Chapter 37-Supportive Family and Best Friend

12 0 0
                                    


"Bye, Majoy! See you on Monday!" Masiglang sabi sa kanya ni Shanen. Bumeso muna ito sa kanya bago sumakay ng shuttle pabalik sa opisina nila.

"Enjoy sa joyride!" Bumeso din sa kanya si Vanessa at kinindatan pa siya bago sumunod sa kaibigan nila.

Napa-kamot siya sa pisngi niya nang mapansin niyang halos lahat ng empleyado ay naka-sakay na sa shuttle, ilang minuto na lang ay aalis na ang mga ito. Tumingin siya sa bintana ng shuttle kung saan naka-pwesto ang mga kaibigan niya. Kinawayan siya ng dalawa ng makitang naka-tingin siya at gumanti siya ng kaway sa mga ito.

Mas excited pa sila kaysa sa 'kin. Natatawang sabi niya sa sarili.

"Hey." Napa-igtad siya ng sundutin ng binata ang baywang niya na ikinatawa nito. "Ingat kayo sa biyahe."

"Kayo--"

"Calvin! Aalis na tayo!" Bago pa siya maka-sagot sa binata ay nagpaalam na agad ito sa kanya. Tumango nalang siya bilang tugon at kinawayan ito. May ilang mga matang naka-tingin sa kanya habang umuusad ang shuttle, marahil ay nagtataka ang mga ito kung bakit hindi siya sumabay sa mga ito.

Umupo siya sa upuang gawa sa kawayan at naghintay ng ilang minuto bago huminto ang kotse ni Aki sa harap niya. Nagpa-alam ito sa mga kasama nila na mauuna na itong umuwi pero ang totoo ay hindi naman talaga ito lumayo sa resort, iyon lang ang pinalabas nito upang hindi mas lalong pag-usapan.

Alas dos na ng madaling-araw ng mag-hiwalay sila kagabi ng binata. Malinaw na sa kanya na matagal na siyang gusto nito at natutuwa siyang isipin na matagal na siya nitong hinihintay na maging nobya.

Haba ng hair mo, girl! Napa-bungisngis siya sa naisip ngunit dagli niya iyong binura nang bumaba ng kotse ang binata.

"Let's go?" Tumango siya. Bago pa niya makuha ang gamit niya na naka-lapag sa sahig ay naunahan na siya nito. Inilagay nito sa backseat ang bag niya bago siya pinag-buksan ng pinto.

"Ang gentleman niyo naman po." Tukso niya rito. Bahagya itong natigilan at nag-iwas ng tingin sa kanya pero hindi niyon naitago ang bahagyang pamumula ng pisngi nito.

"Oh my! Are you blushing?" Hindi niya alam na posibleng mamula ang mukha ng binata dahil lang sa simpleng pag-tukso niya rito.

"I'm not." Seryosong sabi nito ngunit nag-niningning naman ang mga mata. Hindi na niya ito pinilit na umamin, natatawa nalang siyang umupo sa passenger seat.

"Siguro before lunch nasa bahay na tayo." Sabi nito nang maka-upo ito sa driver's seat.

"Okaaay." Tinakpan niya ang bibig nang hindi niya mapigilang mapahikab. Alas siyete palang ng umaga.

Nang mag-hiwalay sila kagabi ng binata ay hindi naman agad siya naka-tulog, paulit-ulit na nag-lalaro sa isip niya ang eksena kung saan magkayakap sila nito. Para siyang naka-lutang sa alapaap.

Kaya ang resulta, inaantok siya ngayon dahil ilang oras lang siyang naka-tulog. Pag gising nga niya kanina ay naka-ayos na si Maggie at handa na itong umalis. Sinundo ito ng boyfriend nito.

"Matulog ka na muna habang bumabyahe tayo." Naka-ngiting sabi nito bago pinaandar ang makina ng sasakyan. Muli siyang napahikab dahil sa sinabi nito. Antok na antok pa siya.

"Sigurado ka? Baka mainip ka." Pinipilit nalang niyang imulat ang mga mata habang hinihintay ang sagot ng lalaki.

"Ayos lang sa 'kin, magpa-hinga ka muna." Humarap ito sa kanya at nginitian siya, hindi niya mapigilang suklian ang ngiti nito para iyong candy sa tamis, nahahawa siya.

"Okay, sige. Mag-iingat ka sa pagmamaneho mo." Tumango ito at bago siya pumikit nang tuluyan ay palabas na sila ng main road.

Naalimpungatan si Majoy nang maramdaman niyang nakatigil ang sasakyan, dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata at tumingin sa labas ng bintana. Nakarating na nga sila sa bahay nila. Tiningnan niya si Aki ngunit wala ito sa tabi niya, tiningnan din niya ang mga gamit niya ngunit wala na rin iyon sa backseat. Malamang ay inuna ng binatang ipasok ang mga gamit niya bago siya gisiningin.

Because I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon