ONE ✪

10.6K 107 29
                                    

Chapter One.  

Million Dollar Baby  

"I'm sorry but it's over."  

"W-WHAAAAT?!"  

"Ayoko na Jess. Hindi na magwo-workout tong relasyon natin na 'toh. I'm sorry..goodbye."  

He left me dumbfounded by his words. Nakatingin lang ako sakanya habang unti-unti siyang nawawala sa paningin ko. Tanginang buhay to! Ganun nalang ba yun? Walang ng explain explain? Kung ayaw na niya, hindi na niya ico-consider yung feelings ko?! Ganun nalang ba? Walangyang buhay naman to. Puro kamalasan nalang eh. Kailan ba dadapo sakin ang swerte? Tsk.

Umupo ako sa isang bench sa park. Tumingin ako sa langit habang nag-iisip at umiiyak. I sighed. Mahal na mahal ko si Jake. Tapos bigla nalang niya ko iiwan! Ano 'toh lokohan? Ganito nalang ba namin tatapusin ang lahat? 

Slowly, there are raindrops dropping in my head. Leche! Bakit ngayon pa umulan? Dinadamayan ba ko ng langit sa pagiyak ko?  

I started to chill kaya nagdecide na kong umuwi sa unit ko. Pagabe na din kasi kaya kailangan ko na bumalik baka hinahanap na ko ni Wendy. Baka mamaya kung ano na nangyare dun. Baka may pumasok na magnanakaw sa apartment namin. Nakuuuu! Hindi ko mapapatawad sarili ko kapag may nangyareng masama kay Wendy.  

***  

Pagdating ko sa apartment. Tulog na si Wendy sa sofa. Anu ba yan, napakapabaya ko naman. Bakit kasi iniwan ko pa siyang mag-isa dito para lang makipagkita dun sa walang kwenta kong boyfriend?

Ehem! I mean ex-boyfriend. Tsk.

Hindi pa siya naglilinis ng katawan at hindi pa to kumakaen for sure. Hindi man lang nagalaw yung pagkaen sa lamesa eh. Pasaway talaga oh. Hinintay pa kasi ako. Phew! Kasalanan ko din pala. Pinabayaan kong magisa siya dito. Binuhat ko nalang siya papuntang kwarto. Kumuha ako ng towel at pinunasan ko siya. Hindi ko na siya gigisingin, ang himbing na ng tulog eh.  

Bago ang lahat, ako nga pala si Jessica Lin Oconer. 17 years old. Nagstop na ko mag-aral. Bakit? Hindi ko afford eh. Pinagaaral ko si Wendy, ang little sister ko. Kaya hindi kasya ang budget kung pati ako magaaral din. Kaya si Wends nalang muna. Nagtatrabaho ako bilang waitress sa isang coffee shop. Kung saan ko nakilala ang boyfriend kong si Jake.  

Again. I mean, EX-BOYFRIEND. Kainis naman eh! Ayaw tanggapin ng utak at puso ko yon. Si jake pa din tinitibok nito. Aish. Abnormal na puso ko!

***  

*POKE POKE POKE* 

"Ateeeee~ gising na."  

Million Dollar BabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon