***
Naalala mo pa ba? Noong una tayong nagkita? Diba sa park yun umiiyak ako nun kasi inaaway ako ng mga kaklase ko nun. Mga bata pa tayo nun at andun ka binigyan mo nga ako ng panyo at pinatahan mo ko nun. Binilhan mo pa nga ako ng ice-cream diba? Alam mo masaya ako nang mga panahon nayun kasi kahit bago palang tayong magkakakilala kino-comfort mo parin ako, ang gaan nga ng loob ko sayo eh.
Hanggang sa dumating ang araw na lagi tayong nagkikita sa park. Naging close tayo sa isa't-isa naglalaro pa nga tayo noon ng tagu-taguan, nagkwekwentuhan pa nga tayo nun ang saya nang bawat araw natin noon. Hindi ko nga makakalimutan ang araw na naglaro tayo ng kasal-kasalan diba? Na sinabi mo pa nga na ako ang papakasalan mo pag laki natin. Na ako ang gusto mo'ng makasama habang buhay?
Unang araw ko sa highschool akala ko katulad parin tayo nang dati pero hindi pala. Iba na kasi ang buhay kapag nakatuntong kana sa highschool nabawasan na ang oras nating dalawa naging busy na kasi ako sa pag-aaral at ikaw rin diba. Naalala mo pa ba yung time na anniversary natin bilang mag friendship pero hindi ako nakapunta sa park, sa lugar na pagkakakitaan natin?
Pumunta nalang ako noon nung weekends at nandun ka nasa swing at mukhang malungkot tinanong nga kita noon ko bakit? Hindi ka umimik nun pero alam mo ba na alam ko na kung bakit. Kasi nagtatampo ka na hindi na tayo madalas nagkikita tyaka lalo na yung hindi ko pagsipot sa importante'ng araw natin. Pero sinabi ko naman sa iyo ang sitwasyon ko kaya naging okay narin tayo. Nung araw nga nun pinangako natin sa isa't-isa na walang iwanan kahit mabawasan ang oras natin sa isa't-isa. Na nangako tayo na sabay nating harapin ang ating mga pangarap na magkasama.
Araw nang mga puso maaga akong pumunta sa school para maka pag participate sa mga activities at para narin maaga akong makapunta sa park. Alam mo nung pagpasok ko palang sa classroom ang daming nagbigay ng bulaklak sa kin noon, meron ngang iilan na nanligaw sa akin pero alam mo ba hindi ko sila sinagot kasi alam ko na pag nangyari yun mawawalan ako nang oras para sayo kaya ayaw kung pumasok sa isang relasyon kasi gusto ko ikaw ang makasama ko kung saka-sakali man.
Noong pumunta ako sa park hindi ko talaga inaasahan ang nakita ko isang napaka gwapong nilalang alam mo ba kung sino yun? Oo ikaw yun. Ang akala ko nga nakakita ako ng anghel. Ngayon ko lang na-appreciate ang kapogihan mo. At ang hindi ko pa inaasahan ay yung mga katagang binitawan sa'kin. Na gusto mo ako at nagpaplano ka'ng manligaw sa'kin,
Alam mo ba'ng ang saya ko noon kasi kung hindi mo alam may lihim na pagtingin ako sayo. Kaya hindi ko talaga maiiwasan ang mapangiti ng abot tenga. Binigyan mo nga ako ng heart shape na chocolate at teddy bear diba? Simula nang araw nayun ang saya-saya ko na, hindi matanggal tanggal yung mga ngiti ko. Nag silibi ka'ng insperasyon, mas naging pursigido ako sa pag-aaral kasi gusto ko na kahit papano may maipag mamalaki ka sa'kin.
BINABASA MO ANG
Broken Promises
Short StoryHuman are fragile creatures made up of broken hearts and broken promises.