Isabel's POV...
"Mommy bat hindi po natin ginising si Mama?" Nagtatakang tanong ni Ysabelle habang naglalakad kami papunta ng kwarto niya.
Gaya ng nakasanayan maaga ko siyang aasikasuhin para maaga din akong maka-alis.
"Ahmm... Kasi si Mama pagod sa work nakita mo naman kagabi diba? Kaya ako na muna ulit mag-asikaso sayo kasi maaga akong papasok sa office alam mo naman diba?" Tugon ko habang abala ako sa pag-aayos ng mga gagamitin niya para sa pagpasok sa school.
"Mommy?" Tawag ulit nito sakin.
"Hmm?"
"If humiling po ba ako ng Baby sister or Baby brother kay Papa God bibigyan po kaya niya ako?" Inosente nitong tanong.
Hindi naman na ako nagulat sa ganyang tanong niya dahil alam ko sa mga ganyang edad gusto na nila magkaroon ng bagong kapatid.
"Hmm.. Bakit Baby gusto mo naba magkaroon ng kapatid?" Tugon ko.
"Opo Mommy! Gustong gusto ko na po. Kung pwede nga lang po siyang iwish darating na birthday ko magbloblow ako ng maraming candles matupad lang yun" Masayang sagot nito.
Kita ko naman sa mga mata niya ang saya kung kasaling magkakaroon nga ito ng kapatid
Hindi naman na ako umimik sa sinabi nito. Ang hirap kasi ng hinihiling niya lalo pa't hindi naman talaga namin kayang makabuo ng anak ni Diana.
"Be a good girl muna Baby.. Malay mo makita ka ni Papa God na good girl ka at igrant ang wish mo diba? Pero sa ngayon kelangan mo ng maligo, come on para hindi ka malate sa school" Saad ko nalang.
Mabuti naman hindi sumunod na ito at hindi na tinanong ang sagot ko sa sinabi nito.
"Babe? Ang aga mo naman atang inasikaso si Ysabelle" Puna ni Diana habang nasa may pinto ito at halatang kakagising lang.
"Ahh.. Oo maaga ko na siyang aasikasuhin kasi kelangan ko ding maagang pumasok ngayon nagtext sa akin ang secretary ko kanina may kikitain kaming client ngayon umaga" Pagdadahilan ko.
Kahit wala naman talaga akong kikitain client ngayon. Palagi kasi akong dumadaan sa condo ni Jan para ipagluto ito ng breakfast. Kaya kelangan kong maagang umalis dahil pag nalelate ako ng alis na papa-drive thru nalang ako tapos sabay na kaming pumapasok sa opisina.
"Ahh ganun ba. Maaga narin pala akong papasok gusto mo ihatid na kita sa pupuntahan mo" Aya nito.
No! Hindi pwede baka mabuko pa niya ako.
"Hindi na Love.. Magkaiba tayo ng daan diba? Baka maipit ka sa traffic pabalik at malate" Tugon ko.
"You sure? Okay lang naman malate ako ngayon eh. Basta mahatid lang kita" Sagot pa niya.
"Bakit ba ang kulit mo? Sinabi ko ngang ayaw kong magpahatid diba? May kamay at paa naman ako at kaya ko rin naman magmaneho. Bakit kelangan mo pa akong ihatid" Naiinis kong sabi.
Nagulat naman ito sa sinabi ko maski ako nagulat din. Dahil hindi naman ako ganito noon gustong-gusto ko pa nga noon na hinahatid niya ako sa opisina bago siya pumasok.
"I--I'm sorry" Saad ko.
Tumingin lang ito sakin kita ko sa mga mata nito ang lungkot pero agad din niyang tinago yun noong ngumiti siya.
BINABASA MO ANG
I'm not the only one (ToLine)
FanfictionHindi sa lahat ng pagkakataon masaya ang buhay mag-asawa. Dadaan at dadaan kayo sa mga pagsubok na kung saan masusubukan ang pagmamahal at tiwala niyo sa isat-isa. Pero paano nalang kung isang araw biglang nalang nagbago ang lahat? Ang dating maini...