Chapter 11: Deceit

768 9 1
                                    

Chapter 11: Deceit

EVER SINCE THAT DAY, Angelo and I haven't really talked. Not literally, though. I mean, hindi pa kami nakakapag-usap tungkol sa nangyari. Hindi naman sa hindi kami nagkikita. Ayaw niya lang talagang makipag-usap sa akin tungkol sa nangyari. Tuwing lalapitan ko siya para kausapin, kung hindi siya lalayo ay iibahin naman ang usapan. Wala naman akong magawa. We're on speaking terms. Casual nga lang. 

Simula rin ng araw na iyon ay naging busy na kami. Well... Actually, naging busy na ang mga nanay namin. Sila kasi ang nagpaplano para sa kasal. They want us to get married as soon as possible. Nandito kami ngayon sa isang boutique kasama ang wedding planner. 

I scanned the wedding dresses displayed here in the boutique. As expected, puro magaganda ang mga nakikita ko. I won't choose among one of these. Gusto kong magpagawa ng sa akin. Gusto ko ng bagong designs. Ayokong pumili sa mga nagawa at naka-display na. Iyon din naman ang gusto ng mga nanay namin. They want the best so they agreed with me.

Apat kaming nandito ngayon. Kasama ko sina Nica, Mommy at Tita Emerald. If you are going to ask where in the world Angelo is, then I can't tell you. Hindi ko alam kung nasaan siya. Wala siyang sinabi. He never told me anything about his plans. Wala siyang pakialam sa kasal. Tuwing tinatanong siya, hindi siya sumasagot. Hindi siya nagbibigay ng kahit na anong suggestion. Kahit isa, wala. Hindi niya iniintindi ang kasal. He goes with the flow. But that's it. He may not say it out loud, but he made it very clear that he had nothing to do with this. 

Kahit si Tita Emerald ay hindi alam ang mga plano ni Angelo. Wala naman daw sinasabi kahit sa kanya. Sinabi na lang niya sa akin na hayaan na siyang munang mag-isip. Huwag na raw naming kulitin dahil baka magwala pa at umurong sa kasal. Mabuti na lang daw na kahit paano ay hindi umaayaw si Angelo. Kung paano nila nasasabing maganda nang walang reaksyon si Angelo kaysa magwala ay hindi ko alam. Either way, masasabi kong hindi maganda. Paanong gaganda iyon? Hindi nga siya nagre-react? Anong ikinaganda no'n?

Napabuntong hininga na lang ako. Tapos nang kuhanin ang measurements ko para sa paggawa ng wedding gown. The planning of the wedding is almost done. Naayos na ang invitations, reception, church, gowns, suits, and others. Kasalukuyan ng ginagawa ang invitations. Hindi ko na maalala kung ilan ang bibigyan ng wedding invitation. Siguradong marami ang pupunta dahil puro business associates nila ang mga bisita. 

Tungkol naman sa entourage, kami na lang din ang pumili. Just like what I have said earlier, walang pakialam si Angelo. Napabuntong hininga na lang ako nang maalala ko ang pag-uusap namin kahapon.

"Angelo, what about you? Sino ang gusto mong maging best man? I'm guessing it's Sean, since he is your twin," tanong ni Tita Emerald kay Angelo.

Forgiven, Not ForgottenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon