Marty's POV
Kina umagahan ay sabay kaming pumunta ni Arn sa classroom namin. Sumabay na rin siya sa akin kasi naman friday ngayon at bukas uuwi muna ako ng bahay para kamustahin sina tita at yung pinsan ko.
"Arn, ano bang first subject mo?"tanong ko kay Arn
"Uhm, Philosophy ata."sabi niya.
"At di kapa sura ha. Hmm, philosophy yan? Sana yung mga natutunan mo i apply mo jan sa pagkatao mo at nang maging matuwid yang buhay mo."sabi ko habang naglalakad kami.
Umakbay si Arn sa akin sabay sabi "Hay, wag mona akong lalahanin hindi naman kita.....-- nabingi ako bigla at nakita ko lang ang kagwapuhan ni Arn habang inaakbayan niya ako. Patuloy siya sa pagsasalita habang ako naman ay nakatitig sakanya. Ngumingiti siya habang nagsasalita yung parang nasa movie kami na may Slow motion pang effect tsaka may mga sprinkles pa....
"Ang gwapo talaga ni Arn"sa isip ko.
"Hoy! Marty!"sigaw ni Arn. Sa pagsigaw niya ay bumalik ako sa pagkatao ko.
"Ay, oh ano na ?"sabi ko
"Änong ano na? Nandito na ako sa classroom namin. Mauna na ako."sabi niya tsaka nag babye na rin ako.
Tumakbo ako papuntang room namin kasi parang kinikilig pa ako that time at parang nasa heaven na ako.
--
Arn's POV
Nakapasok na ako ng classroom at nakita ako ng barkada kong kasama ko si Marty.
"Pre? sino yun? Chixilog mo?"sabi nila sabay tawanan.
"Mga tanga! Dorm mate ko yun!"sabi ko tsaka hinampas ko sila.
"Ah.. diba libero yun ng team ng volleyball?" tanong nila.
"abay malay ko, Coach ba ako?"pabalang kong sabi.
"Mag-ingat ka dun. Mga volleyball na libero usually mga bading." sabi nila.
"Tanga nyo talaga!"sabi ko sabay sipa sa mga upuan nila.
Nagsi tawanan sila tapos ako tumahimik nalang kasi napaisip ako sa mga sinasabi nila tungkol kay Marty.
--
Marty's POV
Pumasok na rin ako sa classroom at nakita ko si Matt na nakaupo sa tabi kung saan ako umuupo. Tumabi na rin ako tsaka nagkwento kami ng ilang saglit kasi wala pa ang teacher namin.
"Matt, kamusta lakad mo kagabi?"tanong ko.
"Bumalik nalang ako ng Dorm kasi tinatamad na akong pumunta sa pupuntahan ko."sabi niya.
"Ah, ganun ba?"sabi ko.
"Anong nangyari dyan sa noo mo? bakit parang may pasa ka?" sabi ni Matt.
"Wala, nabunggo lang ako kagabi habang papuntang dorm kaya ayun nawalan ako ng malay pero okay narin kasi nandun naman si Andrew para mag alaga sa akin."sabi ko.
"Sorry class for the delay"sabi ng prof namin na kakadating lang.
Nag umpisang mag klase sa amin ang teacher namin sa General Mathematics.
--
After naming mag klase ay lumabas agad kami ni Matt.
"Matt, parang magaling ka kanina sa Math ah? Turuan mo naman ako dun sa last lesson kasi di ko naabutan mga sinasabi ng teacher natin ehh." sabi ko kay Matt.
"Sige ba, ikaw pa." sabi naman ni Matt.
Umupo kami sa isang bench at nagsimula na nga akong turuan ni Matt.
--
Arn's POV
kakalabas ko lng ng classroom namin at nakita ko sa isang bench na nakaupo si Marty at kasama si Matt.
"Pre, yung chix mo may kasamang iba oh!" sabi ng kaklase ko.
"Tanga ka, gusto mo bang malaglag yung mga ngipin mo jan ha?" sabi ko.
Umalis nalang ang mga kaklase ko at bumaba na ako para pumunta ng Canteen. Bumili ako ng makakain sa Canteen tsaka umupo sa labas pra magpahangin. Bigla kong napaisip ang sinabi ng mga kaklase ko sa akin tungkol kay Marty na kung bakla ba siya talaga.
"Hmm, kung bakla man si Marty ok lang kasi cute naman siyang tignan kaya wala namang problema dun.
Umalis na ako para pumasok sa klaseng susunod.
--
Marty's POV
Matapos akong turuan ni Matt ay pumunta ako ng aming Dorm para mag-ayos ng mga gamit kasi aalis ako at uuwi muna para bumisita kay tita.
Kinuha ko ang mga damit ko tsaka inayos kasi may mga lalabhan pa akong uniform namin sa volleyball nag-iisa lang kasi yon. Ilang saglit lang ay dumating na rin si Arn.
"Oh? Saan ka pupunta?" sabi ni Arn
"Ah, uuwi muna ako kay tita para mangamusta kasi isang linggo narin akng hindi nakapagmusta sa kanila." sabi ko.
"Ah, ganun ba?" sabi ni Arn.
"Oo, tsaka maglalaba na rin ako ng uniform ko sa volleyball, nag-iisa lang kasi to tsaka wala na akong maisuot sa practice." sabi ko.
"Ahh, sige mag ingat ka ha." sabi ni Arn.
"Ikaw ba? di ka uuwi?" tanong ko
"Di na muna walang naghahanap sakin dun sa bahay." sabi niya.
"Aba, grabe!" sabi ko
"Mag-impake kana tsaka umalis. Sawa na ako sa mukha mo." sabi ni Arn.
"Tanga!" sabi ko sabay tawa.
--
After kong mag impake ay bumaba ako at hinatid ako ni Arn sa labas para kumuha ng taxi na sasakyan ko pauwi. Ilang sandali lang ay nakapara na ako ng taxi tsaka sumakay.
"Bye muna Arn, see you sa Sunday!" sabi ko.
"Sige, enjoy your vacation." sabi nya.
"Haha. Vacation ka jan 2 araw lang ako dun. " sabi ko.
"Oh siya na." sabi niya. Sumakay na rin ako at umalis ...
--
Madam. <3
Sorry sa late update masyadong busy ehh. Maraming ginagawa. Babawi ako <3
BINABASA MO ANG
My Mr. Swimmer
RomanceHindi lahat ng mga gay ngayon ay nagkakalove life yung iba nahuhulog lang at naiiwan. Ang bida dito ay hindi halatang virginia at napadpad sa isang school for the boys na eskwelahan paano kaya nya ma kekeri ang sangkatutak na mga boys at paano nga b...