17.GILLIANNE

1.1K 43 0
                                    

Muli kong binalikan ang simbahan kung saan ko nakita yung madre.Pero ayon sa mga batang napagtanungan ko,matagal na daw hindi nagpupunta si Sister Leli dito sa Antipolo.Agad akong bumyahe mag isa pabalik ng Baguio.Hindi naman ako nahirapan sa paghahanap,Nakita ko syang nakaupo sa gilid ng simbahan sa ilalim ng puno.Natatawa na lang ako sa ayos ng pagkakaupo nya,parang hindi madre.Pawis na pawis at init na init sa suot nya pero panay pa din ang ngiti sa mga taong nag dodonate sa bag na dala nya.Maya maya pa,may mga bata ng lumapit sa kanya.

"Sister Leli! Sister Leli!_Sabay sabay na tawag sa kanya ng mga bata.
Napansin ko naman syang palinga linga muna at saka sinenyasan ang mga bata na sumunod sa kanya.Agad din akong sumunod sa kanila na hindi nagpapahalata.

"Mga bata,Pasensya na muna kay sister ha.Tinapay lang muna ang pwede kong maibigay sa inyo ngayon.Mahina kasi ang koleksyon ni sister Leli eh ayos lang ba?_Sister Leli.Agad nyang dinistribute yung tinapay na binili nya para dun sa mga batang pulubi.At saka sya bumili ng malaking bote ng Royal at pinaghati hati nya yun sa mga bata.

"Salamat sister Leli!_Mga bata.At nagtakbuhan na kanya kanya yung mga bata paalis.Isang ngiti naman ang pinakawalan ng madre.

"Mahina ba ang bigayan ng donasyon ngayon sister kaya tinapay lang ang napakain mo sa mga bata?_AKO.
Agad naman syang napalingon sa akin.Parang bigla syang namutla pagkakita sa akin.Agad syang tumayo para tumakbo sana pero naagapan ko sya sa kamay.

"Anong kailangan mo sa akin?Bitiwan mo nga ako._Sister.Na pilit inaalis ang braso nya sa pagkakahawak ko.

"Relax lang sister,Wala naman akong gagawing masama sayo eh. May itatanong lang,sana sagutin mo ng maayos para hindi na tayo magtagal pa sa pag uusap natin._Ako.

"Ano bang itatanong mo,kailangan ko pang bumalik sa simbahan para ibalik tong mga nakolekta ko._Sister.

"Actually yan nga ang gusto ko sanang itanong.Saan mo dinadala yang mga nakolekta mo?_AKO.

"Ano bang pinagsasabi mo dyan.Sympre sa simbahan.Pwede bang bitiwan mo na ako,nagmamadali ako._Sister.Palinga linga sya na para bang nag aalala na baka may makakita sa kanya.

"Hey!Kakagaling ko lang sa simbahan.Nag ask ako dun sa mga coordinators nila duon pati na sa pari na nagmisa at ang sabi,wala naman daw silang pinapayagang sister o kahit na sinong taong simbahan na manghingi ng donasyon sa labas ng simabahan nila._Ako.Bago ko sya i interogate,nagtanong tanong muna ako sympre.

"Ano bang pinagsasabi mo dyan.Bakit,dyan ba sa simbahan mo ako pinagtanong?Hahaha.Hindi naman ako dyan nag aabot ng donasyon,sympre dun sa kumbentong pinaglilingkuran ko._Sister.Saglit akong napalingon sa kanya.Uu nga naman,sa kumbento nagsisilbi ang mga madre hindi sa simbahan.

"Totoo nga bang madre ka o nagpapanggap ka lang?Bakit ka nakakalabas ng kumbento kung dun ka naglilingkod?At saka,patingin nga ko ng I'd mo para maniwala akong di ka nga nagsisinungaling._AKO.

"At bakit naman kita pakikitaan ng id ko ha,Sino kaba?Pulis o Sindikato?
Bakit ba palagi mo akong inaabala,ilang beses na kitang iniiwasan pero palagi ka pa ding lapit ng lapit sa akin,STALKER ba kita ha?_Sister.
Magkalapit ang mukha naming dalawa kaya natitigan ko sya ng husto.
Parang sya din yung nasa Casino nuon,at saka yung nasa bar na kasama nila Mikay.

"Nagtataka lang ako.Parang ikaw din yung nasa casino nuon na nakasabay ko sa elevator at saka nasa bar na kasama ni Mariano ah!Papanong naging madre ka,may kakambal kaba?_AKO.Agad naman nyang inilayo ang mukha nya sa akin na parang namutla.

"Pwede bang bitawan moko!Wala kang galang sa madre ah!_Sister.Tapos kinagat yung kamay ko kaya nabitawan ko sya.Agad naman syang tumakbo palayo.Sinundan ko sya at hinabol kaagad pero nagtaka ako ng hindi ko sya naabutan.Napailing na lang ako.Napaka misteryoso talaga ng madre na yun.haaaaist!

Manila:G.LORENZO UNIVERSITY.

"Dont tell me na nagkakagusto ka sa isang madre Gillianne? Hahahaha._Gold.

"Hindi nga ako nagkakagusto,Curious lang.Ano ba,paulit ulit na lang?
Tigilan mo nga ako Gold,Wag mokong igaya sayo na patay na patay sa jowa mong mysterious!_AKO.

"Hahahaha.Alam nyo kayong dalawa para kayong mga adik eh!Magkakagusto lang,sa madre pa at yung isa gold digger.Whew!_Grant

"Wala nga akong gusto dun!Isa kapa Grant eh.Umalis na nga kayong dalawa,baka kayo pa mapagbuntunan ko ng bwisit ko sa babaeng yun eh.
_AKO.

"Okey fine!Wala ka ngang gusto sa madre.Kaya pala from Antipolo to Baguio hinanap at sinundan mo pa sya.At hindi din sya ang bukang bibig mo mula pa nung maka encounter natin sya sa Baguio.Sige na,wala ka ng gusto!Babush!_Grant.Sabay tayo at lumakad na palabas ng pinto.

"Got to go na din.May date kami ni Sunny mamaya after class.
Basta kapag may plano ka sa madre,at balak mo syang itakas sa kumbento Gil,tawagan mo lang kami ni Grant.Willing kaming tulungan ka.hahaha_Gold.Sinamaan ko sya ng tingin kaya nagmadali syang lumabas na tawa pa din ng tawa.

Masyado ba kong obvious sa madreng yun?Pero gusto ko lang naman malaman kung sino ba talaga sya.Bakit palagi ko na lang syang nakaka encounter sa hindi magandang sitwasyon?Anong meron sa babaeng yun bakit parang sa twing magkikita na lang kami,trobol ang dala dala nya?

Agad akong nagsindi ng sigarilyo at saka tumambay sa balcony ng room ko.Mula dito sa kwarto ko,tanaw ko ang kabuuan ng eskwelahan.
Ilang buwan na lang,iiwan ko na ang eskwelahan na toh at magsisimula na akong magtrabaho sa kumpanya ng B.I.G.Sa totoo lang,nakaka pressured ang humawak ng isang napakalaking kumpanya pero wala akong choice dahil ako din naman talaga ang mamamahala nun pagdating ng araw.Momshie Bianca is a bit old,while dad is enjoying her career as THE GENERAL.Wala akong choice kundi mag aral ng business at magsimula sa pagtatrabaho mula sa ibaba habang kumukuha ng master's.

"Gillianne...Apo.Sinasabi ko na nga ba at nandito ka eh.May problema kaba?_Popshie Gian.Agad kong itinapon at inapakan yung yosi na hawak ko.Bawal sa matatanda ang amoy at usok ng sigarilyo.

"Popshie!Ohhh....Your here na pala sa Manila?_AKO.Agad ko syang niyakap at hinalikan.

"Ilang araw na kami ng momshie mo dito sa Manila pero hindi ka namin mahagilap.Ang sabi ni Gold kakagaling mo lang ng Baguio.May inasikaso ka daw.Para saan yun iho?_Popshie Gian.

"Ohh,nothing so important.May kinausap lang akong tao duon.Dapat tinawagan nyo ako para nakabalik agad ako ng Lobisa._AKO.

"Gusto kasi ng momshie mo na supresahin ka sana kaya di kami tumawag. Sino ba yung mahalagang tao na pinuntahan mo pa sa Baguio,special someone ba yan?_Popshie

"Hahahaha.Popshie!Grabeh ka.Special someone agad?Hindi naman ganun ka special.Lets just say,out of curiousity lang._AKO.

"Sino ba yang babae na yan na nagpapagulo sa isip ng pinakamamahal kong apo ha?Pati tuloy ako,nae excite na makita at makilala sya.Maganda ba sya Gillianne,like your momshie Bianca and mommy Annie?_Popshie

"Hahahaha.Popshie talaga!May comparison talaga?Mga dyosa yung mga yun.Pero come to think of it...I think,may laban naman.hahahaha_Ako.
Bigla ko tuloy naimagine yung itsura nya na nakasuot madre saka ako biglang parang natauhan.haaaist!Madre nga diba...

"Uhmmm.Sigurado ako maganda nga din sya gaya ng momshie at mommy mo.Pero ang tanong,tanggap kaba nyang lesbian ka?_Popshie.

Saglit akong napahinto sa pagtawa.Bukod sa isa nga pala syang madre,napakalaking issue din sa kanya pag nagkataon ang gender preference ko.Then suddenly i realize,bakit nga ba ganun na lang ako ka apektado sa kanya,totoo nga bang nagkakagusto na ako kay SISTER LELI?

"KUNG IKAW AY ISANG PANAGINIP " (THE LAST DESCENDANT OF LORENZO'S)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon