LWFW 18

31 2 0
                                    

Pinilit akong pasabayin ni Maam Carla sa kanila ng maghapunan na. Nahihiya man ako ay hindi naman ako makatanggi lalo na ng si Cade pa mismo ang maglagay ng pagkain sa plato ko. Pinapanood lamang siya ni Maam Carla at Sir Ronald. Hindi ko alam kung natutuwa ba sila, kung tanggap ba nila ako para kay Cade o hindi. Wala akong idea. Although, wala naman silang sinasabi at hindi 'rin naman sila nagtatanong.





Sa tingin ko naman ay okay kami kay Maam Carla dahil kahit papaano ay ngumingiti siya ngunit si Sir Ronald ay hindi ko mabasa. Tinitignan nya lamang ako ngunit wala siyang kahit anong reaksyon.





Nang matapos ang hapunan ay pinatulog ko na si Charles. Sinamahan pa ako ni Cade, siya din ang nagbasa ng story kay Charles hanggang sa makatulog ito.





Paglabas namin ng kwarto ni Charles ay nagyaya si Cade na magtungo sa pool.





"Ano bang gagawin natin dito?" Tanong ko ng maupo ako sa gilid ng pool. Hinayaan kong mabasa ang aking paa.





"Gusto lang kitang makasama pa ng mas matagal." Sabi niya nang maupo sa tabi ko.





Tumingin ako sa langit. Ang daming bituin.




"Ynna.."




Bumaling ako kay Cade na titig na titig sa akin.




"Bakit?"




Hinawakan nya ang kamay ko bago nagsalita.




"Thankyou."




"For what?"





"For coming into my life."





Umiling ako at hinaplos ang mukha niya.




"Ako dapat ang mag thankyou, Cade. Thankyou for loving someone like me."





"What do you mean someone like you? You're the most precious for me, Ynna. I love you!"




Mahigpit niya akong niyakap.





I'm sorry, Cade. I'm sorry for lying to you. Sana mapatawad mo 'ko.





Gumanti ako ng yakap sa kaniya. Kapag inamin ko na sa kaniya ang lahat, sana ay mahal nya parin ako.






Bumitaw si Cade sa pagkakayakap at mapupungay ay mga matang tumitig sa akin. Dahan dahan nyang inilapit ang kanyang labi sa akin. Mariin akong napapikit ng maramdaman ko ang init nito. He kissed me gently na lalong nagpatindig ng balahibo ko.





Ginantihan ko ang halik niya mula sa mababaw hanggang sa naging mapusok. Inaangkin nya ang bawat sulok nito at para bang may hinahagilap siya mula roon.





Pakiramdam ko ay nalalasing ako sa halik niya. Ito ang unang pagkakataong nakaramdam ako ng ganito. Para bang gusto kong maghalikan nalang kami buong magdamag.





Bahagyang lumayo si Cade at tumitig sa mga mata ko. Nakaramdam ako ng panghihinayang dahil sa pagtigil niya.





"I love you, Cade." Bulong ko.





"I love you too."




Tumagal kami ng halos isang oras doon bago ako tuluyang inihatid ni Cade sa kwarto.





"Goodnight, Baby."





Ngumiti ako. Gustong gusto ko ang pagtawag nya ng Baby sa akin. Dati ay nandidiri ako sa mga endearment, ngunit ngayong si Cade ang bumibigkas ay ang ganda sa pandinig ko.





"Goodnight."





Mahigpit akong yumakap sa kaniya na halos ayaw ko na syang pakawalan. Binigyan nya ako ng mababaw na halik bago ako tuluyang pumasok ng kwarto.





Naabutan ko si Nanay Linda na gising pa at nakaupo sa kama nya.





"Nay Linda. Bakit gising ka pa?" Tanong ko.




Naglakad ako patungo sa kama ko at pagod na bumagsak dito.





"Nasabi mo na ba sa kaniya?" seryosong tanong ni Nay Linda na nagpabangon sa akin.





"Hindi pa po. Natatakot kasi ako, Nay Linda." Pag amin ko.





"Kailan mo balak sabihin?" Tanong niya.





"Ang totoo po, mahal ko na si Cade at--"





"Alam ko at sa nakikita ko ay mahal ka 'rin niya. Anong kinakatakot mo?"






Iba ang tono ni Nay Linda ngayon kumpara sa Nay Linda na nakakausap ko noon.






"Natatakot po akong baka magalit siya sakin kapag nalaman nyang ibang tao ako. Na niloloko ko lang sila. Na baka.. I-iwanan niya ako." Sabi ko.




"Wala kang tiwala sa pagmamahal ni Cade, kung ganon?"





"Hindi naman po sa ganon."





Napayuko ako at napaisip.





"Hangga't maaga sabihin mo na. Maiintindihan ka niya kung talagang mahal ka niya at magagawa ka nyang patawarin. Hindi tama kung mas patatagalin mo pa ang pagsisinungaling mo gayong mahal ka na nung tao." Ani Nay Linda.





Tumango ako at nung gabi ding iyon ay napagpasyahan kong aminin na nga kay Cade ang totoo hangga't maaga.




Kinabukasan ay hinintay lamang ako ni Cade na magising bago sya pumasok sa trabaho.





"Ang aga naman ng pasok mo?" Tanong ko.





"May meeting kami ng alas otso, dadaan din kasi ako sa Condo para doon magbihis." sabi niya.





Tumango ako at inihatid siya palabas.





"Don't forget to eat your lunch. Okay? Wag kang magpapagod masyado. Patulugin mo nalang maghapon si Charles para hindi ka mapagod." Sabi niya.





Ngumiti ako at tumango.





"Ikaw din."





Lumapit sya at mahigpit na yumakap sa akin. Mabuti nalang at nasa loob sina Lisa at Ella. Mababaw na halik ang iginawad nya bago tuluyang umalis.





"Ingat ka." sabi ko habang kumakaway sa kaniya.





Kakaalis palang ni Cade pero namimiss ko na agad siya.





"Inlove na inlove ah?"






Bumaling ako ng marinig ko ang boses ni Ella. I feel sorry for her. Lumapit ako sa kaniya at hinawakan ko ang kamay nya.





"Sorry." Sabi ko.





Umiling siya.





"Okay lang. Crush ko lang naman siya saka hindi kami bagay. Mas bagay kayo. Maganda ka tas gwapo siya. E, ako?"






"Maganda ka din, Ella. Pinay Beauty ka nga e." sabi ko.





"Binobola mo lang ako. Pero Ate Ynna, wag mong hahayaan na mawala si Papa Cade sayo ha? Mas gugustuhin kong sayo sya mapunta kaysa sa iba."




Ngumiti ako sa kaniya.





"Wag kang mag alala. Hindi ko din siya hahayaang mapunta sa iba."

Love Will Find WayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon