35th Chapter

59 0 0
                                    

Sheremee's POV

Hindi ko alam kung ano gagawin ko, hindi ko alam kung ano ang uunahin ko. Si Roen ba o si Saab?

Patuloy parin ang pagbugso ng ulan, basang basa ako at puro putik.

Lumapit sakin ang Ama ni Saab at hinitak ako sa braso patayo. Galit na galit ito, tila nagaapoy ang mga lisik sa mata nito at nanginginig sa galit. Sino bang hindi magagalit? Lahat ng magulang kahit sino o ano pa man sila ay ganun ang mararamdaman kapag namatay ang anak nila dahil sa isang walang kwentang tao.

Hinitak niya ko at galit na hinawakan sa leeg. Alam kong gusto niya kong patayin pero hindi niya magawa dahil sa sakripisyo na ibinigay ni Saab. Hindi ako galit sa ginagawa niya, dahil wala akong ibang maramdaman kundi sakit, wala na si Saab, bakit siya pa yung nawala? Bakit di na lang yung dapat sa simula pa lang?

Hinawakan ko ang kamay nito at tinignan siya sa mata. Itinaas niya ako sa ere hanggang sa hindi na nakatapak ang mga paa ko sa lupa.

Pero wala akong pakielam. Nanghihina na rin naman ako at di na makakalaban.

"Ibalik mo siya..." iyak ko,

"Okay lang sakin. Maiintindihan naman ni Sage...."

Lumambot ang ekspresyon nito.

"Hinihiling mo na mabuhay ang mga anak ko?"

Hindi ako sumagot, matamlay lang akong nakatingin sa kanya.

"Hindi na pwedeng ibalik ang nagawa niya. Gusto man kitang paslangin hindi ko magagawa dahil ikaw ang napiling mahalin ng anak ko." sabi nito at ibinaba ako sa lupa,

"Pero babawi ako, si Sage ang magiging kapalit ni Saab. At ikaw, hindi ko hahayaang maging payapa ang katawang ibinigay sayo ng mga anak ko. Ibabalik ko ang paghihirap mo ala-ala sa paghihirap at sakripisyo sayo ni Saab"

Tinalikuran niya ko at dinampot si Sage. Hindi ko alam kung ano ang ginagawa nito.

Nanginginig parin ako, at hawak ko parin ang puso ni Sage.

Hinarap niya ko ulit at hinawakan ang tiyan ko.

"Ipapangalan mo ito sa namayapa kong anak." tumayo ito, at naglakad palayo.

Nabigla ako sa sinabi niya.

Bago pa ko makatayo para habulin siya ay bigla na lang may mainit na ewan akong naramdaman ko kanang kamay ko, pakiramdam ko nagaapoy ang kamay ko!

Inangat ko ang kamay ko at nakitang may marka ako pulso. Mga numero IVIIIVIIXII.

"Mag-iingat ka. Sheremee." sabi nito at naglaho sa dilim.

Sumunod naman ay si Sin dala niya sa balikat ang katawan ni Saab at naglaho na rin kasama ng kanyang ama.

Naiwan akong nakatingin sa kanila.

Ngayon ko lang napag-isip isip ang sinabi ng Ama ni Saab.

Napahawak ako sa tiyan ko.

Buntis ako. At kay Saab ko ipapangalan ang bata.

~*~

Sage's POV

"Hayyyy!!!! Nakakapagod!" sabi ni Seth at nag-inat,

"Napagod ka wala ka namang ginawa, si Sage lang ang humabol dun ah!" - Levin

"Ang hirap kayang habulin nila Sage! Try mo!" - Seth

Claiming Your Heart Sage VillangcaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon