Chapter 10

10 0 0
                                    

Chapter 10 - Ollie

                Harujusko! Ayan na naman siya tumatawag na naman! Kanina pa tong madaling araw tawag ng tawag habang himbing na himbing na ako sa pagtulog. Di na nga ako nakapag-ayos ng mabuti dahil sa kakamadali.

                Nasa cab pa lang din ako. Pasensiya na kasi ang layo ng panggagalingan ko papunta sa meeting place. Sasagutin ko ba to?

                “Kuya, malayo pa po ba tayo?” pag-aalala kong tanong sa driver.

                “Malapit na lang po maam. Mga 3 minutes andun na po tayo.” Ang sabi ni mamang driver na nagkasalubong pa ang tingin namin sa rearview mirror.

                Nang marinig ko yun, saka ko sinagot ang tawag ni Sir Andrew.

                “Teka, teka lang po. Malapit na. 3 minutes na lang daw anjan na kami.” I said. Inunahan ko na talaga siyang magsalita kasi baka magtatatanong na naman kung ilang minutes pa ako bibiyahe.

                Atat lang! Sa isip isip ko. Pero excited din akong makita siya. Sabi ko nga hindi ko iniisip na mangyayari ng maaga ang mga pangarap ko. Malay mo biglang maging kami na din pala kinabukasan.

                Kinikilig naman ako sa isiping yun. It gave me a smile on my face na ipinagtaka pa ni Kuya driver.

                “Date mo ba yun Ma’am?” na nagpabalik sa akin sa aking ulirat.

                Sasagutin ko ba to o hindi!?

                “Ahhmm. Mainipin lang kasi ang BOYFRIEND ko kuya kaya bilisan na natin.” Pagsisinungaling ko. Well, hindi niya naman siguro kilala kung sino ang tinutukoy ko. At lalong hindi niya din ako kilala. Kaya, okay lang. Hahaha.

                “Dati meron akong hinahatid din dun sa pupuntahan mo. Grupo ng mga lalaki. Nung nasa labas pa lang ako college nakaparada. Laging sila ang nakakasakay sa akin pag mga ganitong oras. Pero pagkatapos nun di ko na sila nakikita.” Pagkukuwento ni kuya na tango lang ako ng tango habang nakikinig sa kanya.

                “Baka grumadweyt na din kasi sila kuya kaya di mo na nakikita.” Sabi ko naman kasi baka nga naman. Sabi niya kasi medyo matagal tagal na din.

                “Siguro nga. Pero may nakilala din akong isa sa kanila. Minsan nasakay ko sa may Makati. Ayun. Ang ganda na pala ng trabaho. Nakalimutan ko na ang pangalan niya pero pag nakita ko yun makikilala ko din.” Anito.

                Bakit biglang naging interesting ang pagkukuwento niya sa akin? At bakit parang interesado din akong marinig?

                “San po sa Makati? Dun din po ako kasi nagtatrabaho ngayon.” Interesadong tanong ko.

                “Hmmmm.. family business daw nila. Nakalimutan ko anong building yun. Binigay ko nga yung calling card ko sa kanya baka kasi dumating ang time na kailangan niya ng taxi, eh e-text niya lang ako.” Pagpapaliwanag niya sabay kinalikot ang wallet niya na parang may kukunin.

                “Eto pala maam ang calling card ko. Kung kailangan niyo uli ng taxi, e text niyo lang ako. Nestor po pangalan ko.” Nestor nga ang pangalan niya ng basahin ko ang tarhetang inabot niya. Nginitian ko siya sabay sabing sige po.

                “Andito na tayo Ma’am.” Aniya.

                “Ahh.. dito na ba? Teka. Di pala ako nakapaghanda ng pambayad.” I unzipped my purse para kumuha ng pambayad ng taxi. Sa mismong tapat ng pancake house ako pinarada ni kuya. Di ko tuloy napansin na may lumapit sa aming lalaking naka white polo shirt at jeans. Di ko na lang tiningnan kong sino baka pasahero na sasakay sa taxi na sinasakyan ko.

Loving Mr. Perfect (temporarily on hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon