P.E class:
Habang hindi pa nagsisimula ang kanilang P.E class nakaupo si Nam Yoon sa bench na nasa ilalim ng puno.
*Sigh*
"Ang tagal naman ni Ma'am." inis niyang bulong.
"Nam Yoon bakit andito ka?" tanong ni In Ah at umupo sa tabi niya.
"Nasan na ba si Ma'am kahit kailan talaga lagi syang nalalate." Irita niyang sabi habang nag pinapaypayan ang sarili gamit ang kamay.
"Oo nga eh, yaan mo na."
Tumayo siya."Tara na mag stretching muna tayo."
Makalipas ng ilang minuto dumating na din ang kanilang P.E teacher.
Habang nagjojogging sila.
"Nakakainis naman ilang oras nya ba tayong patatakbuhin dito?" inis na bulong ni Nam Yoon sa katabi.
"Oo nga napapagod na ko."
'Aissh! Magwawala na talaga ako dito!!'
"Omo girl si Jungkook oh!" tili ng kaklase niya nasa likuran.
"Asan?!" tanong ni Nam Yoon.
Dahil sa bigla niyang paglingon natisod si Nam Yoon sa binti ng nasa harapan niya.
"Omo!!"
Nagsipagtigil silang lahat.
"Nam Yoon ok ka lang ba?"-In Ah.
"Aww.." Hawak niya ang binti.
'May dugo!!'
Napansin ni Jungkook ang pagkukumpulan ng kaniyang mga kaklase.
Paglapit niya nakita niya si Nam Yoon na nakaupo sa lapag at may sugat ang tuhod.
"Anong nangyari?"
"Natisod sya sa binti ko." sagot ng katabi niya.
"Ok lang ako.. malayo to sa bituka." sagot ng dalaga at tumayo.
*****
"ARAY!!" sigaw ni Nam Yoon habang nililinis ang sugat sa bukas na gripo.
"Nam Yoon ok ka na ba?Kailangan na nating bumalik sa room dadating na si Ma'am."
"Ok na ko lililinis ko lang 'tong sugat tapos susunod na ko."
Ngumiti si In Ah at lumabas na ng ladies room.
'Aray ko naman! Ang sakit nito ha sa tana ng buhay ko ngayon lang ako nadapa at nagkasugat ng ganito!!'
"Bakit ba kasi ako lumingon nung sinabi nila yung pangalan ng batang yun?!" Tanong niya sa sarili.
Napailing siya.
'Nababaliw na ko nadapa lang ako pati ulo ko nadamage na din'
Tumayo siya at tinalian ang kanyang sugat gamit ang panyo.
Lumabas siya ng ladies room ng iika-ika.
'Masakit pati yung buto napasama ata yung pagbagsak ko.'
Habang naglalakad nagulat siya nang may biglang humila ng kanyang braso.
"Teka~"
'Aray!! may sugat na nga ako hihilahin pa ko!'
Naglakad sila hanggang sa makarating sa bench na laging inuupuan ng dalaga.
"Umupo ka." Seryosong utos nito.
"At bakit naman ako uupo?May klase pa ko." Pagtataray niya.
"Klase ko din yun kaya bilisan mo at umupo ka na!"
BINABASA MO ANG
Just One Day (ONHOLD)
FanfictionNang dahil sa isang kanta mas lalong maglalapit ang kanilang mundo