Chapter Eight.1

8.8K 159 2
                                    

Sa isang cozy restaurant sila nauwi ni Jaiden. Malapit lamang din iyon sa unibersidad. At habang kumakain sila ng inorder nito para sa kanya ay hindi naman mapalagay ang utak niya. Pinag-isipan pa rin kung sumama siya kay Jaiden. They even eat together. Masarap ang pagkain ngunit hindi naman niya manamnam iyon dahil mas abala siya sa kung anu-anong isipin.

Hanggang sa mapalakas ang pagbaba niya sa hawak na kutsara. Natigil ang akmang pagsubo ni Jaiden saka tumingin sa kanya.

"Ayaw mo?" Tanong nito at nakaangat pa ang mga kilay.

She sighed. "Ang sabi mo coffee."

Bahagya itong ngumiti. "Okay. Order tayo ng coffee."

"Sandali." Mabilis niyang pigil sa binata nang biglang umangat ang kamay nito at tila tatawagin ang waiter.

"Ang sabi mo coffee. Matuto kang gu-mets nang mabilis." Sinadya niyang haluan ng inis ang tinig.

"Nagutom ako eh. Bakit hindi ka na lang kumain? Masarap naman ang food dito." Sagot ni Jaiden at muling ipinagpatuloy ang pagkain. Pinagmasdan niya ito.

Ngunit napansin nito ang hindi niya pagkilos. "Come on, Margaux. You're overthinking and overreacting."

"Bakit mo 'ko niyayang kumain?" tanong niya.

"I just want to. Kailangan ba maipasa ko muna sa'yo ang dahilan ko para pumayag ka? I did ask you. Sumama ka naman. So, ibig no'n walang masama sa ginagawa natin." Kunot na kunot ang noo na sagot ni Jaiden.

"Bakit nga?" pangungulit niya.

Ibinaba nito ang hawak na kubyertos saka muli siyang tiningnan. "Dahil gusto kong gumaan ang pakiramdam mo. Hindi maganda ang ginawa ni Kevin sa'yo. I was there when he humiliated you. I don't know pero...ayoko lang nakikita kitang ginagano'n ng ibang tao. Kahit no'ng nagkasuntukan sina Bogie at si Kevin sa club-"

"Ano?"

Natigilan si Jaiden sa naging reaksyon niya. Tila hindi nito inakalang ganoon ang magiging reaksyon niya.

"A-Ahm, kalimutan mo na lang-"

"Nadulas ka na. Sabihin mo na." Agap niya.

Muli itong nagbuntong-hininga. "Natatandaan mo noong nagkita tayo sa bilyaran? Hindi rin kasi maganda ang...ang mga sinabi ni Kevin eh. Nagalit si Bogie kaya nasuntok n'ya si Kevin. Hindi ko naman masisisi ang kaibigan mo. Siraulo talaga 'yang si Kevin."

"Pero kaibigan mo s'ya." Aniya sabay sandal sa upuan.

Walang sinasabi si Bogie tungkol sa nangyari. At hindi na niya kailangang malaman ang buong kwento dahil kilala niya si Bogie at si Kevin. Malamang na pulos pambabastos ang sinabi ni Kevin kaya nagalit nang ganoon ang kaibigan niya. Alam na alam ni Bogie ang halos lahat ng pangyayari sa buhay niya.

"Pero hindi ko kinukunsinti ang mga actions ni Kevin. Hindi rin naman talaga kami gano'ng magkaibigan. Magkasama lang kasi kami sa team." Tugon ni Jaiden.

Muli niyang tiningnan ang binata. "Hindi tayo dapat naglalapit nang ganito. Ni hindi tayo dapat nag-uusap."

Kumunot ang noo ni Jaiden. "Bakit?"

"Walang dahilan."

Mula sa kunot ay umangat naman ang kilay nito. "Meron. Ayaw mo lang."

SHE KNOWS LOVE (Published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon