PIRASO NG PAPEL
"Mga paasa talaga mga lalaki." bulong ko sa sarili ko habang naglalakad papuntang sakayan. "Mga paasa.." dugtong ko, "Mga paasa..." pag-uulit ko at inulit ko ng inulit hanggang sa tumulo na 'yung luha ko. Huminto ako saglit dahil hindi ko na makita ang dinadaanan ko. Tsaka ko pinunasan 'yung pisngi ko at biglang may nakabangga sa akin.
"Sorry." mabilisang pagpapaumanhin nito. Wala akong panahong makipagtalo kaya para di ko ito mapagbuntungan ng galit ay naupo na lang ako sa waiting shed. Iyak na lang ako ng iyak na parang nagmukha akong naghilamos. Sobrang sakit kasi na mapaglaruan ka ng isang lalaki, hindi naman kasi masakit kung kilala mo lang sa tabi-tabi 'yung lalaking 'yon eh, pero kasi 'yung masakit yung pinahulog niya pa ako lalo sa kanya. Na dahil alam niyang gusto ko siya, anlakas ng loob niyang pahulugin pa ako sa kanya.
"Mga manloloko talaga kayong mga lalaki.." bulong ko pa nang hindi ko na makaya. Wala akong mapagsabihan ng mga problema ko. Sa totoo lang may kaibigan ako pero wala akong best friend. Itinuturing ko silang kaibigan pero hindi ko alam kung sila ba ay itinuturing ako. Ayoko na madagdagan ang himutok ko, next time ko nalang ibabalandra 'yan.
"Kailangan mo yata nito." napatigil ako sa pag-iyak kaya kahit wala akong kasiguraduhang ako nga ang kinakausap niya iniangat ko pa rin ang ulo ko, kinusot ko ang mata ko at nagtaka kung bakit papel ang binigay niya.
"A-anong g-gagawin k-o r-ri-to?" tanong ko sa gitna ng pagsinghot ko. Pero hindi niya ako sinagot kundi ibinigay niya pa 'yung ballpen niya na galing sa bulsa niya.
"Mas maganda siguro kung isusulat mo nalang 'yan." sabi niya at tsaka umalis. Sinundan ko ito ng tingin hanggang sa pagsakay niya ng jeep. Hawak-hawak ko pa rin ''yung ballpen at papel na ibinigay niya sa akin. Ibinaling ko ang tingin ko sa papel at tsaka ulit bumalik 'yung luha ko sa mata ko. At maya-maya pa ay tumulo na ito dahilan para mabasa 'yung papel. At agad akong nagsimulang magsulat, niliitan ko pa ito para lang magkasya. Isang piraso lang kasi ito at nakatupi pa.
Matapos ang ilang oras ay humupa na ang luha ko. Pinunasan ko ang mga hindi natuyo sa pisngi ko at sa may bandang ibaba ay may space pa. Siguro sapat na ito para matandaan ko ang petsa ngayon at sa kung sino ang nagturo sa akin na isulat ko. '02-06-14, you made me well.' Itiniklop ko na ulit ito at agad na ibinulsa. Sa mga oras na ito narealize ko na hindi dapat ako umiiyak sa mga lalaking hindi naman talaga ako minahal.Dalawang buwan matapos mangyari ang mga pangyayaring 'yon. Nagkaroon ulit ako ng gusto sa isa sa mga kaklase ko. Inilihim ko lang ito at palagi lang siyang tinitignan pero hindi ko akalaing one time, sinabi niya rin sa akin na gusto niya rin daw ako. Unexpected.
Pero after ng ilang buwan. Katulad ni Jeremi, nang-iwan din siya bigla. Siguro nga immune na ako sa mga lalaking masayang pinaglalaruan ang damdamin ng mga babae. Na matapos kang pahulugin ng sobra eh, bigla na lang iiwan.
Umupo akong tulala sa waiting shed, nakatingin lang ako sa kawalan. Pero naudlot ito ng namuo na 'yung luha ko. Naalala ko 'yung lalaking nagturo sa akin, kumuha ako ng kahit anong notebook na mapagsusulatan ko. At gamit ang ballpen na ibinigay sa akin nung lalaki ang ginamit ko na kinuha ko pa sa secret pocket ng bag ko.
Nagsimula akong magsulat. Siguro ganito lang talaga ako, mabilis akong mahulog at umasa. Dapat kasi sinasabi nila ng mga maaga sa akin 'yung nararamdaman nila para hindi na ako umasa pa. Lagi namang ganito ang nangyayari eh, lagi akong naiiwan sa ere. Nakakaenjoy bang paglaruan ang damdamin ko?
Pinipilit kong hindi humagulgol at hindi maglabas ng ingay kaya nanghihina na ang mga kamay ko at nabitawan ko na ang ballpen na hawak ko. Hindi ko narinig ang paghulog nito sa lapag marahil siguro sa ingay sa paligid. Singot lang ako ng singot at tuloy-tuloy pa ring ang pag-agos ng luha ko. Punas lang ako ng punas sa mga luha kong nagsisibagsakan nang may narinig akong nagsalita.
BINABASA MO ANG
"Piraso ng papel"
Teen FictionIniabot niya sa akin ang pirasong papel na nakatiklop at iniabot ko rin ang akin..