Three months later...
YURIKO POV:
Panginoong mahabagin! Nawa'y makaya ko po ang isasagawang ritual ko ngayong araw, nawa'y magawa ko po ng maayos ito. At nawa'y magbalik na ang lalaking kay tagal kong hinihintay. Amen. ^_^
Dasal ko ito araw-araw, tatlong buwan na din ang nakakaraan ng umalis si yoo jae! At sa tatlong buwan na 'yon! Binuhos ko ang oras ko sa pakikipag sagutan kay lady sonia! pakikipag away ng madalas kay suia! Kapal kasi ng mukha eh! At sumama sa mga lakad ni yonghye! At tumambay o matulog sa loob ng templo!Wala na kasi akong inspirasyon sa buhay, hahaha.
Tanggap ko na! Na kailangan ko ng mabuhay sa katauhan ni bia at hindi sa katauhan ko. Baka kapag nagawa ko na yon ay masisilayan ko ng muli si yoo jae. >_<
Chos lang! Ginagawa kong magpakatino dahil sa gusto ko!gusto kong makatulong! Pero sa mga ginagawa ko noon ay hindi siya nakakatulong teh!!hahaha! Sa lahat yata ng celestial ay ako ang pinakapasaway eh! Aminado naman ako non. Pero ang masaklap talagang karanasan ko ay ng bumisita sa templo ang kamahalan at nakita akong nakahilata sa taas ng sagradong kulay gintong mesa,oh san ka pa?. >_<FLASH BACK:
TEMPLO:
"YURIKO!!",
Naistorbo tuloy ang pagtulog ko! Lady sonia naman eh, inaantok pa ako! Mamaya na ang ritual ritual na yan!.
"Jusko! Tumayo ka diyan! Nandito ang hari at reyna!" Pagtatarantang saad niya habang binabangon ako sa aking pagkakahiga! Napa bangon naman ako sabay kamot sa aking ulo at hilamos sa aking mukha!
"Kamahalan patawarin niyo po ako, dahil naging pabaya ako sa pagtuturo ng magandang asal", pagpapaliwanag ni lady sonia habang nakayuko.
"Yuriko bia?", O_O? Gulat na sambit ng reynang baehye. Hindi agad ako sumagot dahil hinila na ako ng tuluyan ni lady sonia pababa ng gintong mesa sabat nun ay pinaluhod niya ako, kaya nagpatianod na lang din ako kasi hindi pa nga ako nakakabawi ng energy eh, naalimpungahan pa nga ako!..
Niyuko niya pa ako kulang na lang ay mag kiss na kami ng sahig!"Patawarin niyo po siya mahal na reyna! Hindi niya po alam ang kanyang ginagawa at sinasabi, wala po siyang maalala ", mahabang salaysay ulit ni lady sonia. Ay wow kung alam niyo lang! Wala din naman po akong natatandaan sa inyo eh. >_<
"Bakit anong nangyari sa kanya?", tanong ng hari.
"Naaksidente po siya dahilan para mawala ang kanyang ala-ala kamahalan", ani lady sonia. Aray ko lady sonia, masakit na po yung batok ko. T_T wag mo namang higpitan. Huhuhu
"Nakakawalang respeto yang alaga mo lady sonia, isa itong sagradong lugar at may gana pang matulog sa loob?",
"Patawarin niyo po kami mahal na reyna", sambit niya ulit sa pagmamakaawa, hindi ko na matiis this!, bigla akong mag-angat ng mukha.
"Hindi niya po kasalan yun mahal na reyna, ako po ang may gustong matulog dito, kaya sakin niyo po yan sabihin at hindi sa kanya", sabat ko ng magulat ang lahat. Wala silang pake!
"Yuriko! Tumigil ka,patawarin niyo ang kapangahasan niya mahal na reyna", pagmamakaawa niyang muli sa babaeng maka make up ay daig pa ang dancer sa club!! Mahal na reyna your facelak!
"Walang modo! Wala kang karapatang sagot sagutin ako!", bulyaw niya sakin! So what?coconut?
"Hahahahahahahahaha", lakas tawa ng hari at lumapit sa akin. Isa pa to eh! Sana naman kung pipili ka para sa anak mo ay si bia na lang! -_-
"Tama ka nga naman, bweno pag pasensiyahan niyo na ang reyna, sadyang mainitin lang talaga ang ulo niya, pero wag mo ng gagawin yun maliwanang?",
"Salamat po mahal na hari, maliwanang po", ngiting tugon ko at hinila na niya paalis ang na iimbyerna niyang reyna. Napa aray ako dahil sa kurot ni lady sonia
"Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo?! Kabilin bilinan ko sayo na isaulo mo ang bawat hakbang!! Tapos ito ang madadatnan ko ngayon! Na mahimbing kang natutulog sa loob pa talaga ng templo?ano na lang ang iisipin ng hari at reyna? Buti sana kung ako ang nakakita eh pero madami! At ang reyna at hari pa!jusko nan yuriko! Umayos ka!!! At tsak-", putol niyang sabi ng tumayo na ako at pinagpag ang dumi sa aking damit.
"Hindi ko na gagawin yun, last na po ito", ngiting tugon ko sa kanya.
"Last? Nakailang sambit ka na ba ng last na yan ha?!! Halika nga rito! Ng gigigil ako sayo!! Sa ilang taon kong pagtuturo ay ikaw itong sobrang pasaway!",
"Hindi na po.mauulit lady sonia!", tawa kong tugon sa kanya habang binubuksan ang pinto upang makalabas. Naghabulan lang kaming dalawa, ako tawang tawa, siya! Beast mode na. Sa galing ko ba namang mag runnning woman ay hindi niya ako naabutan.hahaha.
Takbo lang ako ng takbo ng biglang may nakabangga ako! Ouch! Bakal ba katawan nito?"Tumingin ka kasi sa dinadaanan mo", sambit ng nabangga ko.
Napatingala ako agad!"Paumanhin po", tulala kong sagot dito! Sus kala ko eh si ano! Kala.niyo din nho.. hahaha
"Mahigpit na ipinagbabawal ang tumatakbo sa loob ng palasyo,kaya mag-iingat ka",
"Salamat po sa paalala", sabi ko at tiningnan lang ako at bigla ng umalis. Taray! Gara naman ni koya! Sa kanya ko lang nalaman na bawal na palang tumakbo! Nabago nan pano nalang kapag emergency! Bawal pa din ba ang tumakbo! Abnormal yun ah!..
Dahil bawal daw eh pabebe muna tayo..BAEHYE POV:
Himalang makaligtas siya sa taas ng bangin na iyon!! Hindi maari ito! Kinakailangan kong gumawa ng paraan!
END OF FLASHBACK:
Kaya nagtungo agad ako sa templo, ito ang kauna unahan kong ritual kaya dapat ay ibigay ko na ng tudo! Pray for me!! Wooooh!!!
MUKANI:
YOO JAE POV:
Sa tatlong buwang pananatili ko sa bayan ng mukani ay masasabi kong umuunlad ito! Lahat ng mga taong naging alipin dito ay masaya ng namumuhay sa aking pamumuno. Napukaw ang aking pag-iisip ng magsalita si Ryuel. Siya ang aking kanang kamay.
"Mahal na prinsipe natapos na po ang paggawa ng balon,ano pa po ang susunod niyong ituutos?", tanong nito sakin ng tumingin ako sa kanya
"Siguraduhin mong mapagkukunan agad iyon ng mga tao, tsaka kamusta na pala ang taniman ng palay?", tanong ko.
Ang bayan ng mukani ang pinakamalubha sa lahat dahil sa salat sa buhay ang mga tao ay pinagnanakawan at inaabuso pa ang mga ito pati na din ang hanap buhay.
"Malago na po iyon mahal na prinsipe", ngiting sagot niya sakin ng ngumiti din ako. Sa wakas!!
"Mabuti naman, ipagpatuloy niyo lang yan, maglalakat lakat na muna ako dito",
"Masusunod po", sabi niya at umalis na.
Naglakad ako hanggang mapahinto ako sa lilim ng puno. Napapikit ako.
Simulang nakabalik ako ng bayan na 'to minabuti kong hindi na muna makatanggap ng mga balita mula sa aking ama! Tsaka kinakailangan ko ding bumalik dahil kinakailangan ako ng mamamayan!Nagbuntong hininga ako habang nakapikit pa din. Kamusta na kaya si yuriko? Patawarin mo akong muli! Dahil kinakailangan kong bumalik ng walang paalam sayo. Kumikirot ang puso ko! Langya! Dasal ko wag sana akong magkasakit sa puso! Nasasaktan ako! Tsk! Napamulat ako bigla ng pumapatak sa aking mukha ang butil ng ulan! Nakikisabay din ba ang ulan sa aking nararamdaman? Nadadama din ba nito ang aking pangungulila sa aking sinisinta? Napangiti na lang ako sa aking naiisip. Tsk! Malala na talaga ako...
A/N: Hello guys! Please bear with me a little bit longer!hahaha.
Feel free to votes ang comments! Hihihi..
Thank you. ^_^
BINABASA MO ANG
Love is True (COMPLETED)
Historical Fiction"saglit", sabi ko sa kanya pero wala siyang narinig, daig niya pa ang nagtetengang kawali, hinawakan ko ang kanyang kaliwang kamay dahilan para humarap siya sakin, kasabay non ang pagdampi ng aking labi sa mga labi niya, naramdaman kong para siyang...