Two storms is heading in one way. The one is full of anger and the one is full of curiosity. The chaos is really coming. All the answers is starting to appear. Who is the one must be disappear?
♛ ♛ ♛
Matapos mabasa ni Drake ang nasa pahina ng libro. Isinarado niya ito at naisipang dalhin sa kaniyang silid. Malakas ang kaniyang kutob na may mahalagang sinasabi sa kaniya ang libro ngunit hindi niya nga lang ito maunawaan.
KINABUKASAN agad na nag-ayos si Drake, pupunta siya sa unibersidad nila. Nais niyang makita ang dalaga para makausap. Nang isinuot niya ang kuwintas, ramdam niya ang lamig nito. Nag-anyong tao nga muli siya ngunit hindi nagbabago ang temperatura ng kuwintas. Hinawakan niya ito, patuloy ang pagkislap ng kuwintas.
"Ano bang mayroon?" Mahinang bulong niya.
Binalewala niya lang ito saka pumunta sa ika-unang palapag. Naabutan niya ang kapatid na nag-aayos ng gamit sa kanilang silid tanggapan. Napakunot-noo siya dahil pagkakaalam niya ay may pasok ngayon ang kapatid.
"Bakit narito ka pa rin? Hindi ba't may pasok ka?" Tanong niya. Napatungo nalang ang kaniyang kapatid saka sumagot. "Naka-excuse ako ngayon sa klase, Kuya."
Tinapunan nalang ito ni Drake ng tingin saka naglakad patungo sa pinto ng mansyon. Hindi niya nais maging malamig ang pakikitungo sa kapatid, pero sa tingin niya ay hindi niya muna kailangan marinig ang panig nito lalo na may gumugulo pa sa isip niya.
Nang makaalis ng bahay at nakapunta sa unibersidad. Napabuntong-hininga na lamang siya dahil maraming mga tao ang nakatingin sa kaniya. Hindi sumagi sa kaniyang isipan na mapagtutuunan siya ng atensyon. Napatigil siya sa paglalakad ng may isang babae ang humarang sa kaniyang dinaraanan.
Ngumiti muna ang babae saka nagsalita. "Hi, I am the president of our school council. And I am obligated to tour you here."
Ngumiti naman si Drake bilang sagot pero bago siya hatakin ng babae ay nagsalita ito.
"Patawad, binibini. Hindi ako pumasok sa unibersidad na ito para lang maglibot. Kaya kung maaari, mauuna na ako sa aking klase." Nakangiting saad ni Drake saka iniwan ang babae.
Nagmadali siyang pumasok sa silid ngunit lungkot ang gumuhit sa mukha niya nang mapansin niya na wala ang kaniyang hinahanap.
"Anong nangyari kay Miracle at bakit wala siya?" Naguguluhang tanong niya.
"Kilala mo si Miracle?" Rinig niyang tinig mula sa likuran niya at nakita niya ang isang binata.
"Ah, Oo. Drake Ian Ross nga pala." Sabi ni Drake habang nakalahad ang kamay sa binatang kaharap niya.
Tinignan lang ng binata ang kamay ni Drake saka tinalikuran siya. "I'm not interested, akin lang si Miracle. By the way, my name is better than your name, I'm Luther Rix Vasquez." saka tuluyan ng naglakad paalis.
Napakunot-noo naman si Drake at may namumuong kaba at galit sa kaniyang puso. "Nobyo ba 'yon ni Miracle? Kung Oo, sino pa ang isa niyang kasamang lalake noong nakaraan?" Gulong-gulong tanong niya.
Kahit naguguluhan nagpatuloy nalang si Drake sa kaniyang klase dahil pumasok na rin ang kanilang propesor.
Sa kabilang banda naman, si Thanatos ay patuloy pa rin sa pagsubok na tunawin ang yelong nakabalot sa dalagang kaniyang iniibig. Sinabihan siya na maaari muna siyang magpahinga ngunit hindi siya sumunod dahil mas nais niya pang sayangin ang oras ng pagpapahinga para lang magkaroon ng tsansa na matunaw ang yelo. Unti-unti na ring nanghihina si Thanatos dahil sa patuloy na paggamit ng mahika. Natigil lang siya ng may yumakap sa kaniyang likuran.
"Thanatos, pakiusap tumigil ka muna." Saad ni Gaia.
"Tumigil ka nga, Gaia. At kung puwede ba? Huwag mong ipagpilitan sa akin ang sarili mo!" Galit na saad ni Thanatos sabay tinanggal ang braso ni Gaia na nakapulupot sa kaniya.
"Hindi mo man lang ba iisipin 'yang sarili mo? Nakikita mo ba ang repleksyon mo? Hinang-hina kana, Thanatos. At dahil iyon sa babaeng 'yan!"
"Naririnig mo rin ba ang sinasabi mo, Gaia? Hetong babaeng 'to? Naghihirap siya at hindi mo alam na siya ang magliligtas ng buhay mo at buhay nating lahat!" Galit na sabi ni Thanatos habang itinuturo si Miracle.
"Mas nanaisin ko pang mamatay kaysa maligtas ng babaeng 'yan!"
Mas lalong nagalit si Thanatos sa sinabi ni Gaia kaya't hinawakan niya ng mahigpit ang braso nito at binalaan. "Bawiin mo 'yang sinabi mo!"
"Hindi! Hinding-hindi ko babawiin, mas okay pang mamatay siya kaysa naman na kunin ka niya sa'kin!" Umiiyak na saad ni Gaia.
"Kahit kailan hindi ako naging sa'yo, Gaia. At mamamatay muna ako bago mangyari 'yon. Umalis kana sa harap ko bago ko tunawin ang buong pagkatao mo."
Umiiyak na umalis si Gaia sa silid at si Thanatos naman ay napatingin sa yelo. "Gagawin ko ang lahat maalis ka lang diyan."
Amorie POV
Hindi ko alam kung paano ako kikilos sa iisang bubong lalo na't may alitan kami ni Kuya. Hindi ko mabanggit ang salitang nararapat kong sabihin. Hindi ko masabing patawad. Kumirot ang puso ko no'ng talikuran ako ni Kuya at umalis na walang paalam. Pakiramdam ko ay magtatagal ang aming alitan at hindi ako sanay. Naiiyak man ay pinigilan kong maluha dahil alam kong kasalanan ko naman itong lahat.
Siguro isusulat ko nalang ang mga nais kong sabihin sa pamamagitan ng isang liham. Sinimulan ko nang gumawa ng liham at ng matapos ko ito ay agad akong pumunta sa silid ni Kuya. Alam ko naman na wala siya kaya't binuksan ko na ito. Nakita ko na ingat na ingat ni Kuya ang kaniyang silid, malinis ito at halatang hindi napapabayaan.
Napukaw ang atensyon ko ng isang libro. Umiilaw ito at dahil sa kuryusudad ko ay binuklat ko ito at may nakasulat na pranses. Nanlaki ang mata ko ng maintindihan ko ang sinasabi nito. Ibig sabihin... alam na ni Kuya ang solusyon sa kaniyang sumpa!
“The only cure to break the curse and suffering in the embrace of coldness and agony is a sealed of love and sacrifice.”
BINABASA MO ANG
Scratches (Completed)
Mystery / ThrillerRank #34 in Paranormal (Revision Soon) In the midst of deep night, two young adult crossed their paths but with unexpected and chilling way. The girl with a boring life started to seek for their fate, and struggles to survive as they started to lif...