January 5, 2017
Oras: 5:00 ng haponNapabalikwas ng bangon si Lailanie nang maramdamang may yumugyog sa balikat niya.
Nabungaran niya ang mukya ng kanyang yaya lucing.
"Nananaginip ka anak. Umiiyak ka habang natutulog." Wika ng yaya niya.
Kinapa ni Lailanie ang mga pisngi at basa nga ito. Basa ng luha niya?
Naalala na niya. Panaginip lang pala ang lahat. Hindi totoo ang nakita niya. Hindi totoong nakita niya si Andres sa loob ng kwartong may malaking orasan. Nangilid uli ang luha ng dalaga ng maalala ang kasintahan.
"Okay ka lang ba anak? Ano bang napanaginipan mo?" Sunod-sunod na tanong ng yaya niya habang hinahagod ang kanyang likod.
"Okay lang ako ya. Nanaginip nga siguro talaga ako. Isang panaginip lang pala lahat yon." Panghihinayang na sagot ni Lailanie sa matanda.
"Hindi mo pa talaga siya nakakalimutan. Hanggang kailan mo itatali ang puso mo sa kanya anak? Hanggang kailan mo siya balak iyakan?" Napatingin si Lailanie sa babaeng itinuring na niyang pangalawang Ina. Ang babaeng mas nasasabihan pa niya ng mga sekreto kaysa sa tunay na Ina.
"Hindi ko masagot ang tanong nyo ya. Hindi ko alam ang sagot." Iyak na sagot ni Lailanie.
Niyakap nalang siya ng matanda para aluin. Kahit nasasaktan ang Yaya niya sa pinagdadaanan ng alaga ay wala siyang magawa para maibsan ang sakit at lungkot na nararamdaman nito.
"Tahan na... Ayusin mo na ang sarili mo. Maghahapunan na maya-maya. May mga estudyante kang haharapin anak." Wika ng yaya ni Lailanie. "Hintayin kita sa baba para sa hapunan."
Mabigat man ang loob ni Lailanie ay pumasok na siya sa banyo para ayusin ang sarili. Nagbihis siya pagkatapos maligo saka bumaba para sa hapunan.
Nasa malaking sala ang mga estudyante ni Lailanie nagkukwentuhan habang Yong iba ay cellphone ang inatupag.
"Kumusta kayo? Nakapagpahinga ba kayo ng maayos?" Bungad na tanong ni Lailanie sa mga estudyante niya.
Nagsitanguan naman ang mga ito. May nagrequest nang group picture nila para maisali sa compilation nila sa school project.
Nagpaalam saglit si Lailanie sa mga ito na magtungo sa kusina para icheck ang inihandang hapunan.
May dalawang katulong si Aling Cording sa paghahanda ng pagkain habang nandoon sila sa mansyon.
Mga bandang alas sais y medya ay nakapaghapunan na sila. Buffet style ang ginawa nila since marami ang studyanteng kasama ni Lailanie.
Pinasabay na rin niya ang dalawang driver at ibang kasama sa bahay.
Isa iyon sa mga katangian ni Lailanie na nagustuhan ng mga kasambahay nila. Hindi siya tumitingin sa estado sa buhay ng isang tao. Pantay-pantay ang tingin niya sa lahat.
Mag-aalas otso na ng gabi umakyat ang mga estudyante ni Lailanie habang siya ay nanatili sa terasa para magkape. Gusto niyang magpahangin muna. Tanaw niya ang malawak na lupain na pag-aari na ngayon ng kanyang ama at nang dalawa nitong kapatid.
Nahati na yon sa tatlong magkapatid kabilang ang kayang ama at dadating ang panahon na mamanahin niya.
Gusto niya yong bahay at ang katahimikan sa kapaligiran. Ang presko at lamig ng simoy ng hangin.
Hinapit niya sa kanyang katawan ang makapal na jacket na isinuot niya kanina bago siya lumabas sa teresa.
Naalala niya ang pinaplanong kasal sa pagitan nila ni Robert. Kailangan na naman niyang maghanap ng mabigat na reason para hindi ton matuloy hangga't di pa niya nakikita si Andres.
Bumalot ang lungkot sa mukha ng dalaga.
Hanggang kailan niya iiwasan iyon? Hanggang kailan niya kayang makiayon sa mga gusto ng Ama habang palihim na naghahanap ng dahilan para hindi matali Kay Robert?
"Hindi ka ba napapagod Lailanie? Tama na! Tigilan mo na! Wala na si Andres!" Sabi ng utak ko pero hindi nakikinig ang puso ko.
Nararamdaman kong magkikita pa kami ulit at alam kong ako pa rin ang mahal niya.
BINABASA MO ANG
Orasiana
FantasyDumating ka na ba sa puntong gusto mong pigilin ang oras makasama lang siya nang mas matagal? Eh 'yong puntong gusto mong ikutin ang kamay ng orasan para lang maibalik ang mga panahong nasayang. Ano ang kaya mong isugal makasama lang ang pinakamamah...