Chapter 23 - Goodbye Philippines

1.9K 27 9
                                    

Kinuha ko na ang pantalon na nakalagay sa kama. Maayos ko yung natiklop kaya inilagay ko na rin ito sa loob ng maliit kong maleta. 

"Leigh." Naramdaman ko ang yakap nya mula sa likod. >___< 

"Bakit? XD" Buti na lang at hindi nya kita ang mukha ko. Natatawa ako eh! XD 

"Wag ka ng umalis." Sabi ko na eh! Yun yung sasabihin nya. Hahahaha 

"Bakit? Kelangan kong sumama eh. Eto na lang yung time namin para magsama-sama uli." Napabuntong-hininga sya. Then, umalis na sya sa pagkakayakap sa akin. 

"Yabs! Wag ka dyan!" >___<

"Ayoko nga." Dinilatan nya ako habang nakapikit. Ang kulit ng lahi! 

Hinihila ko yung kamay nya. Kasi naman! Hinigaan nya yung mga damit ko sa kama. Tapos ayaw umalis. 

"Tayo!" 

"Ayoko nga sabi! Kulit nito!" Anong sabi nya?! AKO PA ANG MAKULIT? 

"Pag hindi ka tumayo dyan, di na ako babalik!" Hindi pa rin sya tumatayo. Nakangisi lang sya habang sarap na sarap ng higa sa kama ko. 

"Di wag ka ng bumalik! Susunod na lang ako." Napatingin na lang uli ako sa kanya. 

Seryoso sya? Eh gago talaga to! Kaya nga gusto ko ring umalis, para naman magkaroon sila ng time ng pamilya nya ngayong Christmas break. Hindi naman pwedeng kami na lang lagi yung magkasama di ba? 

"2 weeks lang naman yun eh. Spend some time with your family muna. Di na rin kasi natin sila madalas nakikita." 

"Siguro nga. Sige. Dun muna ako sa kwarto ko." 

=______= AISH! Ginulo na naman nya ang buhok ko! 

"YAAAAABBSSS!" Narinig ko yung tawa nya sa labas ng kwarto ko. 

Bakit ba ang hilig nilang manggulo ng buhok? Lalo na si Kenneth! Grabe talaga yun! Nung ako yung nangulo ng buhok nya, sobra naman syang nagalit. -__- 

Eh? Ba't napapunta kay Kenneth ang iniisip ko? Amp. 

Nung matapos na akong mag-ayos ng gamit, hinanap ko kung nasan si Renzo. Ihahatid nya daw kasi ako sa amin. 

At ayun, nandun sa kwarto nya. Pinapaikot yung bola ng basketball sa daliri nya. 

"Oh?" 

"Di ba ihahatid mo ako?" Parang nagulat eh. Hays. 

"Mamaya na. Bukas pa naman yung alis nyo. Samahan mo muna ako sa court. Magbabasketball lang ako ng konti." 

-_____- Simula nung sumali sya dun sa basketball team, naging ganyan na sya. Hindi pwedeng matapos ang araw na di nya mahahawakan yung bola or maglaro. 

Adik na sya. 

Kaya nga nung mga nagdaang buwan, nagkakaaway kami. Dahil sa basketball. Nauubusan sya ng oras para sa akin. 

"Geh." matipid kong sagot. 

Pero ano bang magagawa ko? Hilig nya yan. Intindihin na lang. 

Mahal ko eh. ^_____^ 

Nilakad naman yung papunta sa basketball court. Nakatira kami sa isang subdivision kaya meron ding parang park dito at kung ano-ano pa. 

"Sakto. Walang tao. :)" sabi nya. Dali-dali syang pumunta sa court. 

At yun! Iniwan ako! Ang bilis kasi maglakad. Di man lang ako inintay! >___< 

Umupo na lang ako dun sa upuan dun. Nagsimula na syang maglaro dun mag-isa. 

Thanks, I've Fallen For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon