Aster's POV
"Hoy anong ginagawa mo!!" Sabi ng taong nasa likod pero mukha yatang kilala ko na kung sino...
"Claude umalis ka nga sa likod ko ang bigat mo kaya!!"
"Kanina pa kita hinahanap."
"Aray!! Di kaba naawa sa akin? alam mo namang mas malaki ka sa akin." Reklamo ko.
"Hehehe! Sorry naman kanina pa kasi kita hinahanap."
"Huh? Bakit anong meron?" Pagtataka kong tanong.
"Importante talaga kasi to." Nagmamadali niyang sinabi.
Bilang isang friend na concerned sa kanya syempre kinabahan ako.
"Bakit nakabuntis ka no? Sabi sa iyo itigil mo na yang pagiging playboy mo kaya tingnan mo yan ngayon nakadisgrasya ka tapos ano hihingi ka sa akin ng tulong." Pag-aala ko sa kanya.
"Hindi, ingot kaba? naka protection naman kami pero hindi iyon ang point dito wala kabang nakalimutan kagabi?"
"Ano!!! Wala!! Wala naman." Kinabahan ako bigla dahil sa alam niyo naman ang nangyari.
Pero inisip kong mabuti , para ngang may nakalimutan ako.
"Kagabi bago ka umalis sa bahay pagkatapos nating gawin ung pinagagawa sa iyo ni Mr. Ho na banner."
"Ah oo bakit anong meron?" Pagtataka ko dahil hindi ko parin natatandaan.
"Diba sabi mo lilibre mo ko ng drink sa cafe pagtinulongan kita at maaga tayong natapos, Diba!!! Diba!!!" Habang iniinsist niya akong maglakad na.
"Dali lang nakalimutan kong may gagawin pa pala ako." Pag-iwas ko dahil nga mapapagastos na naman ako.
"Ah!! huwag kang ganyan nagpromise ka."
*naka puppy dog eyes naman siya*
"Fine!!!" No choice.
Bigla niya akong inakbayan at nagsimula kaming maglakad papunta sa isang cafe sa loob ng school.
Di ko lang maintindihan mayaman na mayaman si Claude may-ari ba naman ng isang airline company at ng isang 5 star hotel ang kanyang pamilya kaya hindi niya na kailangan magpalibre pa sa akin pero tingin ko gusto niya lang ng appreciation sa ginawa niya. Chinese kasi ang daddy niya, kaya di na ako magtataka kung bakit napaka strict ang kanilang traditions, dagdag pa ang 4 niyang kapatid kaya siguro naghahanap lang siya ng atensyon
Simula pagkabata ay magkaibigan na kami dating business partners ang parents namin pero dahil sa nalugi ang company ni papa ay nawala ang partnership pero ang pagkakaibigan naming dalawa ay nariyan parin.
"Sige maghanap kana ng mauupuan ako na ang bibili." Sabi ni Claude.
"Sigurado ka?" Tanong ko.
"Oo, bakit ayaw mo?"
"Gusto!" Yes! Safe ang budget ko at makakabili ako ng mamaya pocky, makahanap na nga ng mauupuan.
Habang nakaupo na kami sa may bintana ng cafe habang umiinom ako ng frappe ay nagtanong siya.
"Ano palang ginawa mo kagabi pagkauwi mo?"
Muntikan na ako mabulunan ng iniinom ko, ano to nababasa niya ba ang nasa utak ko.
"Hoy bakit natulala ka? siguro may nadali ka nanaman kagabi no?"
"Ano? wala.. wala naman at isa pa hindi ako katulad mo na kung saan-saan nakakaabot kapag sumasapit ang dilim." Sabay inom habang nanginginig pa ang kamay ko.
Hindi niya dapat malaman!! wala dapat may makaalam.
"Kilala kita Teroy, alam ko kung may tinatago ka at kahit anong gawin mo ay malalaman ko rin yan." Napalunok nalang ako sa sinabi niya at ginamit niya rin ang nickname ko para mapadiin ang pagkakasabi.
" Baliw!!"
"Roy! Kamusta pala ang mga transferee may maganda ba?" Tanong niya.
"Maganda? Ni magandang ugali man lang walang pinakita yung taong uling na iyon." Sagot ko naman.
"Huh? Bakit ano ba ang nangyari?" Tinanong niya ako ulit.
"Ito kasing mukhang taong uling na si Coal pinag-init ang ulo ko napahiya tuloy ako kay pres. Ho makita ko lang ulit ang pagmumukha niya di ko alam kung ano ang magagawa ko." Pagrereklamo ko.
"Eh kamusta naman yung iba?"
"Ah! Si Flint mabait pero ewan ko lang si Clay?" Sagot ko.
"Yun lang!! samantalang kanina detalyado pati na ang emotion kay Coal tapos sa iba walang gana ano ka may bias?"
"Anong bias?" Ganun ba talaga ang pagkakasabi ko?
"Ewan ko sayo?" Sabi ni Claude.
"Sige Claude salamat sa drinks pero sa tingin ko kailangan ko ng umuwi dahil marami pa akong aasikasuhin sa pagbubukas ng school year." Pagpapaalam ko.
"Oh!! Sige na iwan mo na ako tutal diyan ka naman magaling mang-iwan." Dismayado niyang sinabi.
"Baliw!! Ang drama mo po, sige na aalis na ako." Sagot ko naman.
Tumayo nako handa ng umalis ng may tumunog na bell ng tiningnan ko kung anong meron ay may isang babaeng pumasok sa pintuan maganda siya sexy at parang koreana ang mukha parang si Yoo In-Na.
" Claude!!" Tinawag niya kaibigan ko, magkakilala sila?
"Teroy maupo ka muna papakilala ko sayo ang kaibigan ko si Sherry."
"Its so nice meeting you." Wala na akong magawa kundi maupo nalang at makipag shake hands matapos niyang banggitin ang mga salitang iyon.
"Hi I'm Aster, also friend of this guy, well I'm sorry but I will just leave you two because there some things I have to do." May pagka sosyal kong sabi para may class sa first impression at pa mysterious type dapat.
Lumabas na ako ng cafe, nakahinga ng maluwag dahil alam ko na muntikan niya ako mahuli.
Dumiretso na ako sa bahay at nag shower ulit, dahil sa nangyari kagabi ay paulit ulit akong naliligo.
Matapos kong maligo ay nagbihis muna ako at nagpatuyo ng buhok bago tumalon sa higaan ko. Ipinikit ko ang aking mga mata.
Sinubukan kong magpahinga at mag-isip kung sino ang lalaking iyon at bakit niya ginawa iyon ano ang nais niyang mangyari pagkatapos, para lang ba makaiskor siya o ano?Nakakainis naman kasi si Claude nakalimutan ko na sana panandalian ang nangyari kung hindi lang sana niya pinaalala ulit.
Nang naisip ko si Claude ay natandaan ko rin ang babaeng pinakilala niya si Sherry pero paano kaya sila nagkakilala at bakit parang matagal na silang nagkikita.
Malapit kami ng kaibigan ko kaya nagtataka ako kung bakit ni minsan ay hindi niya nabanggit ang pangalang Sherry.
Siguro dahil sa friendly siya masyado at di rin naman siya mahirap iapproach kaya hindi rin naman nakapagtataka.
Hindi ko na rin namalayan na nakatulog na ako sa kakaisip sa mga bagay-bagay.
YOU ARE READING
100% Insanity
RomanceEverything was already planned after he graduated in a well-known elite school. Aster was just a simple teenage guy who's trying to rebuild the ruined reputation of his family. But suddenly... Some unexpected sort of events bumped into his life. Th...