Chapter 18: Serial.-----
Tagaytay Police Headquarter.
Nagmamadaling tinungo ni Simon ang office ni Glenn para tawagin ito at ipanood ang balita ngayon sa tv.
Agad namang nagtungo si Glenn sa common area ng headquarter kung saan nandoon din ang ilang kapulisan kabilang si Chief Rohroh.
"Headlines bukas ngayon ang broadcast."
"Tatlo na naman ang namataang patay sa pamamaril ng tinaguriang black stain riding in tandem kanina lang alas dos ng madaling araw dito na naman sa Dasmariñas, Cavite."
"Nauna na nang naibalita sa Tagaytay ang tungkol di umano sa serial killer o killers na nag-iiwan ng itim na mansta sa katawan ng mga biktima at umabot na ang pamamaslang hanggang sa Dasma, Gentri, Gma at ilan pang bahagi ng Cavite. Konektado kaya ang mga ito? Iisang tao lang ba ang gumagawa ng pagpatay o marami sila?"
"Balot ngayon ng takot ang mga caviteño, nalalapit pa naman ang kapaskuhan kaya pinag-iingat ngayon ang buong mamamayan ng Cavite dahil sa mga trippers-killers na ito na gumala-gala ngayon sa nasabing lalawigan."
"Humigpit na ang seguridad ng mga kakalsadahan sa Dasma, nagkaroon na ng no-helmet-policy para maiwasan umano ang mga ganito pang insidente."
"Ito po ang inyong lingkod----."
Pinatay na ni Chief Rohroh ang tv. "Okay magsi-pagbalik na kayo sa mga trabaho n'yo, ronda-ronda na, bawal ngayon ang petics."
Matapos noon ay nagpulasan na ang iba. Si Glenn naman ay bumalik sa opisina niya at sinundan naman siya ni Simon.
"What do you think Sir?" tanong agad ni Simon pagka-upo ni Glenn.
"I think, I'm fallin', fallin'.. . in love--- leche!" napamura si Glenn. "Na-iistress ako."
"I think kailangan nating pumunta sa dasma, baka makahanap tayo ng lead doon?" suggestion ni Simon na umupo sa kaharap na silya ng kausap.
"Naisip ko na'yan naunahan mo lang ako. Nga pala nakuha mo na ba ang mga records ng napatay ng black stain riding in tandem na'yan?"
Tumango si Simon saka ibinigay ang folder na kanina niya pa pala hawak.
Binasa agad ni Glenn ang laman ng folder.
1.
Angel Grace Sison
55 Yrs. Old
Female
Loan Officer
Cause of death:
-Hinatak ang dila from internal body at isinakal sa leeg nito
-Tinahi ang mga mata para hindi ito maimulat.
-Puno ng hiwa ang katawan.
-May dalawang saksak sa magkabilaang kili-kili at singit ng hita.2.
Abie Jessa Manaois
23 Yrs. Old
Female
Accountant
Cause of death:
-Tinusok ng takong ang mga mata.
-Butas-butas ang katawan at pinagsasalpakan ng mga coins kaya nagmistulang alkansiya.
-Hiniwa ang bahagi ng dibdib at sinalpak naman sa bibig.
-May dalawang tama ng matutulis na bagay ang magkabilang hita.3.
Frenzes Diane Marie Padaboc
20 Yrs. Old
Female
Teacher
Cause of death:
-Pinagtutusok ng iba't-ibang klase ng lapis at ballpen ang buong mukha.
-May sinalampak na hose sa ari nito na sinagad hanggang umabot sa gitnang bahagi ng katawan. Base sa imbestigasyon ay pinadaloy mula sa hose ang mainit na tinta papasok sa loob ng katawan.
-Pinutol ang mga paa at kamay.4.
Mahaj Rotcasey
14 Yrs. Old
Female
Student
Cause of death:
-Limang tama ng baril sa katawan. May tusok ng matulis na kahoy sa kaliwang mata at pati sa ari.5.
Gal Alapamor
28 Yrs. Old
Male
Construction worker
Cause of death:
-higit sampung tama ng baril sa ulo. Nilagari ang mga paa.Wala pang pagkakakilanlan ang huling tatlong namatay.
BINABASA MO ANG
MEGALOMANIA [Unedited.Completed]
Mystery / ThrillerAng malawak na kaisipan ay talagang nakabubuti sa tao subalit kung minsan ito rin naman ay nakasasama. Sama-sama nating antabayan kung paano tumakbo ang mapaglarong kaisipan ng ating bida. Ano nga ba ang totoo at hindi? MEGALOMANIA