CHAPTER 5

14 4 0
                                    

Bumalik na rin si Enzo na dala dala ang isang bote nang wine.Bago pa nga lang ako dito sa party at may nakilala na akong isang lalake.Sa totoo lang ang gwapo niya.Matipuno ang katawan at maputi ang balat.Maganda ang kulay nang mga mata at ang kinis nang mukha parang nagkaroon nang tigyawat.Para sa akin ang dali lang niyang makahanap nang girlfriend dahil sa kanyang kapogian.

“Yvonne,May kapatid ka ba?" tanong ni Enzo.

“Oo! May isa akong kapatid.Si Kuya Dharwin.Siya yung klaseng kuya na super protective sa akin.Ikaw ilan ang kapatid mo?" tanong ko.

“May dalawa akong kapatid at ako ang panganay.Dalawa silang babae.Si Alyssa kasunod ko.Siya yung tipong kapatid na sobrang kulit at sobrang malikot.Habang ang isa naman ay si Murriel at siya yung tipong mahilig magbasa nang mga libro at magaling pang kumanta.Sobrang higpit ko sa kanilang dalawa especially sa pag boboyfriend.Dapat at the right age sila dapat mag boyfriend." sagot niya sa akin.

“Ganda mong kuya.Yan yung mga kuyang dapat hangaan kase tinuturo mo sa mga kapatid na maging maingat sa mga gagawing desisyon sa buhay." hangang sabi ko.

“Eh.Ang magulang mo? " tanong ko ulit.

“Ang mga magulang ko?! Hiwalay na sila Mom at Dad dahil sa  nalaman ni Mama na nambababae.Kitang kita ni Mama kung paano ginawa ni Papa ang katarantaduhan niya.Kaya si Mama na lang ang kasama namin.Ikaw? Kamusta ang magulang mo?"

“Si Mama at Papa ay okay naman.Hindi naman gumagawa si Papa nang kanyang katarantaduhan.Ngayon sina Mama at Papa ay masayang nagsasama." sagot ko sa kanyang tanong.

“Mabuti naman.Cheers! " masayang sabi niya.

“Cheers!" sambit ko rin.

Sobrang tagal nang paguusap naming dalawa ni Enzo.Feel ko na close na close kami kahit bago pa lang kaming nagkakakilala.Grabe uminom si Enzo at akala niya madadaig niya ako.Pinakita ko sa kanya na magaling din akong uminom.

Tawa lang kami nang tawa dahil sa mga kuwento ni Enzo na kalokohan niya nung nag aaral pa siya.Ikinuwento ko rin ang mga kalokohan ko nung high school ako.Maharot at makulit kase akong babae eh.

Biglang nahilo ako sa kalasingan.Feel ko na umiikot ang mundo ko.Hindi ko na alam kung ano ang mangyayari sa akin.

“Yvonne! Umuwi na tayo dahil lasing ka na." yaya ni Cheyen sa akin.

“Ako?! Lasing?! Baka ikaw siguro.Tingnan mo ang mukha mo namumula na." sambit ko.

“Beshie! Huwag nang matigas ang ulo! Pagagalitan ako nang mga magulang mo kapag may nangyaring masama sayo.Ang sasakyan mo pa.Iiwan mo na lang dito?" nag aalalang sabi ni Cheyen.

“Dito na muna ako! Please! Iwan mo na lang muna ang sasakyan ko.Gusto ko pa kasing uminom.U..Umuwi ka .. na mu...muna" sabi ko.

“Cheyen,Ako na lang hahatid kay Yvonne sa bahay niya at ibigay mo na lang sa akin ang kanyang address para mahatid ko na siya.Sasabihan ko na lang ang iba nating kasama dito na bantayan ang kanyang sasakyan.Sige! Mauna kana at susunod kami." sabi ni Enzo.

“Humanda ka sa akin! Enzo! Kapag may nangyaring masama sa kaibigan ko ha.Tatadtarin talaga kita! Tandaan mo yan! " babalang sabi ni Cheyen.


Maya maya pa ay naramdaman ko na isinakay na ako ni Enzo sa sasakyan papunta sa bahay.Pinikit ko na lang ang aking mga mata para matulog dahil hilong hilong na talaga ako.Ang sakit nang ulo ko.Nagising ako dahil ginising ako ni Enzo.Hindi na ako masyadong nahihilo at nawawala na rin ang alkohol sa aking katawan.

DESCRY (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon