Spoken Poetry II

10 0 0
                                    

Ang pamagat ng tulang ito ay paglisan,
Tulad ng paglisan mo sa gitna ng kawalan.
Oo, inaamin ko, hindi ko kaya ang mag-isa,
Ngunit mas gugustuhin ko pang mag-isa kaysa ikaw pa ang makasama sakaling makulong ako sa isang kwarto na tayo lamang dalawa.
Alam mo kung bakit?
Kasi alam kong sa bandang huli ay iiwan mo rin ako at ako lang ang matitira.

Sana!
Sana nga hindi na lang kita nakilala.
Pero inaamin kong naging masaya rin ako sa pili mo noon. Ang tanga—
ang tanga ko at bakit pa ako sumama
na maglakbay sa sinasabi mong paraiso kasama ka?

Sana lahat nagpapatuloy,
Sana lahat masaya,
Pero paano ako sasaya gayong pinakawalan mo nga ako ngunit may iniwan kang marka
Na ngayon sa puso ko'y nagdurugo na.
Na ang tanga ko
Kung bakit sa paglisan mo ay hinayaan lang kita?

Pero gaya nga ng sabi mo,
Doon ka sasaya.
Sasaya na malaya ka na,
Sasaya dahil wala ka na sa piling ko, sinta,
At sasaya dahil alam mong panalo ka.

Walang hiya!
Bakit ko pa pag-aaksayahan ng luha ang tulad mong walang kwenta?
Walang kwenta na nagpaligaya sa akin,
Walang kwenta na minsan ay nagparamdam sa akin na hindi ako nag-iisa.
At walang kwenta dahil iniwan mo akong lumuluha,
Tinalikuran mo,
Binalewala.

Alam mo ba 'yon?!
Alam mo ba kung gaanong sakit ang pinagdaraanan ko?
Alam mo bang isang balde ang luha ko nang ikaw ay lumayo?
Alam mo bang ikaw pa rin ang laman ng puso ko?

Alam mo ba?!
Na tuwing naaalala ka'y tumitingin ako sa bituwin
at umaasang babalik ka pa?

Ngunit pasensiya na.
Pasensiya na, puso ko,
meron na siyang iba.

Kaya tatapusin ko ang tulang ito gaya ng pagtapos mo sa relasyong inakala ko noo'y perpekto na
At tanging paglisan mo lang ang siyang sumira
at wala nang dahilan para maayos pa—
Ang pusong wasak dahil sa iyo, sinta.
Ngunit kahit ganoo'y mahal. pa. rin. kita.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 26, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Fileiana PlumaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon