Chapter Two: Big Revelation

9 1 0
                                    

"I told you hundred times! Don't go to Modrus! When will you obey me Chrisiana?!" Pagpapagalit sa kanya ng kanyang nakakatandang kapatid.

Nanatiling nakayuko si Chrisiana, iniiwasan niya ang mga matatalim na titig na itatapon sa kanya ng kanyang kapatid.

Talo pa nito ang mga magulang sa pagpapangaral sa kanyang kapatid.

"Tama na yan Christian, at ikaw naman Chrisiana, pumunta ka na sa kwarto mo," maumanhing tugon ng Reyna sa kanila.

"But mom-" bigkas ni Christian na pinutol naman ng kanyang ina.

"No buts! You're being hard on your sister," pagpapaliwanag ng ina sa anak na lalaki habang tinitingnan ang papalayong bunso para pumasok sa kwarto nito.

"She should act like a lady mom! Not like a boy! She always gets Dad's sword and play with it!" Sabi nito sabay hilot sa sentido nya.

Labing limang taong gulang pa lamang ang binata pero kung mag-isip ito ay napakamature na.

Naglabas ng buntong hininga ang ina. Sabay hawak sa balikat ng anak.

"Understand your sister. She's not old enough," sabi nito sa anak para mabawasan ang alalahanin nito.

Walang magawa ang panganay kundi makinig na lamang sa ina. Kailan pa kaya titino ang kababatang kapatid? Paglumaki na ito?

                   ---------------------------------

13 years later.....

"Kamusta si ama? Pupunta ba kami sa Sitian para sa kaarawan ng prinsesa?" Tanong ni Monroue sa kababatang kapatid na si Dia.

"Pupunta ako kuya, ewan ko na lang sainyo," sabi nito sabay naglalagay ng kolorete sa mukha.

Ika-labing walong kaarawan ng Prinsesa ng Sitian at lahat na kaharian ay imbitado lalo na ang mga kalalakihan para makita ang halos sampung taong tinago na Prinsesa, sa  di' malamang  kadahilanan.

"Si Amaia, sasama ba siya?" Tanong ulet nito sabay kumukuha ng magandang alahas para iregalo sa Prinsesa.

"Oo, pati si Ina. Kayo na lamang ni ama ang hinihintay namin," kaswal na sabi ng Prinsesa.

Mamaya pang gabi ang selebrasyon pero naghahanda na sila sa malayo-layong byahe.

"Sasama ako, kailangan kong makausap ang bagong kokoronahan na hari ng Sitian," pagpapaliwanag nito sa kapatid sabay alis para mag-ayos na ng sarili.

"Sa pangalawang pagkakataon, magkikita ulet tayo, Chrisiana,"

                  ---------------------------------

"Kamusta ang anak ko?" Sabi ng Reyna nakakapasok pa lamang sa silid ng anak na inaayusan para sa selebrasyon mamaya.

"Ina, ayoko nito! Kahit maliit na salo-salo lang ay ayos na sa akin," maktol ni Chrisiana sabay pout ng kanyang mga labi.

Tumawa lamang ang kanyang ina.

"Anak, mahigit sampung taon kang tinago at di' ipinakilala sa ibang kaharian, ngayong nasa tamang edad ka na, kailangan mo nang makisalamuha at ipakita ang iyong taglay na kapangyarihan," sabi nito sabay ayos ng buhok.

May inilabas ito na munting dyamante na kwintas at isinuot kay Chrisiana.

"Itong kwintas na ito ay ang magsisilbing proteksyon mo mula sa mga gustong kumuha ng taglay mong kapangyarihan," sabi ng Reyna sabay halik sa pisngi ng Prinsesa.

Napabuntong hininga na lamang ang Prinsesa sa sinabi ng ina.

Pagkalabas na pagkalabas ng Reyna, ay siya namang pag-iisip ni Chrisiana ng plano niya mamaya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 11, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Be DifferentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon