Lolo Tasyo P.O.V
"Wow!! Lolo Tasyo ang ganda naman ng mga paintings" sabi ni Lisa. Ang nangungulekta ng mga paintings ko.
"Siyempre ayaw kong madismaya ka"
"Si Lolo talaga....siya nga pala ito po ang bayad para sa first batch ng paintings niyo Lolo"
"Salamat talaga Lisa...malaking tulong na ito para sa gastusin sa bahay"
"Wala po yun Lolo. Ang swerte niyo nga po Lolo kasi may mga apo kayong mababait, masipag, at matatalino pa. Sana nga po magkaroon din ako ng ganyang mga anak kagaya ng mga apo niyo. Inggit nga rin po ako sa kagandahan nila ehh" natatawang sabi ni Lisa.
"O sige na...pagpalain ka sana ng maykapal"
"Sige po Lo...maraming salamat po ulit. Isama niyo rin po minsan ang mga apo niyo" masayang sabi ni Lisa at tumango naman ako.
"Ingat po kayo Lolo" sabi ni Lisa at umalis na siya.
Habang pauwi na ako sa bahay may nakita akong isang babae na nakatayo malapit sa bahay namin, agad naman akong lumapit sakanya.
"Ah...iha may hinahanap ka ba?" tanong ko sa babae
"Ah opo...may kilala po ba kayong Tasyo Mendosa? Kasi po may kailangan lang po akong sabihin sakanya. Importante lang po talaga" sagot ng babae
"Ah iha...ako si Tasyo Mendosa"
"Talaga po!!...salamat sa diyos at nakita ko rin kayo"
"Ano ba yung sasabihin mo sakin?"
"Ahm...pwede po bang sa loob nalang tayo mag-usap kasi napakaprivate po kasi"
At pumasok na kami sa loob ng bahay.
"Iha maupo ka muna. Ikukuha lang kita ng tubig" at pumunta na ako sa kusina
"Ito oh..uminom ka muna" pag-aalok ko sakanya.
"Maraming salamat po"
"So ano nga pala ang sasabihin mo sakin"
"Wait lang po Lolo magpakilala po muna ako sainyo. Ako nga pala si Eunice at andito po ako para sabihin sa inyo na kailangan niyo na pong bumalik sa Maynila. Para po sa mamanahin ng anak nina Master Yuu at Master Raa" sabi ni Eunice
"Alam kung nag-alala kayo sa kaligtasan ng mga apo niyo. Pero ito na po yung tamang panahon para ibalik ang Saami Gangster. Bukod sa kanilang mamanahin nakasalalay sa kanila ang pagbabalik ng Saami Gangster. Marami po ang naniniwala na maibabalik nila ang grupo" dugtong ni Eunice. At hindi agad nag-sink in sa utak ko yung sinabi ni Eunice.
"Sa pagkakaalam ko nung namatay sina Albert at Armand ay nagkawatak-watak na ang Saami Gangster"
"Nung namatay po sina Master ay marami pong gustong maghiganti para sa kanila. Pero napag-isipan nalang po nilang manahimik para sa pagdating ng panahon ang Legendary Gangster ang papatay sa Al Capone Gangster" paliwanag ni Eunice
"Sina Norman, Marcos at Samuel nasaan na sila?"tanong ko kay Eunice
"Kasalukuyan po namin silang hinahanap. At hanggang ngayon ay hindi po namin alam ang kanilang kinaroroonan. Pero wag po kayong mag-alala hindi kami titigil sa paghahanap"sagot ni Eunice
"Sino naman ang nagpadala sayo dito?"
"Ang kanang kamay po ni Master Yuu at Master Raa sina Ms. Curbia at Ms. Dano po"
"Paano naman kayo nakakasiguro na kapag nabuo ang LG ay mas lalong lalakas ang Saami"
"Dahil nasa dugo na po nila ang pagiging malakas"
"Pero, nag-aalala parin ako sa kaligtasan ng aking mga apo"
"Wag kayong mag-alala bago paman namatay sina Master ay ipinangako namin sa kanila na poprotektahan namin ang kanilang mga anak kahit anong mangyari"
"Yung mamanahin nila?"tanong ko
"Ililipat na po namin sa kanila dahil, nasa tamang edad na sila yun po kasi ang sabi nina Master. Atsaka po Lolo sa Aristolelian University na po sila mag-aaral pagdating po nila sa Maynila"
"Haaay....sige pag-iisipan ko muna ang sinabi mo"
"Ikagagalak po namin ang pagbabalik niyo Master Tasyo" nakangiting sabi ni Eunice
"Sige po mauna na po ako. Babalik nalang po ako bukas" sabi ni Eunice saka tumayo
"Sige pakisabi nalang sakanila na maraming salamat at hindi sila sumuko para maibalik ulit ang Saami" tumango naman si Eunice. At hinatid ko na siya sa labas.
Anong gagawin ko karapatan din ng mga apo na mapasakanila ang kanilang mana. Napabuntong hininga nalang ako. At nagflashback ang pangyayari nung pinaslang sina Albert, Armand, Norman, Marcos at Samuel. Kasama ang kanilang mga asawa at anak.
*Flashback*
Masaya at excited na pinagplanohan nina Albert, Armand, Norman, Samuel, at Marcos ang kanilang beach vacation. Dahil gusto nilang bigyan ng oras ang kanilang pamilya dahil sa pagiging busy sa kanilang companya. Bukod pa roon ang pagiging Master nila sa Saami Gangster.Silang lima ang namamahala sa Saami. Pinipigilan nila ang mga underworld transaction kaya marami silang naging kaaway. At kahit anong gawin ng kanilang mga kaaway ay hindi parin nila kayang patumbahin ang Saami.
Subalit ang masayang bakasyon ay nauwi sa karumal-dumal na pangyayari. At dahil dun ay namatay sina Albert at ang kanyang asawa na si Iris, namatay din sina Armand at ang asawa nitong si Hyacinth. Samantala sugatan naman sina Samuel, Marcos, at Norman pati narin ang kanilang mga asawa.Limang taong gulang palang nuon si Yumi pati ang anak nina Mery at Marcos. Samantala si Samara at ang anak nina Norman at Alice ay tatlong taon pa lamang. At isang taong gulang palang ang anak nina Samuel at Verbena. Sa araw na iyon ay marami ang nalungkot dahil sa pagkamatay ng kanilang Master.
Lumipas ang isang buwan napagdesisyonan nina Norman, Samuel at Marcos kasama ang kanilang anak at asawa na pumunta sa ibang bansa upang doon na tumira at para narin sa kaligtasan ng kanilang pamilya. Samantala naiwan naman sakin ang anak nina Armand at Albert. Napagdesisyonan ko rin na ilayo ang mga bata para narin sa kaligtasan nila.
Masakit man isipin na ang limang matatalik na magkaibigan ay mawawala lang dahil sa isang pangyayari. Kasabay nang pag-alis nila ay siya ring pagwakas ng Saami Gangster.
*End of Flashback*
Lingid sa kaalaman ng iba ay buhay parin ang negosyo nina Armand at Albert. Hindi rin alam ng mga Al Capone na buhay rin ang anak nina Armand at Albert pati narin ang pamilya nina Norman, Samuel at Marcos.Hindi ko pa pala nasasabi sa inyo na silang lima ay mga estudyante ko nuon at may iba't-iba silang katangian. Si Albert Fuchsia siya ang leader sa kanilang lima, lahat ng moves tungkol sa martial arts ay alam niya at may mga moves siya na tanging siya lamang ang makakagawa nun. Kaya hindi maipagkaila na namana iyon ni Yumi.
Si Armand Furez pangalawa sa pinakamalakas, siya yung tinatawag na Gun Master lahat ng uri ng baril ay kaya niyang gamitin. At lahat ng target niya ay for sure bulls eye kahit gaano kalayo ay kaya niyang tamaan.Namana rin iyon ni Samara.
Norman Brython siya naman ang pangatlo, tinatawag siyang Gadgets Master lahat ng uri ng gadget ay kaya niyang gawin malaki man o maliit. Sigurado akong namana rin iyon ng kanyang anak.
Samuel Coleridge magaling siyang magdefuse ng mga bomba kaya tinatawag siya Bomb Expert. Nakakasigirado ako na namana rin iyon ng kanyang anak.
Marcos Jocund pang-lima, tinatawag siyang Computer Manipulator dahil sa alam niya ang lahat ng pasikot-sikot sa computer. Namana rin siguro ng kanyang anak ang kanyang kakayahan.
Alam kung ang tinutukoy nilang Legendary Gangster ay ang anak nina Albert, Armand, Norman, Samuel at Marcos. At silang lima ang nakatakda na makakatalo sa Al Capone Gangster.
YOU ARE READING
LEGENDARY GANGSTER (War between LOVE and Hatred)
ActionPrologue There are times when we must be hurt in order to grow, we must lose in order to gain, because some lessons in life are best learned through pain. Love is a language spoken by everyone but understood only by heart and love makes anything pos...