The Devil's Angel Lover

16 0 0
                                    

The Devil's Angel Lover

His

Nakatitig siya sa akin. Nangugulila ako sa yakap niya.

Gusto ko siyang hawakan.

"Lumayo ka sa akin. Kung gusto mo bumalik sa langit, bumalik ka na. Hindi na kita kailangan dito."

Namula ang mga mata niya. Kinagat niya ang labi para harangin ang mga luhang nagbabadyang tumulo at pinipigilan nito ang panginginig ng kamay.

"Hindi naman ako babalik pag pinigilan mo ko ngayon. Maintindihan din naman nila iyon eh. Mahal kita Devil. Wag mo naman ako ipagtabuyan. Okay naman tayo ah. Ba't nagbago ka?"

Kasi... natatakot ako Yana.

"Diba't alam mo na isa akong masamang nilalalang? Alam mong marami na kong naloko at nasaktan. Pero ikaw itong nagpapakatanga sa akin."

Napunta sa sahig ang mga mata niya. Nilagay nito ang kanang palad sa bibig, pinipigilan ang hikbi.

"Ma...mahal mo ko Devil. Narinig kita. Alam ko." Tiningnan niya ko. Nagmamakaawa ang mga mata nito.

"Umalis ka na Yana. Kung mayroon ka pang natitirang dignidad sa sarili mo, umalis ka na."

Ako na ang naunang talikuran siya. Hindi ko na kayang saksihan pa ang mga luhang patuloy na rumaragos sa mata niya. Kahit na labag na labag sa loob ko ay tinalikuran ko ang babaeng alam kong nag-iisang nagpapasaya sa akin.

16-Oct-2017

The Devil's Angel LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon