C H A P T E R 17

3.3K 106 21
                                    

Baybayin

"At bakit na natatawa? Totoo naman ang sinasabi ko ah! Kagabi nga---" natigilan si Catherine. "T-teka? Anong nangyari sa kagabi pagkatapos kong malasing? B-bakit paggising ko nasa kuwarto na ako ng mga sundalo sa kuwartel? Bakit noong binuksan ko ang silid-paliguan sa kuwartong iyon ay nakita kitang----" natigilan si Catherine sa gitna ng kaniyang mga salita nang biglang may mahinuha.

Nanlalaki ang mga mata niya nang tinitigan ang nagpipigil ng tawang si Thomas.

"Huwag mo sabihing---"

Mas lalo pang natawa si Thomas.

"Nalasing ka lang Senyorita, sumikip na ang iyong----" hindi natuloy ni Thomas ang sinabi nang bigla siyang sinampal ni Catherine.

"ANG bastos mo! Guwapo ka pero ang bastos bastos mo! Nakakainis ka!"

"Aray! Ang sakit Senyorita, maawa ka!" natatawang pagdaing ni Thomas habang sinasabunutan siya ni Catherine. Natawa na lang din ang tagapagmaneho nilang si Maong Pedro habang pinapakinggan silang mag-away na parang mga bata.

"Ang kapal kapal kapal mo! For your information, berhin pa ako! Sikip-sikip ka riyan!"

Namula si Thomas sa sinabi ni Catherine. "Kung ganun? Bakit mo ako sinasabunutan Senyorita kung gayong birh---"

"Sige! Ituloy mo, puputulan kita ng dila!" banta nito.

"Senyorita, ang tinutukoy ko naman kasing sumikip ay hindi iyong ano mo---"

"Anong ano ko?"

"Hindi iyong ano mo kundi iyong pag-iisip mo. Pakiwari ko kasi'y pagkatapos mong nalasing ay sumikip na ang pang-unawa mo. Ang kilala kong Senyorita Maria ay may katuwiran mag-isip at hindi basta-bastang nagsasalita hanggang hindi napapatunayan na tama ang ang naiisip."

Natigilan si Catherine sa sinabi ni Thomas. Siguro'y ito ang malaking pagkakaiba nilang dalawa ni Senyorita Maria. Si Senyorita Maria ay gaya ng sabi ni Thomas, may katuwriran mag-isip habang si Catherine at liko-liko at balu-baluktot ang utak. Overthinker.

"Maliban na lang Senyorita kung iyon talaga ang gusto niyong mangyari bagyo kayo maglasing kagabi at mawalan ng ulirat. Kasi ako, bilang opisyal na guwardiyang sundalo ninyo ay handa rin namang ibigay ang kung anumang serbisyong hihingin ninyo."

"Napakamanyak mong sundalo."

"Hindi ako ang mayak Senyorita kundi ang isipan mo---" "Aray! Ang sakit mong sumuntok Senyorita. Nasasaktan na ako."

"May nasasaktan bang nakangisi? Ha!? Nakakainis ka!"

Natawa lang si Thonas sa pagsigaw ni Senyorita Maria. Nang maya-maya pa ay biglang may nadaanang lubak ang kalesa ay biglang nangudngud ang mukha ni Senyorita Maria sa mamula-mula at well toned chest ni Thomas. At sa pagkakataong iyon ay bigla silang nagkahiyaan sa isa't-isa.

"Unang beses iyon ay may babaeng humalik sa dibdib ko Senyorita," hiyang-hiyang ani Thomas habang nakantingin sa labas ng bintana at maya-maya pa ay gumalaw ang adams apple niya nang muling maalala ang pagkangudngud ng mukha ng Senyorita sa dibdib niya.

"Walanghiya ka talaga. Sinong may sabing hinalikan ko ang---" natigilan ulit si Senyorita Maria nang may madaanang lubak na naman ang kalesa at sa hindi niya inaasahang pangyayari ay nangudngud bigla ang nguso niya sa zipper ng pantalon ni Thomas.

Ramdam ng nguso ni Senyorita Maria ang parteng iyon ng pagkatao ni Thomas. Dalawang beses namang gumalaw ang adams apple ni Thomas nang maramdaman niya sa parteng iyon ng pagkatao niya ang nguso ng Senyorita.

*  *  *
NANG makarating na nga sila sa baybayin ng Pueblo'y sinalubong sila ng mga mangingisda't pati na ang mga pamilya nito.

     "Kami'y nagagalak at kayo ang dumating!" nakangiting ani Lolo Gancio nang nilapitan sila ni Thomas at Senyorita Maria na kakababa pa lang sa kalesa.

Memento Mori: A Love Story from 1804Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon