Chapter 24

37 0 0
                                    

Chapter 24: 

(Third Person's POV)

Habang nagsisipilyo si Steven sa cr may biglang sumigaw si Tiffany na pagkalakas lakas kaya naman tumakbo na si Steven sa sala na nagkadapadapa pa. Nakita niya na si Tiffany na ang ganda ganda ng upo sa couch with snacks pa sa gilid.

" ano?" nagsisipilyo parin siya sa harapan ng dalaga habang nagsasalita.

" ano ba 'yan nagsisipilyo pa tss" hindi na lang pinansin ni Steven si Tiffany.

" ano nga kasi? bakit ka sumigaw?" napatingin naman si Steven sa dalaga at saka nginitian siya ng dalaga.

" kunin mo yung remot ng tv" napalingon lingon naman si Steven sa iba't ibang panig tapos dumako ang kanyang tingin sa tabi ni Tiffany na medyo di kalayuan niya lang nandoon naka plastarda sa tabi niya.

" ayun oh! nasa tabi mo lang!" napatingin naman si Tiffany sa kanan niya at nakita niya na nandoon pala yung remote.

" oh what a coincidence! nasa tabi ko lang pala" kinuha na niya ang remote at ang sama na ng tingin ni Steven sa kanya kasi naman nasa tabi lang pala nito ang remote na tinutukoy.

" ano pa tinitingin mo? alis na!" parang nagpapaalis lang ng aso si Tiffany, napasabunot naman ng buhok si Steven sa inis kay Tiffany...

" aaaaaaaaaaaarghh!" padabog na umalis siya sa harap ng dalaga at saka napatawa na lang si Tiffaany pag-alis niya. Nasisiyahan niya ang pagpapahirap na ginagawa niya kay Steven.

Marami pa siyang pinagagawa katulad ng kinalat niya ang bahay niya at saka pinalinis niya si Steven buong araw at saka marami pang mansya ang sahig kasi mag pinagtutulop siyang chocolate syrup sa buong sala niya pati kusina at sa paglilinis ni Steven di pa siya pinagamit ni Tiffay ng mop, talagang pinagamit siya ng isang toothbrush sa panlinis kaya naman inis na inis siya.

Pintapon niya pa ito ng basura habang gabing gabi na at saka nung dumating na si Steven sa tapunan ng basura ay bigla siyang nadulas kasi naman dahil sa gabi na hindi na niya makita pa ang daan kaya naman di niya alam na nakaapak pala siya ng balat ng saging kaya natapon sa kanya lahat ng basura na dinala niya pati na ang mga biodegradable na maamoy na.

Hindi pa doon nagtatapos yung pagpapahirap ni Tiffany sa kanya kasi naman sabi niya na may nawala daw sa kanyang documents at saka contract daw yun ng isang usapan para sa kanyang mga commercials sa isang company kaya naman sinabihan niya si Steven na hanapin nito ang dokumento sa pinagtapunan niya ng basura kaya naman nag-alala din si Steven kasi nga importante daw kaya hinanap naman niya ito, umabot na siya ng alas dose ng gabi sa kakahanap pero wala siyang mahanap na dokumento at saka lahat ng basurahan ay nahalungkat na niya bigla namang lumabas si Tiffany at ipinakita kay Steven ang document na sinasabi nito kaya napasigaw na lang ssiya sa inis. Natulog na siya na pagkahimbing himbing ng biglang tumunog yung alarm clock niya nang pagkalakas lakas kaya napabalikwas siya kaya naman nung pagtiningin niya sa alarm clock niya ay naka set pala iyon sa oras na din naman niya sinet kaya nainis na naman siya ulit at napabalik na lang sa tulog kasi naman paniguradong si Tiffany yung nagset ng time na yun kasi saktong 3:00 am ang nakalagay samantalang kapag siya ang nagpapa-alarm ay 6:00 am naman kaya alam na niya na si Tiffany yun pero ang problema di na siya makatulog ulit kasi naman nagising na yung buong diwa niya kaya naman kahit gusto pa niyang matulog di na siya makatulog pa....

Habnag si Tiffany naman sa kwart niya, natutulog na mahimbing na mahimbing at napaka princessang tignan habang nakatulog kasi nakaniti pa ito...

The BodyGuardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon