Natapon ang iniinom ng babae sa kanyang dress na mukhang mamahalin. Hindi ko iyon sinasadya kaya agad na akong nagsalita.
"Nako miss, pasensya na. Hindi ko sinasadya sorry." Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Kung tutulungan ba siya magpunas o ano. Naku sana hindi niya ako pag bayarin dahil wala akong perang maibibigay.
Sobrang sopistikada ng dating nilang dalawa. Para silang mga model na foreigner. Makikinis ang balat at hindi ka makakakita ng kahit anong mali pagdating sa itsura nila.
"Bitch you just ruined my dress. Do you know how much this dress cost? Stupid." Inirapan ako nito at patuloy sa pagpunas gamit ang tissue.
Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Ayokong painitin ang ulo niya dahil baka ipakulong niya pa ko o ano. Hindi na lang ako nagsalita.
"Hey mau, stop it." Ani ng isang babae na kasama niya. "Sorry miss, she's just used to be very harsh when it comes to someone who pissed her off. Watch your step all the way out girl ok? Baka makabangga ka ulit." Ngumiti ito sa akin at tumango. Tumango rin ako bilang pag sagot.
Nagulat ako ng inalok niya ang kamay niya sa akin. "I'm Valerie by the way. This is Maureen, my friend." Ngumiti ako pabalik dito at nakipag shake hands din ako. Yung Maureen ay patuloy sa pagpunas ng kanyang dress at hindi man lang kami pinansin.
"What's happening here?" Boses iyon ng isang matipuno at makisig na lalaki. Sa tingin ko ay nasa late fifties na ito ngunit ang kagwapuhan nito ay hindi parin kumukupas. Naka brush up ang buhok nito at naka formal attire. Meron din itong bitbit na case sa kanang kamay nito.
"Oh Tito" ani ni Valerie at nakipagbeso sa matanda. "We just bumped into each other and accidentally stained Maureen's dress because of her milkshake. Nothing serious." Ngumiti ito ng tipid upang magbigay ng assurance.
"Is that so?" Ani ng matanda.
"Yes Tito, I'm sorry po but we have to go. I need to see Drei on his office. I'll see you around po." Ngumiti si Valerie at bumeso pang muli bago umalis. Ni tap pa ako nito sa balikat nang makalampas sa akin.
Akala ko ay susunod na ang matanda sa pag-alis ngunit nanatili itong nakatayo. Nilingon ko ito at nakita kong seryoso itong nakatingin sa akin. Nilingon din niya ang mga bagahe na dala ko.
"Aren't you going to check in?" Tanong nito.
"Uhh.. hindi po. Trabaho po sana ang hanap ko rito pero hindi raw po nagtatanggap ng working students" nahihiya kong sambit. Buti na lang din at nakakaintindi ako ng English. Ganito pala sa Maynila, ang sosyal ng mga tao. Parang nangibang bansa na rin ako.
"You're a working student?" Tumango tango ako rito biglang pagtugon.
"You seems new here." Sabi pa nito.
Tumango tango ako bago sumagot. "Galing po ako sa Tingloy,Batangas at ngayon lang po ako nagawi dito sa Maynila"
"Don't you know how dangerous Manila is? You shouldn't be alone here." Nag gesture ito at maya maya pa ay nagsialisan ang mga lalaking nagbabantay sa kanya. Seryoso itong tumingin sa akin, tila naghihintay ng sagot.
"Nakikipagsapalaran po ako para mapa aral ang sarili ko. Hindi na po kasi ako kayang pag-aralin ng pamilya ko. Ayoko naman pong huminto kaya nagbaka sakali ako rito sa Maynila." Pagpapaliwanag ko.
Tumango tango ang matanda at humugot ng buntong hininga. "Follow me young girl." Pagkatapos ay una na itong naglakad paalis.
Nung una ay nagdalawang isip pa ko. Ngunit mukhang wala naman siyang gagawing masama kaya sumunod na lang din ako. Isa pa, walang wala ako ngayon at kailangan ko ng matutuluyan kung saka sakali. Baka pwede niya kong tulungan.
Dinala ako nito sa isang opisina na sa tingin ko ay opisina ng matanda. Napakaganda nito at kitang kita ang kabuuan ng Maynila. Maging ang nagtataasan na building ay masisilayan mo. Ang city lights ay tunay na nakakapukaw ng atensyon.
Naupo sa swivel chair ang matanda at may tinawagan sa telepono. Kinuha ko ang pagkakataon na iyon para magmasid sa buong kwarto.
Brown at white lang ang kulay ng buong silid. May TV at Stereo sa kabilang gilid at may mga halaman sa tabi noon. Sa harap naman nun ay merong mahabang gray na sofa na napapagitnaan ng babasagin na lamesa. Maraming paintings din ang nakasabit sa pader. Iba't iba ang disensyo at mukhang mamahalin. Lahat naman ng gamit dito ay siguradong mahal. Sa likod naman ng inuupuan ni sir ay may malaking portrait niya mismo. At sa tabi noon ay may malaking portrait din ng kanyang pamilya. Tatlo lang sila. Siya, ang asawa niyang kahit malayo ay mapagtatanto mong isang napakagandang babae at ang nagiisa nilang anak na lalaki na kamukha nilang dalawa.
Napukaw ng atensyon ko ang lamesa ng matanda at nakita ko ang pangalan na nakakabit sa harap ng lamesa nito. "Mr. Vicenzo Avellaneda" sa ilalim nun ay may nakalagay na CEO o Chief Executive Officer. Ibig sabihin ay siya ang nagmamay-ari ng building na ito?!
Hindi naman ako mangmang pagdating sa business dahil ito rin ang kurso na kinukuha ko. Ngunit hindi ako makapaniwala na siya ang may-ari ng building na inaapakan ko. Wow.
"You look foreign, are you sure you came from rural area?" Tanong nito sa akin. Pumangalumbaba ito at seryoso akong tinignan.
"Opo, anak po ako ng Nanay ko sa pagkadalaga. Foreigner po ang tatay ko."
Tumango tango ang matanda at bumuntong hininga.
"You were here to sustain your education am I right? Are you doing well in school?" Tanong nitong muli. Kinakahaban ako dahil naiintimidate ako sa dating niya. Pakiramdam ko ay hindi dapat ako nakikipagusap sa mga ganitong klase ng tao.
"Opo, matataas naman po ang grades ko." Ipinakita ko rito ang school card ko para mapatunayan ang sinasabi ko.
Kinuha niya ito at seryosong tinignan pagkatapos ay tumango tango na parang sumasang ayon sa mga tinuran ko.
"I am sorry because I can't offer you a work here. But with this grades? I think I can offer you scholarship if you want. It might help you."
Nabigla ako sa sinabi ng matanda. Hindi ako makapaniwala na handa ako nitong pag-aralin. Sa sobrang tuwa ko ay hindi pa muna ako makapagsalita.
"Talaga po? Nako maraming salamat po sir. Hindi ko po inaasahan ito. Malaking tulong po iyon para sa pag-aaral ko. Salamat po." Hindi ko mapigilang hindi pakawalan ang mga luha ko. Tila naguumapaw sila sa sobrang saya.Pagkatapos non ay kinuha nito ang contact number ko. Nakausap niya na raw kanina sa telepono ang taong magaasikaso ng papers ko. Ieenroll na rin daw ako nun sa malapit na school dito at wala na raw akong poproblemahin. Binigyan niya din ako ng matutuluyan ngayong gabi. Gusto niya sana ay kumuha na lang ako ng unit dito sa condo nila ngunit hindi ako pumayag dahil alam kong masyadong mahal iyon kaya binigyan niya na lamang ako ng address para sa isang apartment. Bago ako paalisin ay nagpahatid muna ito ng pagkain sa kanyang opisina at sinabayan pa ako nitong kumain.
Sobrang nakakataba ng puso ang ganitong pakiramdam. Hindi ko alam kung paano ko pasasalamatan ang taong ito. Nalaman ko na graduate na pala ang anak niya at wala na siyang pinapaaral kaya naisipan niyang alukin ako. Nakakatuwa lang dahil may ganito palang tao ang nageexist.
Medyo malaki ang apartment na ibinigay sa akin. May dalawang kwarto ito, isang banyo at kumpleto na rin ito sa mga gamit. Mga damit, pagkain at ako na lang ang kulang dito. Siguro bukas ay mamimili ako ng iba pang mga kailangan ko dito.
Pagkatapos kong ayusin ang mga gamit ko pati ang sarili ko ay umupo ako sa kama. Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan sila Tiya. Ibinalita ko sa kanila ang mga nangyari sa akin dito. At ang libreng pagpapaaral sa akin ni Mr. Avellaneda. Sobrang tuwa nila nang malaman ang mga nangyari. Kaunting bilin pa ang ibinigay nila sa akin bago natapos ang aming paguusap.
Bumuntong hininga ako at nahiga na ng tuluyan. Pinagmasdan ko ang kisame ng kwarto at pinilit ang sarili na mag sink in lahat sa utak ko ang mga nangyayari. Hindi parin ako makapaniwala na unang araw ko pa lang sa Maynila ay maganda na agad ang balita. Hindi ko maiwasang isipin kung ano pa ang naghihintay sa akin dito...
YOU ARE READING
Wasted
RomanceMaria Arvinna Buenavista is your typical laking probinsya type of girl. Simple, madiskarte, praktikal at isang mapagmahal na anak. Lumuwas ito ng Maynila upang makipagsapalaran sa agos ng kanyang kapalaran. Kagaya nga ng isang tipikal na probinsyana...