Chapter 12

168K 8K 4.3K
                                    

Chapter 12

NAKATITIG sa akin ang tirik na mga mata ni Lolo Saul. Sa pag-iwas ko ng paningin ay bumaba ang mga mata ko sa leeg ng matanda na mahigpit na nakatali ng lubid. Parang nababanat na ang kanyang lalamunan dahil sa pagkakabigti niya.

"L-Lolo..." naluluhang sambit ko. Nangingitim na ang kanyang mga labi at mga kuko. Ngunit nakikita kong gumagalaw pa ang kanyang mga daliri.

Sumulpot si Lola Soler sa aking likuran. Ganoon pa rin ang suot niya. Mahabang baro na kulay itim. Nakalugay ang mahabang buhaghag at namumuting buhok niya na gaya nang palagi.

"Tabi, Ember!" Utos niya sa akin. May hawak siyang kutsilyo. Hinila niya ang mesa at maliksi siyang sumampa doon. Tinaga niya ang tali sanhi para maputol ito.

Bagsak si Lolo Saul sa sahig. Agad na nilapitan ni Lola Soler ang matanda at kinalag ang tali sa leeg nito. Nangisay ang matandang lalaki. Pagkatapos ay para itong natanggalan ng malaking bara sa lalamunan nang huminga. Umubo ito at sunud-sunod na bumuga.

Buhay si Lolo Saul!

Lalapitan ko sana sila nang awatin ako ni Lola Soler. "Umakyat ka na sa kwarto mo."

"P-pero–"

"Umakyat ka na sa kwarto mo!" Sigaw niya.

Hindi na ako sumagot. Sinigurado ko na lang na maayos na ulit si Lola Saul sa pamamagitan ng pagsulyap ko dito. He looks fine.

Umakyat na ako ng hagdan. Dumeretso ako kay Klay. Nilapitan ko siya habang nakaupo siya sa gilid ng kanyang kama. "Klay... si Lola Saul nagtangkang magpakamatay...!" Hinihingal na balita ko sa kanya.

Hindi siya kumibo. Ni walang reaksyon ang maamo niyang mukha.

"N-nagbigti siya pero naagapan..."

Nanatili lang siyang nakatanaw sa malayo.

"Klay, nakikinig ka ba?"

Wala pa rin siyang imik.

"Klay, naman!" Tumaas na ang tinig ko. "Kamuntik ng mamatay ang lolo mo!"

Ni hindi niya ako napagkaabalahang tingnan.

"Ano ba?! Hindi mo ba naiintindihan?! Muntik ng mamatay ang—" napatigil ako at napahingal sa galit. Walang emosyon ang mukha ni Klay. Meaning: Wala siyang pake!

Sa asar ko ay nasabunutan ko siya. Pero wala pa rin siyang reaksyon!

Napamura pa ako bago ako lumabas ng kwarto. What's wrong with these people? Mababaliw talaga ako kapag nagtagal pa ako sa bahay na 'to!

...

"SURPRISE, my baby Ember! Tomorrow I will be with you again." Sabi ni Green sa kabilang linya. "Flight ko na later."

"Really?" Nagulat ako sa sinabi niya.

"Yes. I'm sure. Miss na kita, e."

"Oh, thank God!" Napapikit ako sa sobrang tuwa.

"I miss you so much, my Ember..."

Pero bat di ko masabi na miss ko na rin siya? Siguro dahil stressed ako.

Stressed dito sa casa.

Stressed kay Klay!

"Maybe mga hapon na ako makakarating dyan, baby."

"Okay. Hihintayin kita. Marami akong gustong itanong sa'yo in person."

Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya. "Ano na naman yan?"

"Listen. I guess there something wrong sa lola mo. Seryoso."

Napahalakhak siya. "What do you mean?"

"I know, this may sound crazy. Pero may hinala akong sinasaktan niya ang lolo mo at si Klay."

Casa Inferno (The heart's home)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon