"Wag na wag mong hahayaan na puso mo ang masunod," agad kong binawi ang palad ko sa sinabi ng matanda sa'kin, pero ang mga mata niya ay mariin ang pagkakatingin sa'kin.
"Makinig ka sa'kin, hija. 'Wag mong hahayaan ang puso mo," umikot ang mga mata ko at nilingon si Eve na nakatingin sa matanda while licking her lollipop.
I was right all along! Coming here is a big mistake! I'm bored at itong si Eba ay walang ginawa kundi ang ayain ako sa sinasabi niyang magaling daw na palm reader. Since, I'm that bored she insisted on letting me have a palm reading at kung hindi pa raw ako tapos ay mag-tarot reading pa raw kami.
Now, I'm not really sure kung ako pa ba ang bored o ang kaibigan ko dahil siya ang nag-plano ng gagawin namin ngayong araw. I just want to ditch class but I don't like this. I don't believe in these shits, but my very bestfriend wants to test me all the time!
"Uhm, manang, I think you read her palm wrong," maingat ang pagkakasabi ni Evangeline pero nahihimigan ko ang tawa na pilit niyang pinipigilan.
Tinignan ko muli ang matanda pero nakatingin pa rin ito sa'kin at inabot ang palad ko. Kumunot ang noo ko nang paulit-ulit niyang pinadausdos doon ang hintuturo niya na parang alam na alam niyang hindi siya nagkakamali, kaya sa huli ay tinignan na lang niya ako muli sa mga mata ko.
"I don't have a heart," madiin kong sabi at binawi muli ang palad ko mula sa pagkakahawak niya, dahil alam kong uulitin niya lang ang sinasabi niya. This is creeping me out! The way this old lady looks at me is giving me creeps! I don't like this!
Gumalaw ang lamesa sa harapan namin kaya tumayo na ako at tinignan ng masama si Evangeline. Pakana niya itong lahat kaya siya lang ang nageenjoy sa'ming dalawa! Sana ay nanood na lang kami ng sine, but we both know na hindi kami papapasukin sa mall dahil naka-school uniform kami. Ugh!
"Oh, I'm pretty sure you have one," magiliw na sabi ng kaibigan ko habang naglalabas ng pera mula sa coin purse niya at inilapag iyon sa matanda na nasa harapan namin. "Just a black one."
Tumawa siya pagkasabi noon na naging dahilan kaya natawa na rin ako. Tinignan ko ang matanda na nakatingin sa'ming pareho pero mas tumagal ang tingin niya sa mga mata ko at parang may gustong sabihin. Napawi ang ngiti ko because I'm expecting she's gonna leave it that way pero isinatinig niya pa rin ang gusto niyang sabihin.
"Makinig ka sa'kin, Pandora," bumilis ang tibok ng puso ko nang tinawag niya ang pangalan ko. Kung kanina ay sinasabi kong wala akong puso ngayon ay binabawi ko na. Damang-dama ko ang pagwawala nito sa loob ng dibdib ko.
How the hell does she know my name?! We intended to keep it! We didn't tell her my real name!
"Wag puso mo ang pairalin mo. Masiyadong delikado para sa'yo."
It's like a warning or more like a death threat that I'm pretty sure that color of my face has left me!
"Hindi po Pandora ang pangalan niya," nahimigan ko ang diin sa boses ni Evangeline nang sinabi niya iyon. Like the humor in all of these has gone. Pati siya ay hindi na rin natutuwa.
"Let's go!" Inis kong sabi bago ko hinawakan ang kamay ni Evangeline at umalis na sa creepy na kwarto na iyon! Lumabas kami at sumalubong sa'min ang sobrang ingay na lugar. Nagpalinga-linga pa ako para mahanap ang dinaanan namin dahil gusto kong umalis sa lugar na iyon!
"She knows your name!" Sigaw ni Evangeline habang tinatahak namin ang daanan pabalik ng school. "Can't you believe it?! She freaking knows your name, Panda!"
Huminga ako ng malalim dahil sa sinabi niya pero umiling lang ako at nagpatuloy sa paglalakad. Pasimple ko pang tinignan ang dibdib ko dahil baka hindi ko naalis ang ID ko pero wala doon ang ID ko. Nasa bag ko iyon na nasa school. Nasa locker ko. I left it there together with my wallet and phone!
BINABASA MO ANG
The Witness
Mystery / ThrillerKnown as the black sheep of the family, Pandora Remington has witnessed one crime that will turn her world upside down. One crime that puts her whole life in jeopardy. Will her family believe her when she told them that she's in danger? Or they wil...