Chapter 5.8

235 5 0
                                    

Jasmine's POV

Namimiss ko na si Dwaine, di kasi sya nagtetext simula nung bigla syang umalis para asikasuhin yung nasirang piano. Maraming beses kong sinubukan syang tawagan pero out of coverage yung phone nya.

"Boyfriend mo?" biglang nagsalita si JP.

"Ahh. Oo, di nga sinasagot mga tawag ko eh. Di rin nagtetext." sabi ko.

"Baka busy sya sa ibang babae." biro nya.

"Di nya yun magagawa, kasi mahal nya ako."

"Sabi mo eh."-JP. Bakit ganyan sila parang hindi sila naniniwalang mahal ako ni Dwaine. Basta, I trust him. Wala ulit kaming imikan, at parang ang layo naman ata ng pupuntahan namin. Konti na lang kasi ang mga bahay tapos bato bato na yung daan. Tinignan ko sya.

"Malapit na tayo." sabi nya. Wala pa akong sinasabi ah.

Ilang sandali pa huminto na yung kotse. O___O I'm flabbergasted! Ang ganda, sobra! Para syang napabayaang palayan kasi yung buong paligid nya napalibutan ng mga maliliit na damo. Sa medyo gitna may malaking puno ng acasia tapos may mga wildflowers.

Agad kong lumabas ng kotse dala yung camera ko. Sinubukan kong kumuha ng litrato ng buong paligid, ang ganda kasi talaga. Hindi na rin namin proproblemahin yung lights kasi maliwanag dito.

Pero napansin kong naging maging malungkot na naman si JP. Ano bang meron sa lugar na ito? Kanina kasi hindi naman sya ganyan, nakukuha pa nga nyang magbiro. Mysteryoso talaga tong lalakeng ito.

Nauna na syang naglakad papunta sa malaking puno dala yung camera nya. Nagdala din sya ng camera para di na sya manghiram sakin, nasanay na daw kasi sya sa camera nya. Sinundan ko lang sya, medyo basa pa yung mga damo dahil sa hamog. Buti na lang talaga sinabi ni JP na magflats ako. Naglatag muna sya ng plastic saka dun nya binaba yung mga gamit nya.

"Simulan na natin para maaga tayong matapos." sabi nya.

"Pwedeng ikaw na lang muna kunan ko? Di kasi ako sanay sa ganito." inamin ko na, alangan namang magmagaling ako tapos yung mga makukuha nyang litrato pangit.

"Walang problema." tipid nyang sagot.

Lumapit sya sa puno kasa sumandal. Kinunan ko agad sya. Pagtingin ko ang ganda nga ng register ng mukha nya sa camera. Pero mamaya ko na tititigan, kailangang ng maraming shots para maraming pagpilian.

Sa bawat kuha ko ng litrato, lahat mukhang editorial, feeling ko para akong professional photographer! Yung mga kuha kasi parang yung mga nakikita sa mga magazines! Pero hindi naman ako makakakuha ng ganun kung di magaling yung model. Si JP ang parang totoong model, ang gaganda ng body language nya. Pero sa lahat ng pictures na nakuha ko, iisa lang ang aura, malungkot.

Tingin ko marami narami na kaming choices. Kaya ako naman ang sumabak para magpose.

Ginagaya ko yung mga pose kanina ni JP, pero parang wala. Natatawa na nga si JP, ano ba tong kahihiyang ginagawa ako? Kaasar naman, mas magaling pa syang magpose kesa sakin. Lumapit na sya.

"Relax lang, nahahalata yung tension sa mga litrato mo. Be confident, tayo lang naman ang nandito kaya wag kang mahiya." sabi nya. Ganun ba kahalatang kinakabahan ako? Okay, susundin ko yung payo nya.

"Pwede mo ding ipakita yung bone structure mo. To do that, just tighten your jaw, then chin up. Come on try it."

Ginawa ko namam tapos pinicturan nya at ipinakita sakin. Oo nga parang iba nga yung hugis ng mukha ko. Nakakatuwa!

"Kailangan mo ding magcreate ng spaces. Example, if you put your hands on your waist make sure there are enough spaces inside such that if there's a bird in your background it is still visible."

"Di mo kailangang ngumiti in every picture. Sometimes you have to 'smize'. Smile with your eyes. Like this." sabi nya tapos may ginawa syang kakaiba sa mata nya, ang ganda. Sinubukan ko din syempre minsan minsan na lang may lalakeng magturo ng 'modelling 101'.

"More," ang hirap ah, naduduling na ata ko. "Yeah, that's it. Now let's continue." sabi nya. Naging confident na ako this time.

"Stretch your neck, put a little tension then relax, great." para akong model talaga.

"Last frame." sabi nya. Pagkatapos nun umupo sya sa damuhan, napagod siguro, kasi maging ako pagod. Umupo ako sa tabi nya.

"Oh crap, nakalimutan ko yung tripod!" sabi nya habang tinatapik yung noo nya. Oh my ako din pala nakalimutan ko. May picture pala dapat kami as 'couple' so pano namin gagawin yung kung walang tripod. Haay.

"Ako din nakalimutan kong dalhin. JP nagugutom na ako may pagkain ka ba dyan?" sabi ko. Gutom na kasi talaga ako eh.

"Wala eh, yun yung isa ko pang nakalimutan, nagluto pa mandin ako. Teka anong oras na ba? 12:28."-JP. Nagluto sya? Wow at ganun ba ako katagal nakatayo.

"Since di natin makukunan yung couple thing na yan, balik na tayo." aya nya. Dinampot lang namin yung gamit at bumalik na.

Dumaan muna kami sa isang convenience store para bumili ng pagkain.

"Anong gusto mo"-JP. Ikaw gusto ko. Haha.

"Siopao yung asado."inabot nya sakin yung isa. Naaalala ko kasi yung pisngi nya sa siopao.

"Pwede bang 'pao' na lang itawag ko sayo, since 2nd name mo naman ang Paolo?"

The Masked PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon