19.) Can't stand

75 1 0
                                    

Walang kahirap hirap akong hinahatak sa kung saan ng dalawang lalaking ito.
Hindi matigil ang kaba ng dibdib ko para sa posibleng mangyari sa akin.

'Bakit nila ako kinukuha? Anong kailangan nila sa akin? Papatayin ba nila ako? Gagahasain? Dyos ko, wag naman po.'

Pinipilit kong magpumiglas ngunit mahigpit ang pagkakahawak nila sa akin.

Ang isang lalaking nasa kaliwa ko ay hawak-hawak ang braso ko, habang ang isa naman ay hawak rin ang kabila ko pang braso. Nakatakip din ang kamay nya sa bibig ko.

'Napaka baho ng kamay ng walanghyang to! Hindi muna naghugas ng kamay bago ako kidnapin!'

Hindi ko alam kung naiiyak ba ako dahil sa sitwasyon ko ngayon, o dahil sa kabantutan ng kamay ng panget na ito.

Nagpapabaling baling ang ulo ko sa kaliwa't kanan, umaasa akong may makikitang pwedeng tumulong sa akin, ngunit wala akong nakita. Pinipilit ko ring lumingon sa likuran ko at walang sawa kong iwinawasiwas ang katawan ko, umaasang makawala ako sa dalawang panget na ito.

Pag lingon ko sa pinanggalingan ko kanina ay nakita ko si teban doon, nagpapalinga linga sya at halatang hinahanap na nya ako.

Nabuhayan naman ako ng loob dahil doon. Kaya gamit ang natitira kong lakas ay ubod lakas kong inapakan ang paa ng lalaking nakatakip sa bibig ko.

Nabitiwan nya ako, at napadaing sya sa sakit.

Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras, buong lakas kong tinawag si teban.

"Tebaaaaaannnn!!!" Rinig ko pa ang pagpiyok ng boses ko.

Nakita kong lumingon sya sa gawi ko, pero bago pa ako makapagsalita ulit ay isang napaka lakas na sampal ang naramdaman kong dumapo sa mukha ko, at isa pa ulit.

'Walangy hiyang to! Mag-asawa yun ah?! Ang sakit!'

Sa sobrang lakas niyon ay agad kong naramdaman ang magkahalong panghahapdi at pagkamanhid ng mukha ko.

"Shit! Ligaya!" Naulinigan kong isinigaw iyon ni teban, pero hindi ko na sya nagawang tignan.

Iniinda ko pa rin ang malakas na sampal na natamo ko, kaya hindi ko makuhang maiangat ang mukha ko mula sa pagkakayuko.

Naramdaman kong binuhat ako ng isang lalaki at tsaka ito mabilis na naglakad.

Gusto kong iangat ang ulo ko para sana tignan kung nagawa ba akong sundan ni teban, pero hindi ko magawa. Pakiramdam ko ay nasaid ang enerhiya ko ng dahil sa sampal na iyon.

"Subukan mong gawin ulit iyon at papadaliin ko ang buhay mo---tangina." Naramdaman kong tumigil sa paglalakad ang lalaking may buhat sa akin, tapos ay nakarinig ako ng iilang putok ng baril.

'Ano na bang nangyayari?'

Kaya kahit masakit pa ang mukha ko ay sinubukan kong iangat iyon. Pero bago ko pa magawa iyon ay may pwersahang kumuha sa akin mula sa bakulaw na ito.

Nakapikit ako, at pinapakiramdaman ko lamang iyon.

'Walanghyang bakulaw iyon! Ang bigat ng kamay! Aargh! Napakasakit ng mukha ko.'

Nararamdaman ko rin na unti-unting kumikirot ang magkabilang gilid ng labi ko.

Naramdaman ko ang mahinang pagtapik sa pisngi ko.

"Li-gaya? S-shit. H-hey." Nang marinig ko ang tila takot na takot na boses ni teban ay napadilat ako bigla.

"Teban." Iyon lang ang nasabi ko. Kumikirot talaga ang labi ko.

Nabasa ko ang magkakahalong galit pag-aalala at takot sa mukha nya.

Nang makita nyang dumilat ako ay mahigpit nya akong niyakap habang marahan na hinahaplos ang buhok ko. Nararamdaman ko rin ang bahagyang panginginig ng katawan nya.

Taas Ang Kamay! Kidnap 'to!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon