MILE'S POV
Napaigtad pa ako ng paglingon ko...
May nakita akong isang lalake sa may pintuan...
At wala akong ibang makita sa mukha nya kundi bungo!
Pumikit ako at nagcount from one to five.
Pagmulat ko...
May mukha na yung lalake.
Hell! Whats this! Baka naghahallucinate lang ako kasi di pa kami kumain ng lunch. Tss, possible kaya yun?
“Hello po,” pasweet yung voice ni Mayumi, “sorry po if pumasok na lang po kami. Sinabi po kasi nitong kaibigan namin na si Mile na pumasok na lang kami kasi gutom na daw sya.”
What?! Di lang ako makaangal kasi nakahawak si Mayumi sa braso ko ng mahigpit. Brat!
“Okay lang yun.” Ngumiti pa yung lalake na si kapitan siguro, “kung naghahanap kayo ng matutuluyan, mabibigyan ko kayo.”
Iba ang ngiting iyon. Iyong ang tipong parang may sikreto.
“Thank you po. At sana may pagkain na rin.”
“Nia...” saway ko sa pinsan ko. May baon naman kaming pagkain kaya di na dapat kami humingi kay Kap, nakakahiya naman.
“Wag na kayong mahiya, lahat ng napapadpad dito ay binibigyan namin ng di malilimutang experience... hanggang kamatayan...” tumawa pa siya. Nagsitawanan sila. Ako lang ang hindi. “Halika. Ihahatid ko kayo.”
Lumabas kami.
“Where’s our van?” tanong ni Mayumi.
Wala kasi yung van na pinark lang namin kanina sa labas.
“Ah, ipinaparada ko sa bakanteng lote sa kabilang kanto. Di nyo na kailangan yun. Maglalakad lang naman kayo kung may pupuntahan kayo,” sabi ni Kap.
Isang bungalow type house na gawa sa kawayan ang pinagdalhan nya samin... maaliwalas ang loob ng bahay. Pero parang may kakaibang aura din.
“There is no kuryente here ba? You know, I’ll gonna charge my iphone. Theres no signal din eh I won't be able to text my mommy.”
Ginagaya ko pa sa isipan ko ang sinasabi ni Mayumi. Ang arte nya eh para sa magtatanong lang naman kung may kuryente dun at kung may signal.
Umiling si Kap, “wala. Pasensya na.”
“Aww,” sabay sabay pa talaga sila.
“Oh, panu ba yan, iiwan ko na kayo. Yung mga gamit nyo, nasa loob na ng kwarto.” Tumalikod na si Kap..pero agad din nya kaming nilingon, “nga pala, wag na kayong lalabas pag alas-onse na ng gabi.”
“Curfew. Pssh.” Si Nia, di kasi siya sanay na binibigyan ng taning. Ginagawa nya lahat ng gusto nya at uuwi lang siya kung gusto nya.
“Hey, look,” may kinuha si Lexor mula sa isang upuan dun, “may iba pa silang naging bisita nun oh. Naiwan pa nila yung buto ng pinagkainan nila. Kadiri.” At tatawa tawang binato nya sakin yung buto.
Nasalo ko naman agad. “May dugo-dugo pa siya oh. Ahm... pwede bang kainin ng fresh ang manok or baboy?” may laman laman pa at may bahid pa ng dugo yung buto.
“Ketchup lang yan. Alangan namang buto ng tao? Hahaha! Si Kap, kakain ng tao? Don’t think so!”
“Zip baby, youre scaring Miss weirdo...” nagtawanan na naman sila.
Umihip ang malakas na hangin mula sa labas. At kumulimlim ang langit.
“Mukhang uulan,” puna ni Nia,”Bukas na lang tayo makakapagresearch.”
“That’s good. Magluto ka na nga, Miss Weirdo, nagugutom na kami ni Zip baby. Di ba?”
“Oo nga.”
Ako na naman ang tinuro nila. Pssh. Kinuha ko ang mga canned goods at nagtungo sa dirty kitchen.
Isinalang ko na ang palayok sa lutuang de uling nung magkaroon na yun ng apoy.
“Magtago na kayo. Di na kayo makakatakas.”
Naitapon ko pa ang hawak kong corned beef, “L-Luisa?”
“Ako nga. Pagsapit ng alas-onse, lumabas kayo ng bahay. Tumakbo kayo. Wag kayong titigil hanggat di sumisikat ang araw.”
Bigla syang sumulpot sa tabi ko. May sa-pusa yata siya. “anong ibig mong sabihin?”
“Nagkamali kayo ng lugar na pinasok. Basta hindi ako nagkulang ng paalala sa inyo.” Tuluy tuloy na syang lumabas ng dirty kitchen.
Palinga linga pa siya habang naglalakad palayo.
1 pm na ako natapos magluto. Tatawagin ko na sana ang mga kasama ko pero nakita kong natutulog lahat sila sa nagiisang kwarto. Sa sahig sila nahiga kasi wala namang kama doon.
Naisipan kong lumabas muna para magpahangin. Medyo makulimlim na nun at may balak pa yata ang langit na magbagsak ng ulan.
Naglakad lakad lang ako.
“May mga dayo na naman.”
“Salamat naman at may makakain na naman si Apo.”
“May mga magiging alay na tayo.”
Natagpuan ko na lang ang sarili kong nakasilip sa isang makapal na halaman... dalawang matandang babae ang nakita ko. Gaya ng nakita ko kay Kap, bungo din ang mukha nila! Napaigtad ako na naging sanhi ng mahinang pagkaluskos.
“Ano yun?”
Naging normal na ang mukha nila nung lumingon sila sa kinalalagyan ko.
Agad akong kumaripas ng takbo habang nakayuko.
“Isa kang dayo.”
Isang binata ang nakita ko sa gilid ng daan. Marahil dahil sa pagtakbo ko ay di ko na siya napansin. Napatigil ako. lumapit sya at hinaplos ang mukha ko. “Wag mo akong hawakan.” Lumayo ako sa kanya. He has tantalizing eyes na parang pinipigilan ako sa paglayo.
“Mapapasakin ka.”
Hahawakan na naman sana niya ako pero tinakbuhan ko na sya... ang weird ng mga tao dito.
Pagdating ko sa tinutuluyan naming bahay...
“Bestfriend, kumain na kami. Tinirhan ka na lang namin, youre the best cook.”
Pakonsuwelo de bobo lang yun. Alam ko. “Umalis na tayo dito. Please. Ako na ang gagawa ng research.”
“Ahh. Kung sinabi mo na yan nun, eh di sana nagkasundo na tayo? Tss. No way.”
Kahit yata anong gawin ko ay di sila papayag.
“And cousin, umuulan na sa labas so mapanganib ng magbyahe ngayon noh.” Minuwestra pa ni Nia ang bintana kung saan makikita ang malakas na pagpatak ng ulan sa labas. “Ikain mo na lang yan.”
***
Author: -_- Boooring nuh? -m- Sorry!
BINABASA MO ANG
Tagong Sitio
Horror☛ℕℴ ℑℴ ℊℛaℳℳaℛ ℕaℨi☚ It's when you see what'll happen but no one believes you. EijeiMeyou®