Twelve midnight, nung lumabas si Sandy ng Function Hall para bumalik sa hotel room. That time nakaserved na ang mga pagkain sa table, and still Kevin is not around.Sayang, hindi nya man lang nakita ulet ang crush nya na may suot suot nang sash before sya umalis sa party. Prince of Mass Com ang nakasulat doon, ito daw ang palagi nilang ilalagay everytime na may activity sila related sa contest.
Pirmi itong nakasuot if ever na may shoot or di kaya during the Faculty tour if pwede nang mangampanya for the popularity votes. Ito na din ang nakakabit sa kanila sa mismong event ng competition.
Sayang talaga kasi after daw kumain start na ng party party, sayawan na at live band till dawn. Yun sana ang pagkakataon para maisayaw sya ni Kevin, pero wala talaga eh, gusto nya munang ilapat ang likod nya at gumawa ng tulog.
Kainan muna kaya pahinga pansamantala ang entablado. Nasa backstage lang daw ang BSS, si Darlene, pati si KC na Campus Queen. Siguro magkakasama silang kumakain.
Un kasi ang kwentuhan sa table nina Sandy after ng Sash Ceremony. Inggit na inggit ung mga girls, selos na selos sa mga itinuturing nilang karibal. Bakit yung dalawang un lang daw ang kabukod tanging pinagpala sa lahat?
Anu daw ang feeling kung makasabay mong kumain ang BSS? Ung as in makasama mo sa table, to think na bibihirang makita ung apat sa iisang lugar kapag nasa School at walang Campus activities.
Napalunok si Sandy nung marinig nya un, nakikinig lang sya sa mga ito. Alam na alam nya kasi ang pakiramdam ng ganun, one time nya nang nakasama si Dennis sa restaurant.
Sabi nung isa, mabubusog sya syempre...mabubusog sya ng hangin sa tiyan kasi malamang nakanganga lang sya all the time.
Singit naman nung isa, hindi daw sya kakain pagnagkataon dahil magtatake-out na lang sya...itatake-out nya na lang ung apat pauwi. Sabay sabay na tawanan at halakhakan ang maririnig after.
Tapos napunta na naman ang topic kung saan ang sweet sweet daw ng Royal Couple sa stage. Kahit hindi real life ung loveteam ng dalawa still marami pa rin ang nagsasabi na bagay sila.
Napansin nga ni Sandy na sobrang close si KC kay Kaizer. Hindi naaalis ang yakap nito sa isang braso ng binata habang rumarampa sa stage that moment. Syempre halos mamatay matay sa inggit ang mga nakakapanood nung oras na un.
Si KC lang daw kasi ang nakakagawa ng ganun kay Kaizer, pati si Darlene. Silang dalawa lang talaga, wala naman daw silang alam na nililigawan ng binata.
Palagi lang kasi itong tahimik at walang imik, pero kapag nasa stage na at kumakanta, umaapaw na sa ka-astigan at kakisigan. At sumasang-ayon si Sandy dun, sobrang galing pala talaga nitong kumanta at magperform.
Hindi na sya nagtataka kung bakit ang dami daming humahabol dito at nagpapakapagod sa kahihintay makita lang at makamayan ang binata. Ngayong gabi nasaksihan ni Sandy na umaapaw pala talaga sa talento ang BSS at ayaw nya mang aminin, fan na din sya ng apat.
Pero talagang stand-out si KC nang gabing un, isang napakagandang royal blue gown ang suot ng Campus Queen. Sobrang laki noon at mahaba ang trail sa likod, mukhang may diamond dust pa ang pagkakayari nito dahil kumikinang kapag tinatamaan ng spotlights.
Nakakamanghang panoorin sa wide screen si KC, ang ganda ganda! Half Filipino half Australian, ang tangos ng ilong at sobrang kinis ng balat. Nakatube kasi ito kaya kumikintab pati balikat.
Bagay na bagay nga sila ng Campus King, perfect match dahil halos magkasing taas ang dalawa. Kaya naman ayun, napapabuntong hininga na lang ang marami.
Nung may moment na lumapit ang dalawa sa royal chairs, halos matunaw ang lahat sa selos nung alalayan pa ni Kaizer si KC na umupo dahil nga sa laki ng gown nito. Parang natuwa naman ang dalaga sa reaksyon ng tao.
BINABASA MO ANG
FOLLOW THAT STAR! || Book 1 [Completed]
Teen Fiction*Ranking#504 in Wattys2017 Awards (May 2018) Highest Ranking *Ranking#1 in Campusroyalties (November 2018) Highest Ranking *Ranking#1 in Campuscrush (November 2018) Highest Ranking *Ranking#1 in Campus King (November 2018) Highest Ranking *Ranking#1...