ARYAN, 15
Kakagaling ko lang sa isang relasyon pero hindi tumagal gaya ng aking inaasahan. Akala ko nung una hindi ko kaya ang iwan siya. Kaya kahit anong panloloko ang gawin niya sa akin, tinanggap ko siya't pinatawd pa rin. Sabihan man nila akong MATALINO pero TANGA sa pag-ibig, wala akong pake-alam.
Pero may dumating na di ko inaasahan. Si KRISTIAN. Ang tumulong sa akin na kumawala sa madilim na daan kong tinahak sa mundo ng pag-ibig.
**********************************************
"Halla joo! Bakit ka umiiyak?" Tanong ni Jara.
"Siguro, si JAYCEE nanaman yan no?" si Em.
"Bakit jo? Niloko ka nanaman?" Maan.
Sila ang matatalik kong kaibigan, isali niyo na si Malika. Pero nasa ibang school kase siya. Panlabas na anyo pa lang magkakaiba na kami. Pati sa pag-uugali, pero heto kami, masaya at nagdadamayan.
"OO jo.. Niloko niya ako.. Pangalawa na ito, at isa pa rin ang dahilan kung sino.." Sabi ko.
"Si Maribel nanaman ba?" Sabay sabay nilang tinanong.
"OO jo.. Sh*t. Ang landi nila."
"I-break mo na kase!"
Di ako umimik nang sinabi nila yun. Kailangan ko pa ng ilang araw na pag-iisip. LEGAL kase kami ni JAYCEE kaya ang hirap i-explain sa mga magulang ko kung bakit. Alam rin nila na nagbreak kami sa una niyang panloloko. Kaya ang hirap sabihin ngayon dahil heto nanaman ako, naloko ulit. Nakakahiya. Ang talino ko pero ang tanga ko sa love.
*****************
Fr: KRISTIAN
Bakit ka umiyak kanina sa school?
Di ko siya gaanong nakakausap sa klase. Di rin naman kami malapit sa isa't isa pero sinabi ko ang dahilan.
Fr: KRISTIAN
Grabe naman yan. Ibreak mo na ah.
Tawa lang ang na-i-reply ko sa kanya dahil di ko alam sasabihin ko.
Fr: KRISTIAN
Grabe naman pagmamahal mo sa kanya. Manhid ka ba o sadyang mabait ka lang talaga?
"Haha. Ganun talaga pagmahal mo ang isang tao. Pero dadating din naman yung time na iiwan ko siya. I'm just waiting for the right time." Reply ko.
Fr: KRISTIAN
Grabe ka pala magmahal ah. Hehe
Nagkwentuhan lang kami nung gabing iyon.Karamihan ay tungkol sa lovelife niya. Kagagaling niya kase sa isang break up. Ang saya niya rin palang makausap kahit text lang. Pero tumatak sa isipan ko ang sinabi niyang payo na "Marami pang lalaki sa mundo. Hindi lang siya.". Kinabukasan ay tila nagbago ang lahat.
Naging malapit kami sa isa't isa, na sa sobrang close ay napagkakamalang kami. Pero hindi naman. Ewan ko ba pero nang nangyari ang mga iyon tila nagkaroon na ako ng lakas at tapang na harapin ang katotohanang dapat ko nang iwan ang lalaking sumugat sa puso ko. At sabihin ang totoo sa mga magulang ko.
At nagawa ko nga. Para akong nabunutan ng tinik sa leeg. Sabi ni mama, ang lalaking katulad niya ay di dapat iniiyakan.
Totoo nga ang sinabi ni KRISTIAN..
"MARAMI PANG IBA DYAN.."
At alam ko na kung sino iyon. Pero ayokong maging padalos dalos na sa pah-ibig. Dahil alam kong mapaglaro ito. Sa ngayon, di pa ako sigurado kung ano ba itong nadarama ko. Pero alam ko na masaya ako.
**********************************************
Stop muna dito. Sa next update na lang uli. :)
NOTE: Hindi ko po ginamit ang totoong pangalan ng mga main characters. Privacy. :) Haha. Pero base talaga yan sa karanasan ni Aryan.
Stay tuned! Vote and Comment ha?
BINABASA MO ANG
ISTORYAHE: Buhay Tineydyer
General FictionMga ISTORYA tungkol sa BUHAY ng mga TIENYDYER. Ito ay base sa mga totoong karanasan ng katulad nating mga kabataan. :)