Chapter 5

1.1K 9 0
                                    

France’s POV

“Tumigil na kayong dalawa! Simpleng kwentuhan lang ‘to binibigyan nyo ng isyu! Walang sinuman sa inyo ang may karapatan dahil buhay ko ‘to! Nag-aaral pa nga lang tayo diba? Anong problema nyong dalawa?!” malakas na sigaw ni Kath kina Eduard at Kurt, alam kong galit na talaga siya sa inaasta ng dalawang ito. Nagulat pa kami ng pumunta siya sa may lababo at hinatak ang drawer dun. Pero mas nagulat ako ng nilapag niya na ang kinuha niya don.

‘Wtf?? Tinidor?! Seriously, Kath?!’

“Pfft!” pigil ko sa tawa ko dahil sa tinidor na nilapag niya. Laugh trip din talaga ‘tong si Kath minsan eh. Palihim naman akong siniko ni Joanne ng makitang niya ang pigil kong tawa. Napatingin kami ng sumigaw ulit si Kath.

 “Iyan magsaksakan na lang kayong dalawa! Wag kayong papakita sa’kin ng walang butas ang mga katawan nyo!”

“Pfftt!” pigil na naman akong napatawa ng sabihin ni Kath ‘yon. Kinurot na ko ni Joanne habang nanlalaki pa ang mata. Napatuwid ako ng tayo ng huminto siya sa paglakad at mapatapat kay Eduard.

“At Eduard gusto ko lang malaman mo na papakasal ako kay Kurt kahit kelan at kahit saan.”

‘Awww…’

Nakita ko ang pagliwanag ng mukha ni Kurt ng marinig niya ‘yon. At nakita ko rin ang pagtiim ng bagang ni Eduard.

Grade three kami ng maging kaklase namin ni Kurt si Eduard at Kath. Magbestfriend na sila nong mga panahon na ‘yon at ganun din naman kami ni Kurt. Halos sabay kami nina Aries, Hiro at Kristine na napasama at naging kaibigan ng dalawa.  Transferee kami galing Manila, sina Kurt ay talagang tubong Bataan, nandun lang sila sa Manila dahil kelangang magstay ang Mommy ni Kurt doon para alagaan ang Grandma niya, samantalang ang Daddy naman niya ay nasa Bataan. Nang mamatay na ang grandma niya, ay bumalik na sila sa Bataan. Dahil nga sa bestfriend kami, hindi ako pumayag na magkahiwalay kami. Sumama ako kina Kurt at dun nagstay sa kanila, dahil nga mabait naman ang parents ni Kurt kaya pumayag rin sila. Sobrang busy ang parents ko sa iba’t-ibang negosyo sa Manila kaya naman pinasama na lang nila ang yaya ko.

Unang kita pa lang ni Kurt sa murang edad niya na ‘yon ay nagustuhan niya na si Kath. Maliit lang si Kath, pero sobrang strong ng personality. Kapag tinitingnan mo siya, maiilang kang lapitan siya dahil ang unang papasok sa isip mo ay masungit siya dahil na rin sa masungit bukas ng mukha niya. Hindi siya palangiti nung mga panahon na ‘yon. Nakikita ko lang siyang nakangiti kapag nagkakatuwaan sila ni Eduard. Kahit na mukha siyang masungit ay nagawa pa rin siyang lapitan ni Kurt. Doon namin siya nakilala ng husto, ang akala naming masungit ay mabait pala.

Matulungin siya hindi lang bilang kaibigan kahit bilang kaklase. Halos lahat kami ay sa kanya nagpapaturo kapag may hindi kami maintindihan sa lesson o assisgnment namin. Hindi siya mahilig magpakopya, bagkus ay pagtitiyagaan ka niyang turuan hanggang sa matutunan mo. Kaya naman si Kurt ay lalong humanga sa kanya. Grade five kami ng ligawan siya ni Kurt gulat na gulat siya at hindi makapaniwala, hindi niya pa ‘yon sineryoso nung una. Kaya naman halos mapanganga siya nung nag-umpisa na itong ligawan siya. Lingid sa kaalaman namin, matagal na rin pala siyang gusto ni Eduard, kaya naman ng nalaman niyang nililigawan ni Kurt si Kath ay nagtapat na rin siya kay Kath at niligawan niya rin ito.

Halos hindi makapaniwala si Kath nung time na ‘yon napaiyak pa siya dahil ayaw niyang mawalan ng kaibigan kapag may isa sa kanila ang ni reject niya. Sa mura naming edad nun ay ganun na siya ka-mature. Nangako naman si Eduard at Kurt na tatanggapin nila ng maluwag sa dibdib at walang samaan ng loob kung anuman ang magiging desisyon ni Kath. May the best man win ika nga. Grade six kami ng sagutin ni Kath si Kurt. Tuwang-tuwa si Kurt nun at halos mapasigaw sa gitna ng klase namin. Sinulat kasi ni Kath sa likod ng notebook niya ang mga katagang ‘Mahal na rin kita.’

Still Into You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon