulo ang basa niyang buhok. Nakapagpalit na din siya ng isang tshirt at medyo maikling shorts. Presko na siya pero dahil sa pagtatalo namin ay parang nahaggard ulit siya.

"Fine..."

Sinabi niya sa akin ang dahilan kung bakit may humahabol sa kanila ni Hayi. Hindi ko alam kung maaasar ba o matatawa ako sa mga narinig ko. Parang ang babaw pero delikado nga at the same time. Hindi basta bastang mga tao ang binangga nila. And kahit ako naman siguro ay papahabol din sila kung sa'kin nila ginawa 'yun. Pero sa kabilang banda ay talagang nakakatawa at isang bagay ang nakumpirma ko. Baliw at may sapak sa utak sina Madison at Hayi.

Iyak tawa ang peg ko ngayon. Parang gusto kong pagsisihan na nandito ako dahil sa dalawang bagay. Una, damay ako sa paghuhunting ng mga bigating tao sa mga babaeng kasama ko. Pangalawa, isang malaking kalokohan ang lahat.

Hindi niyo gets? Ako din eh. Pero oo na lang. Siniguro naman ni Madison na bukas uuwi na din kame kaya dapat daw ienjoy ko na lang na nandito kami at kalimutan muna lahat ng nangyari.

Chinito: Love HangoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon