Nang makauwi ako bandang 8 PM ay agad akong dumiretso sa bahay, mag-isa lang ako dahil may pinuntahang birthday party sila mommy, si daddy naman ay nasa work pa. Ang dalawa kong kapatid ay kasama ni mommy.
Mas nakakatakot palang mag-isa ako sa bahay ngayon. Wala naman kaming katulong, dati meron noong nagwo-work pa si mommy at kailangang may maghahatid sa akin sa school, pero ngayon ay wala na talaga at mag-isa na lang ako.
Agad akong nagtungo sa kwarto. Humiga muna ako sa kama at nag-isip nang maaari kong gawin. Na-realize ko na dapat mas maging alerto ako ngayon, dahil walang siguradong araw na mapupunta ako sa mundong iyon.
Nag-half bath ako nang makapagpahinga na ako. Sinimulan ko nang i-type ang chapter summary ko sa CC about enzymes na ipapasa ko sa Saturday. Nakakalahati pa lang ako pero nawala na agad ako sa focus. I checked my phone and immediately saw my mom's message.
From Mom
Pauwi na kami. Kumain ka na ba? May food diyan sa ref.
To Mom
Mamaya po, may tinatapos lang po. Ingat po! :)
Binalik ko ang atensiyon ko sa harap ng laptop. Nawalan na ako ng focus sa ginagawa ko kaya sinara ko na ang libro ko tsaka nag-online sa wattpad. Napunta ako sa settings at nakita ko ang option na close account.
Huminga ako nang malalim. I don't think I can deal alone with whatever is happening right now. Hindi na ako magsusulat pa. Titigil na ako sa pagsusulat. I-clo-close ko na ang account na 'to at paniguradong hindi ko na kailangan pang problemahin ito. Damn, ang dami kong problema sa acads tapos dadagdag pa ito.
Walang pag-alinlangang pinindot ko ang close account option. "Shit." Ayaw ma-click! I had goosebumps the moment everything changes without my eyes blinking. Umikot ang paligid ko, kitang-kita ko kung paanong nagkaroon ng lalaki sa harapan ko, naka-extend ang kamay niya kasama ang panyo.
"Miss, wipe your tears. You're too beautiful to waste your tears." Seryoso? Bakit may luha pa rin sa mga mata ko hanggang ngayon? Nag-angat ako ng tingin kay Angelo. The happy go lucky Angelo Markus Alarcon is in front of me. His attitude is based on my boy's best friend's attitude in real life. Inabot ko ang panyong inabot niya sa akin. At hawig na hawig niya nga si Jisoo.
"Salamat..." Ani ko nang unti-unting maramdaman ang pagkawala ng sikip sa dibdib ko. Kahit papaano ay gumaan na rin ang pakiramdam ko.
"Dude! Kanina ka pa namin hinahanap ni---" Napatingin ako kay...oh my God! Si Thorn ba ito? Hala! Kamukhang-kamukha niya si Nam Joo-hyuk. Jusko! Totoo ba 'tong nakikita ko, as in parang si Nam Joo-hyuk na rin ang nasa harapan ko ngayon dahil siya ang pinagbasehan ko ng mukha ni Eduard Thorn Benitez. "Whoa! You're with the nerd." Shit. Nagpakurap-kurap ako ng ilang beses. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko.
"Thorn nga pala." He extended his hand for me. Na siyang tinanggap ko naman, walang malisya ito dahil kabisadong-kabisado ko na ang ugali ni Thorn, he's that typical playboy of the town.
"Uh...Zeri---Belle. I'm Belle." Tsaka ko inayos ang salamin ko. I'm Belle right now. "Sige, salamat..." Angelo. Pero hindi ko masabi ang pangalan ni Angelo, paniguradong kontrolado pa rin ang bawat galaw ko rito, kaya hindi ko magawang magpasalamat nang maayos sa kanya.
"I'm Angelo and no worries." Ngumiti ito sa akin at parang nasa harap ko lang talaga si Jisoo ngayon. "Sige, isasauli ko na lang 'tong panyo mo kapag napalabhan ko na. Salamat ulit." Tsaka tumalikod na rin agad ako, ayoko nang makaagaw pa ng atensiyon mula sa ibang tao. Basang sisiw pa rin ako hanggang ngayon at ramdam ko pa rin ang lamig sa balat ko. Mabuti na lang at tubig lang iyon...pero sa mga susunod na kabanata ay may pintura na, kailangan kong paghandaan ang isang 'yon.
BINABASA MO ANG
To Your World [ Completed:2017 ]
FantasyThe background changes. One day I'm at school. The other day I'm at the playground. The trees disappeared, the flower withered and died. I saw him smiling at me, I saw him seriously looking at me. And I turn out to be the writer of his story. ©2017...