Dalawampu't Lima

98 4 0
                                    

"Hon? Nakapagluto kana ba ng almusal?"

Bungad sakin ni Drake, nakaformal-attire siya. Lumapit siya sakin at hinalikan ako sa noo.

"Pakiayos nga hon ng necktie ko." Inayos ko naman yun. Medyo naguluhan ako sa ginagawa ko.

Inabot ni Manang Rosa ang kape ni Drake.

"Mama.......Uwaaaaaah.." May batang babaeng umiiyak na lumapit sakin. Binuhat ito ni Drake.

"What is it baby?" Tinuro niya ang batang lalaki na naglalaro sa sala ng lego house. Tumalikod ito.

"Alexis! Ayan ka nanaman ha. Share your toys to your sister."

Umiyak na din yung batang lalaki at lumapit sa yaya.Binaba ni Drake ang bata at lumapit sakin.

Inakay niya ako papalabas ng bahay. Nagulat ako sa dami ng bata na naglalaro.

"Ikaw na bahala sa mga bata ah. Alis muna ako." Nag kneel down siya at hinalikan ang tiyan ko na sobrang laki.

"Bye for now baby Drake the Fifth." sabi niya.

Then he turned his back on me. But suddenly lumingon siya at lumapit ng muli sa akin.

Nilapit niya ang lips niya sa may neck ko, I thought he was going to kiss me and search what tickles me on the neck.

"I'll be good at work so get ready with my reward tonight. I can't wait."

"Sure hon!" Then my hand went through his chest and massage it gently.

He then smiled and finally turned his back and went to his car.

Anong ginagawa ko? Ako ba to?

"NOOOOOOOOOOOOOOOOO!!!"

*Boooooooooog*

"Alexandra?!"

Bigla akong nagising, natagpuan ko na lang ang sarili ko na nasa sahig.

"Anong nangyari sayo apo?"

"Pawis na pawis ka ha."

Tiningnan ko ang tiyan ko. Napasapo ako sa ulo ko. Thanks God panaginip lang yun.

"Ano pong nangyari?"

Biglang pumasok si Drake. Nanlaki mata ko. Tumingin ulit ako sa tiyan ko. Hindi naman ako buntis. So sure akong isang bangungot lang yun.

"Anong ginagawa mo dito?!"

"Me? You just texted me. You told me to come here."

What is he talking? Kailan ko siya tinext?

"Excuse me? Why would I text you?"

"Check your phone, you really texted me."

I grab my phone madly. Ba't ko naman siya itetext? Tiyaka pagkaka-alala ko wala akong load. COS ako last night. Oh wala naman akong nasend kay ASUNGOT dito ah. Wait. Text ko ba to?

Sent Message:

To Asungot.

Hey, Drake! My Grandma and aunt were here in my condo, they want to meet you. Dress up like a real man for them to be satisfied. See you in a bit babe. Love you.

"Hindi ako nagtext nito!"

Tiningnan niya ako na parang nagdududa.

"Hindi nga! Ba't naman kita itetext nito!"

"Malay ko sayo."

"Tama na yan, maligo kana Alexandra nang makakain kana. May pupuntahan pa tayo." Sabi ni Auntie at hinatak si Drake.

Rebel Daughter at its Best (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon