Chapter 2

192 4 1
                                    

Chapter 2

 

 

 

Christine’s POV

 

 

Hay. Isa nanamang araw sa school.

Wala akong makausap na iba.

Bakit kasi ang aga ko? Ayan tuloy....

Akala ko naman kasi nandito na sila Abby. Yun pala parang malelate nanaman yung mga babaeng yun.

Nagbuntong-hininga na lang ako tsaka tumungo. Kainis. Dapat nagpalate na din ako.

Bigla kong narinig ang isa kong kaklase...

“Waah Abby!!!”

Dahil dyan agad kong itinaas ang ulo ko sa sobrang excitement. Haha. Buti na lang nandyan na agad sila~

Pero agad namang tumama ang isang pagkalaki-laking paper ball sa muka ko.

HAAAAAAAAAAAAAAY!!!!

Kainis na talaga ang school na to! Gusto ko ng lumipat ah!!

“Aray ko!!!!”

Bwisit naman. Mukang napango ata ang matangos kong ilong.

Kainis. Kainis naman talaga.

Nakita kong patakbong pumunta dito Abby, at inignore yung lalaking nagbibigay sa kanya nung bulaklak. Tapos sumunod sila Carmi.

Sila lang naman ang ka-close ko dito.

Mag-iisang bwan na, pero sila pa lang ang pumapansin sakin dito.

Ang hirap talaga pag bagong salta dito. Pero wala na akong magagwa, nandito kasi ang business ng pamilya ko kaya kailangan ko ding lumipat ng Korea.

Hay. Mahirap pero kailangang gawin. Ako pa naman ang nag-iisang anak. Ako ang magmamana ng kumpanyang yun.

“Oh. Christine? You ok?” Nakita ko na lang si Abby na nasa tabi ko na.

“Yeah. Ayos lang.” Sagot ko sa kanya, kahit pa medyo masakit yung ilong ko.

“Adik kasi tong lalaking to eh!!  Huh Huh~ Ano? Ulit ka pa??” Kinutusan ng kinutusan ni Carmi ang lalaki. Aba, may pakagat-kagat labi pa. Ang babaeng to. Kahit kelan sadista talaga...

 Ang mas masaya, hindi man lang lumaban ang lalaki. Nagsorry siya sa tropa tsaka sakin.

Hay. Edi sila ng sikat.

They always make this room like the way they want.

Kung gusto nila ng maingay, mag-iingay ang lahat. Kung gusto nila ng tahimik, kulang nalang tanggalin ng lahat ang mga bunganga nila para lang tumahimik. Sila ang nirerespeto. Kahit sa tropa nila, lahat sila babae.

I Found My PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon