Kabanata 3

119 34 3
                                    

Hurt

Tingin ko ay ito na ang pinakamaganda kong gising. Pagkagising ko kasi ay napangiti ako ng maalala ang sinabi nya kagabi. Simpleng mga salita lang iyon ngunit napangiti na ako ng sobra. Hindi ko maiwasang mapaisip kung bakit ganun na lamang ang reaksyon ko sa kanya. Dahil siguro ay ngayon lang ako nakaramdam ng hindi pagiisa.

Tumayo na ako mula sa hinihigaang kama at naghanda na para maligo. Sa sobrang pagod ko kasi kagabi ay tanghali na ako nagising. Sayang at hindi ko napaglutuuan ng agahan si Seanester at Dean. Babawi na lang ako sa kanila bukas.

Pagkatapos kong maligo at mag ayos ay bumaba na ako papuntang kusina. Mag aalauna na kasi at kailangan ko ng pumasok sa trabaho. Kakain na muna ako bago umalis.

"Ate Trixia! Buti at gising ka na. Gigisingin na dapat kita, buti na lang at bumaba ka na.", bati nito at bahagya pang tumawa. Lumapit ako sa kanya at ginulo ang kanyang buhok.

"Tara kain, Ate. Kumain ka muna bago pumasok sa trabaho.", pag aaya nito sa akin. Umupo kami sa upuan at naghanda para kumain.

Nagkukwentuhan kami ni Dean habang kumakain nang madako ang atensyon ko sa lalaking papalapit sa amin. Anong ginagawa nya dito? Wala syang trabaho ngayon? Dumapo ang mga mata nito sa akin. Masyadong mabigat ang mga titig nito kaya di ko napigilan ang mag iwas ng tingin.

Lumingon si Dean sa tinitignan ko kanina at nakita ang kapatid na papalapit sa amin.

"Oh kuya! Bakit ka pa nandito? Wala ka bang trabaho ngayon?", tanong ni Dean sa kapatid. Umupo si Seanester sa upuan katapat lamang ng akin. Hindi na sya muli pang lumingon sa akin.

"Wala akong trabaho ngayon. Bukas pa ako papasok.", sabi nito sa kapatid. Tumango naman si Dean tanda na naintindihan nya ang sinabi ng kapatid. Kumain muli kami ng tahimik.

"Uh, aalis na nga pala ako para sa trabaho.", wika ko sa kanila pagkatapos ay tumayo na at naghahandang umalis. Tumango naman si Dean sa akin.

"Papahatid na kita----", naputol ang pasasalita nito ng sumabat si Seanester sa usapan. Napatingin ako sa kanya.

"Ako na ang maghahatid sa kanya. May kailangan akong daanan malapit sa pinagtatrabahuhan nya.", sabi nito habang hindi nakatingin sa amin. Tama ba yung narinig ko? Ihahatid nya ako? Hindi ko mapigilang hindi mapangiti sa sinabi nya.

Ihahatid ka lang nya, Trixia. Bakit ka natutuwa?

"Magbibihis lang ako at pagkatapos ay ihahatid na kita.", sabi nito pagkatapos kumain. Umoo naman ako sa sinabi nito. Umakyat sya sa taas at ako naman ay naghintay na lamang sa sala. Naghintay lamang ako ng ilang saglit at sa wakas ay nakita ko na rin itong bumaba.

Hindi ko mapigilang hindi mapatitig sa kanya. Ang aliwalas ng mukha nito at sobrang gwapo. Ang sarap nyang titigan magdamag at hinding hindi ako magsasawang tingnan ang halos perpektong mukha nito. Napailing na lamang ako sa aking isipan. Pinagnanasahan ko na ba sya?

Lumapat ang tingin nito sa akin ng makababa sya sa hagdan. Muli ulit akong nag iwas ng tingin sa kanya at itinuon ang tingin sa ibang direksyon. Hindi ko namalayan ang paglapit nito kaya halos magulat ako ng makitang nasa harapan ko na ito. Nakatitig sa akin. Walang emosyon ang mababasa sa mukha nito.

"Let's go.", sabi nito at nauna ng lumabas patungo sa kanyang sasakyan. Huminga muna ako ng malalim atsaka napagdesisyunang sumunod sa kanya.

Hindi kami nagkikibuan ng makarating kami sa sasakyan. Wala din kasi akong maisip na sabihin sa kanya.

Hindi ko namalayan na nandito na pala kami sa pinagtatrabahuhan ko. Lumingon ako sa kanya at ngumiti.

"Salamat nga pala sa paghatid.", nakangiti kong sabi sa kanya. Tumango naman ito kaya bumaba na ako sa sasakyan.

          

"Ingat!", nasabi ko habang pasara na ang pintuan ng sasakyan. Tumingin ito sa akin, walang emosyon ang mababasa sa kanyang mukha at saka pinaandar ang sasakyan. Napailing na lamang ako sa tinuran nito at napangiti. Pumasok na ako sa Coffee Shop at nagtrabaho.

Madaling natapos ang araw ng aking trabaho. Nakakapagod man pero pinagiigihan ko parin para narin makaalis na ko sa mansyon ng magkapatid. Nakakahiya rin kasi na makituloy pa sa kanila. Alam ko namang nagmamalasakit lang sila sa akin pero di ko ata matatanggap na sa mansyon nila ako tumuloy pansamantalamata Sobrang nakakapagod ang araw na ito para sa akin. Ang dami kasing costumer kanina kaya hindi ako magkandaugaga sa pagaasikaso sa kanila.

"Hay buhay.", naibulong ko na lamang sa aking sarili sabay hugot ng malalim na hininga.

"Ang lalim naman yata ng buntong hininga mo, Trixia. Saan mo nahugot yan?", narinig kong sabi ni Zeke. Hindi ko namalayang nasa tabi ko na pala sya. Humalakhak pa ito ng makitang nagulat ako sa pagsulpot nya. Pabirong hinampas ko ito sa braso at saka kunwaring sinamaan ng tingin.

"Ikaw talaga! Sumusulpot ka sa kung saan! Ginulat mo pa ako.", natatawang sabi ko sa kanya. Ngumiti naman ito sa sinabi ko. Talagang palangiti ang lalaking ito kaya ang daming mga babaeng costumer namin ang gustong makilala sya. Matangkad sya, singkit ang mga mata, mapupula ang labi at aakalain mong korean star sa tv. Hindi mo rin aakalaing nagtatrabaho sya sa isang Coffee Shop dahil sa totoo lang ay mayaman talaga ito. Ang dahilan daw kung bakit sya nagtatrabaho dito ay ayaw nyang umasa sa perang ibinibigay sa kanya ng kanyang mga magulang at gusto nyang pinaghihirapan. At humanga naman ako kay Zeke dahil dito dahil hindi sya katulad ng ibang tao na mapagmataas at umaasa lang sa perang pinaghihirapan ng iba.

"Eh ang lalim kasi ng iniisip mo eh. Tulala ka pa dyan. Eh ano ba kasing problema?", tanong nito.

"Nako, wala ito. Pagod lang ako sa trabaho.", pagod kong sabi sa kanya.

"Hay nako, Trixia. Ang mabuti pa ay sumama ka na lang samin. Lumabas tayo para mawala mga pagod natin.", paanyaya nito. Hindi dapat ako papayag dahil pagod ako at gusto ko ng umuwi pero masyadong mapilit ang mga kasamahan ko. Kinakatwiran pa nila na minsan lang silang lumabas kaya dapat sulitin.

"Sure kang pwedeng sumama?", nahihiya kong tanong sa kanya.

"Ano ka ba naman, Trixia. Syempre naman! Ikaw pa ba?", natatawang sabi nito at saka ginulo ang aking buhok. Agad naman akong umiwas dito at tinapik ang kamay nito. Masayahin talaga masyado si Zeke. Napapailing na lamang ako dahil sa sobrang kakulitan nito.

Dahil tapos na rin naman ang trabaho namin ay napagdesisyunan nilang mag bar. Hindi ko alam kung aatras ako sa pagaaya nila o hindi. Na trauma na kasi ako sa nangyari nung nag bar kaming dalawa ni Dean para mag celebrate. Pero marami naman akong kasamahan kaya okay lang. At hindi na rin ako aalis ng mag isa lang. Buti na lang at libre lahat ito ni Zeke. Medyo hindi na rin kasi sapat yung perang nasa akin eh. Ito yung natirang pera na binigay sa akin ni Dean noon. Hindi ko ito nagawang gastusin dahil nanghihinayang din ako.

"Hoy Trixia! Wag ka ng tumunganga dyan! Mag enjoy ka para mawala saglit yang pagod mo.", malakas na sabi ni Zeke sa akin. Halos hindi kami magkarinigan dahil sa sobrang lakas ng tugtog dito sa Bar. Umorder sila ng mga alak pero okay lang sa akin ang juice kaya yun na lang ang inorder ko. Ayoko rin kasing uminom ng alak dahil hindi naman talaga ako umiinom nito.

"Tara, Trixia! Sumayaw tayo. Ang ganda ng tugtog oh.", aya ni Zeke sa akin. Yung iba kong mga kasamahan ay nandoon na sa gitna at nagsasayawan pero gusto kong manatili na lamang dito sa inuupuan ko.

"Wag na. Ikaw na lang, Zeke.", sabi ko dito pero pinilit parin ako nito kaya naman ay pumayag na rin ako. Sobrang kulit kasi nito at ayaw paawat sa pag aaya sa akin kaya wala na akong nagawa ng hilahin ako nito papunta sa gitna para sumayaw.

Sumasayaw kami at sinasabayan ang nakakaindak na tugtog nang biglang may nahagip ang mga mata ko. Isang lalaking humahalik sa isang babae. Ewan ko kung bakit pero biglang napako ang tingin ko sa kanila. Ngayon ko lang namalayan na kilala ko ang lalaking iyon. Mula sa kaunting liwanag na nanggagaling sa mga ilaw ay nakita ko ang itsura nito. Nakapikit ito at tila sarap na sarap sa ginagawang paghalik sa kanya ng babae.

Tumigil ako sa pagsayaw at tiningnan sila. Parang may biglang sumasakit sa bandang dibdib ko. Bakit ko to nararamdaman? Hindi ko to dapat maramdaman. Hindi dapat.

"Seanester.", naibulong ko na lamang sa aking sarili. Nagulat ako dahil bigla itong nagdilat ng mga mata at nakitang nakatingin ako sa kanya. Agad akong umiwas ng tingin sa kanya at hinanap si Zeke. Gusto ko ng umuwi at magpahinga. Mas lalo lamang akong nanlata sa aking nakita.

Umalis ako sa gitna at muling hinanap si Zeke. Nasaan na ba kasi sya? Hindi ko na namalayan na wala na pala sya sa harap ko. Magpapaalam na sana ako ditong uuwi na. Pagod rin kasi ako masyado sa trabaho idagdag pa ang mga nakita ko.

At dahil hindi ko ito nakita pa ay napagdesisyunan ko ng umuwi. May nakita akong kasamahan ko at doon na lamang ako nag paalam. Sinabi ko dito na sabihin na lamang kay Zeke na kailangan kong umuwi.

Naglakad na ako palabas sa Bar. Maghahanap na lang ako ng taxi papauwi. Buti nalang at alam ko ang address ng mansyon nila Dean. Magtatawag na sana ako ng taxi pero biglang may humigit sa akin at hinila ako sa kung saan.

"Ano ba! Bitawan mo nga ako!", galit na sabi ko dito. Bigla naman itong huminto sa pagkaladkad sa akin at lumingon. Nagulat ako dahil hindi lang kung sino ang humahatak sa akin. Kilala ko ito dahil ito ang dahilan kung bakit nais ko ng umuwi.

"Seanester. Ikaw---", nagsasalita ako pero pinutol lamang nya ang nais kong sabihin. Galit ang mukha nito at magkasalubong ang kilay. Bakit sya nagagalit? May nagawa ba akong masama?

"What are you doing here?", halatang nagpipigil lamang ito ng inis. May diin ang mga sinasabi nito at hindi ko mapigilang matakot. Pangalawang beses ko na itong makita syang magalit ng husto. Ano na naman bang ginawa ko?

"Gusto mo ba talagang mapahamak?! Alam mo naman yung nangyari sayo nung nakaraang nagpunta ka dito, hindi ba? Hindi ka ba nadala?", galit na sigaw nito sa akin. Alam ko iyon at dapat nga siguro ay hindi na ako sumama pa sa kanila.

"Sorry----", sabi ko pero pinutol na naman nito ang sasabihin ko.

"Hindi lahat ng pagkakataon, nandyan ako para iligtas ka.", seryoso at malumanay na sabi nito. Natigilan ako sa sinabi nito. Oo nga naman, lagi kasi syang nandyan kapag nasa delikado akong sitwasyon. At hindi ko sya masisisi kung magsawa syang iligtas ako.

Sobrang pagod na akong makipagtalo pa. Gustong gusto kong ipamukha sa taong to na hindi ako umaasang ililigtas nya ako ulit. Gusto kong sabihin lahat ng nararamdaman at sama ng loob ko pero nawalan na ako ng gana pang magsalita. Simula pa lang sa nakita ko kanina ay para bang nawalan na ako ng lakas. Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit ganun na lamang ang naramdaman ko kanina. Siguro ay naiinggit ako sa kanila kasi hindi ko pa talaga naranasan ang magkaroon ng ganoong relasyon. Siguro kaya ko nararamdaman iyon ay dahil sa inggit. Wala ng iba pa kundi yon lang.

Hindi na ako kumibo pagkatapos ng eksenang iyon. Nagpahigit na lang ako kay Seanester papunta sa sasakyan. Umuwi kami sa mansyon nila na walang umiimik. Buti na lamang ay hindi ako nakatulog sa byahe. Ayaw ko ng madagdagan pa ang utang na loob ko kay Seanester. Simula ngayon ay hindi na ako gagawa ng mga bagay na alam kong magpapahamak sa akin.

At gusto ko sa lalong madaling panahon ay makaalis na ako dito. Ayaw kong maging perwisyo sa iba at ayaw kong may namomroblema sa akin dahil unang una ay hindi naman nila ako kaano ano. Isa lamang akong estranghero na tinulungan nila. Nagmagandang loob lamang sila sa akin at dapat ay huwag kong abusuhin.

Ito na ang huli.

Loving His Dark SideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon